Nananatiling nakatulala si Jane sa ibaba ng building na kinatatayuan namin. Nakakabinging katahimikan. Babasagin ko na sana ang katahimikan nang hawakan ako ni Jane. Nahilo ako na parang paikot-ikot na nahulog sa isang senaryo na may isang babaeng tumatakbo.
"Tulooong! Tulungan nyo ako!!" sigaw ng isang babae. Sinundan ko siya hanggang sa makarating sa isang pamilyar na lugar, sa rooftop.
"HINDI KA NA MAKAKATAKAS SA AKIN! WAHAHA!!!" pananakot ng lalaki na pamilyar sa akin. Nagtago ako sa likod ng basurahan. Nakita ko. Nakita ng dalawang mga mata ko. Hindi ako nagkakamali.
Si..
Si Manong Janitor. Pero teka? Alam ko mabait siya. Pero bakit hinahabol niya ang isang babae? Nagpatuloy ako sa panonood at inaabangan kung anong susunod na gagawin ni Manong Janitor. Hindi ko inaasahan ang panghahalay na ginawa niya sa babae. Pero teka? Sino yung babae.
At ang babae ay walang iba kundi si.. si Jane?
Si Jane yung babae na hinahabol ni Manong Janitor?? HINDIIII!!!
Nagpupumiglas ito dahilan para makawala sa bisig ni manong janitor at siya'y tumalon sa rooftop para makatakas. Bumaba si Manong Janitor para kunin ang katawan ni Jane na duguan. Ito'y kanyang ibinitin sa punong mangga at dinukit ang mga mata. Tinahi ang bibig.
Hindi ako makapaniwala, si Manong Janitor na akala ko'y mabuting kaibigan ay makagagawa ng isang karumla-dumal na krimen na hindi naungkat sa loob ng mahabang panahon.
Hindi ako makahinga, nakita ko ang isa pang lalaki, aalis na sana ito nang magsalita si Manong Janitor.
"Kanina ka pa ba dyan?" nakangising tanong ng duguang janitor.
Tumakbong papalayo ang lalaki para makatakas sa janitor. Muli ko silang sinundan, sa aking pagtakbo'y napalingon ako sa rebulto ni San Miguel subalit wala ang demonyong nasa ilalim nito. "PINATAY MO SYAAA!!!" sigaw ng lalaki pero palapit ng palapit ang janitor.
"WAG! WAG MO AKONG SASAKTAN!" pakiusap ng isang lalaki sa janitor. Gulung-gulo ang isip ko, akoy nasa isang panaginip na sumasagot sa mga tanong ko.
Nalaman ko kung bakit namatay si Jane at nalaman ko rin na ang nawawalang demonyo sa ilalim ni San Miguel ay ang demonyo na nag-anyong kaluluwa ng Janitor para maghasik ng lagim.
"SAN KA PUPUNTA? HAHAHAHA!!!"sigaw ng janitor. Nadakip niya ang lalaki at ito'y kanyang iginapos. Dinala niya ito sa rooftop at inihulog sa mataasna palapag ng gusali.
"Dapat lang yan sayong lalaki ka para walang makaalam sa ginawa ko" sambit ng duguang janitor. Sa puntong ito, tila nahimasmasan ang janitor. Siya'y napatulala sa kawalan, ang halakhak ay napalitan ng hagulhol. Tila nagsisisi sa ginawa niya. Napaluhod. Nagsusuntok sa pader mula sa itaas ng rooftop. Itoy nagsisigaw.
"AYOKO NAAA!! AYOKO NG MABUHAY!!" hagulhol niya
Kinuha niya ang gulok na ginagamit sa pagtatabas ng damo at hiniwa ang kanyang pupulsuhan. Dugung-dugo at iyon ang ikinamatay ni Manong Janitor, ilang Linggo ang itinagal ng kanyang bangkay nang ito'y matagpuan dahil sa umaalingasaw na amoy.
