May mga nagsasabi na hindi raw tayo nag-iisa sa mundo.May mga elementong hindi makikita ng ordinaryong tao,nakikitira sa ating mundong ginagalawan. Mga multong pagala-gala na humihingi ng tulong para sa katarungan, mga multong hindi matahimik dahil ayaw pa nilang lumisan.Ang tanong na gumagambala sa isipan ng mga nabubuhay,tunay nga bang may multo? Maraming nagsasabi na ito'y mga demonyo na ginagaya ang anyo o gumagamit ng kaluluwa ng mga namatay para linlangin ang naiwang mahal sa buhay o maghasik ng kasamaan. Mga kaluluwang hindi matahimik.
Nakakarindi.
Nakakapagod.
Nakakasawa.
Minsan kailangan mo na lang masanay sa mga nakikita mo.
Masanay na kakaiba ka.
Ano nga ba ito? Biyayang kaloob ng Diyos? O isang sumpa?
Lahat tayo ay nais ang normal na buhay.Isa na ako doon.Magkaroon ng..
Simpleng pamumuhay.
Kuntento.
Tahimik.
Payapa.Ngunit paano mangyayari iyon kung..
ISA AKO SA MGA TAONG NABIYAYAAN NG KAKAIBANG KAKAYAHAN NA MAKITA ANG IKATLONG DAIGDIG?
MAKITA ANG MGA HINDI NINYO NAKIKITA.
Imposible diba? Imposibleng maging normal ang buhay kung palaging may sumusunod sayo.Dapat ba akong matuwa dahil kakaiba ako?
Dapat ba akong mamangha sa kakayahan ko?
Marahil oo,para sa inyo nakakamangha.
O matakot dahil maaaring ang kakayahan kong ito ang magwakas ng buhay ko?
BINABASA MO ANG
Ikatlong Daigdig
TerrorMay isang binata na nagngangalang Clyde, palipat-lipat sila ng tirahan kasama ang pamilya dahil siya'y nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao. Iniisip niyang ito ay salot pero swerte sa tingin ng iba. Para sayo, matutuwa...