Madami akong napagtanto, si Jane, ang babaeng nakita ko sa aking panaginip na nakabigti noong nakaranas ako ng sleeping paralysis. Siya rin ang babaeng nakita ko noong mga panahong hinahanap ko ang magiging room ko, duguan, dinukot ang isang mata at tinahi ang bibig. Wala pala akong kaklaseng Jane, kaya pala nagtatawanan ang nakakasalubong ko sa tuwing kasabay ko si Jane at kinakausap. At natatandan ko rin nang mga oras na kasabay kong umuwi si Jane.
*flashback
"Oh anak, nandyan ka na pala, kain ka na dyan"bungad sa akin ni inay.
"Mukhang ginagabi ka yata?"pahabol na tanong sa akin ni inay.
"Officer po kasi ako sa CAT, nagdrills pa po kami"sagot ko.
"Gagraduate ka na anak, marami ka na bang kaibigan?"tanong sakin ni itay.
"Opo tay! Sa katunayan kasabay ko po ang isa kong kaklase si Jane. Taga diyan lang siya malapit sa atin" sagot ko.
Nakita ko ang takot sa mata ni itay na sa pakiwari ko'y may hindi ako nalalaman. Nagkabiruan pa sila inay at itay. Nang akoy gumagawa ng aking takdang-aralin, narinig ko ang usapan nila.
"Mahal, diba sabi ng anak mo, may kasabay siya pag-uwi?"tanong ni itay kay inay.
"Oo, si Jane. Tama?" sagot ni inay.
"Nakausap ko kasi si kumpareng Ramil kamakailan lamang. Nabanggit niya sa akin na tuwing gabi daw nakikita niya ang anak natin na tumitigil sa harap ng gate nila na parang may hinahatid kahit wala naman itong kasama" kwento ni itay.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni inay.
"May namatay na anak si kumpareng Ramil, ilang taon na ang nakalilipas, nag-aaral din yun sa mismong paaralan ni Clyde, dinukot ang mata at tinahi ang bibig" pagpapatuloy ni itay sa kwento.
"Anong pangalan ng babae?" tanong ni inay na may halong takot.
"Jane"
Hindi pala tunay si Jane. Matagal na pala siyang patay. At ang kasama ko ay isa lamang multo. Hindi lang si Jane ang nakita ko, maging ang janitor ng aming paaralan ay multo rin. At ang anyo ng janitor ang ginagamit ng demonyo upang maghasik pa ng lagim. Kaya pala walang estudyante na pumapansin sa kanya. Naglaslas pala siya dahil sa mga karumal-dumal na krimeng nagawa niya. Naalala ko noong makita ko siya lilim, nakausap ko pa siya at nakita ang dumudugong sugat sa pupulsuhan niya. Natatakot na ako. Ayoko ng magkaroon ng ganitong kakayahan na makita ang ikatlong daigdig kung san nandon ang mga kaluluwang hindi matahimik. Pero may isang tamong ang sa akin ay gumugulo..
Natatandaan ko, may lalaking hinulog sa rooftop si Manong Janitor. Bakit hindi ito nagpaparamdam sa akin? Alam ko na ang isang kaluluwa ay matatahimik kapag tanggap niya ang kamatayan niya. Yung lalaki, pinatay siya. Alam kong hindi katanggap-tanggap yun pero bakit hindi sya nagpaparamdam?
Kung nasaan man siya, siya ang gusto kong huling makita bago ko ipatanggal ang aking ikatlong mata.*KRIIING! KRIIING!* hudyat na umpisa na ang klase, medyo tinanghali ako.
Naalala ko, mayroon pa nga pala akong misyon na gagawin iyon ay ang hanapin ang kaluluwa ng inihulog sa rooftop . Lumipas ang ilang araw, nararamdaman kong tila mailap ang mga nasa paligid ko. Walang kumakausap sa akin, naiintindihan ko sila, ito'y dahil sa nakakakita ako ng mga multo. Nagsasalita ako mag-isa kaya natatakot sila. Hindi ko pinansin ang ganitong mga senaryo, basta kahit anong mangyari hahanapin ko ang lalaking inihulog mula sa rooftop.
BINABASA MO ANG
Ikatlong Daigdig
УжасыMay isang binata na nagngangalang Clyde, palipat-lipat sila ng tirahan kasama ang pamilya dahil siya'y nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao. Iniisip niyang ito ay salot pero swerte sa tingin ng iba. Para sayo, matutuwa...