Chapter 3

4.1K 110 0
                                    


"Stella! Bwisit ka! Sabi mo agahan ko dahil magpa-pancake tayo?!" inis na sigaw ko dito sa cellphone pero binigyan nya lang ako ng alanganing tawa.

"Hahaha! Clean sorry na kasi! Kakagising ko lang talaga ang sakit kasi ng puson ko eh."

"Hahaha din. Pasasakitin ko lalo yan pag nakita kita." Inis na sabi ko pero tumawa lang sya tapos nagpaalam na mag-aayos na at ang galing ako pa ang binabaan.

So anong gagawin ko sa isang oras na natitira bago magsimula ang klase? Si Xandra maya maya pa papasok yon dahil may tinatapos daw sya at ayaw nyang gawin sa office nya dahil baka guluhin daw sya ni Valerie.

Speaking of Valerie, thankful ako dahil hindi ko na sya nakakasalubong lately dahil last time na nakasalubong ko sya? Pinisil nya yung butt ko pagdaan ko! Pag naaalala ko yun kinikilabutan talaga ako kaya ayoko na talaga syang makasalubong!

Linis: Oyyy nasan na kayo?  Chat ko sa GC naming apat, buti na lang online yung dalawa!

El nina: Kumakain pa ako.

Inay: Pigging out kamo.

El nina: Grabe ka! Konti lang naman to!

Tapos nagsend si Kyla ng picture kung saan nakaselfie si Janina kasama yung mga pagkain na kinakain nya.

Linis: Pfft! Yan ba yung kumakain lang? Kaya ka tumataba eh!

El nina: Heh! Ewan ko sa inyo. Bahala kayo dyan kakain muna ako :P

Then nag-out na si Janina. Pag pagkain talaga di mo maiistorbo ang isang yon!

Inay: Clean, nasa school ka na ba?

Linis: Yup! Talkshit si Stella eh! Tapos nagsend ako ng selfie ko dito sa fountain.

Inay: Stella?

Linis: Sabi nya ililibre nya ako ng pancake kaya agahan ko daw tapos wala sya.

Pagkasend ko ay tumayo na ako at napagpasyahan kong maglibot libot muna dahil nakakatamad kung sa isang pwesto lang ako tatambay.

Inay: Naghihirap ka na ba at sabik ka sa libre? =,=

Linis: Kyla, fudz yon! Fudz! Gets mo ba? Walang tumatanggi sa fudz!

Inay: Clean. Patay gutom na tawag dyan.

Magrereply na sana ako kaso may biglang bumangga sa braso ko tapos nagkalat lahat ng papel sa lapag. Hala! Kasalanan ko ba? Nag-out agad ako at lumuhod para tulungan si ateng nagpupulot.

"Sorry Miss, di kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko eh." Sabi ko at agad ng tumayo at inabot sa kanya ang mga papel pero agad napakunot ang noo ko ng makilala ko ang kaharap ko.

"Polaris." Banggit ko sa pangalan nya kaya agad syang ngumiti ng matamis. "Yup, that's my name! Good morning Clean." Masiglang bati nya pero ngumiti lang ako ng tipid at binati din sya.

Pero bago pa humaba ang pag-uusap namin ay agad na akong lumakad kaso napahinto ako ng makitang sumabay sya sakin. "Bakit ang aga mo? As far as I know wala naman kayong training ng morning?" tanong nya pa habang yakap ang mga papel.

"Sabi kasi ng kaibigan ko magkikita kami ng maaga pero di agad sya dumating." Sabi ko sa kanya pero ngumiti lang sya.

"Ganon naman pala eh! Tara kwentuhan muna tayo don sa mga bench! Maaga pa naman eh." Sabay hatak sakin papunta sa mga bench na sinasabi nya. Ugh! Ang higpit naman ng kapit nito! Ni hindi ko manlang maialis ang kamay ko!

At una sa lahat, pumayag na ba ako para makaladkad ako ng ganito!?

///

"Clean, alam mo famous ka talaga eh kahit na sabihin na lagi kayong naga-guidance." Panimulang topic nya habang naka-upo kami.

Ngumiti naman ako ng alanganin sa kanya. "So, compliment ba yun or ano?" tanong ko kaya agad syang napatawa. "Masyado ka namang nagpapahalata na ayaw mo sakin, easy wala akong gagawing masama."

Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nya pero binigyan nya lang ako ng nakakalokong ngiti. "Anyway, yung sa office ni Alexandra. Pinsan ko sya at trip ko lang talagang gawin yon, baka sabihin mong tomboy ako ha?"

Tumango tango naman ako. "Di naman ako yung tipo ng babae na humahalik sa kapwa ko babae. Straight ako hahaha!" tapos tumawa pa sya.

Pero para sakin.. mukhang may alam sya o sadyang inaalam nya pa lang kung totoo ang hula nya? Di kaya nagkwento si Xandra sa kanya? Pero hindi naman si Xandra yung tipo ng tao na pala kwento duh!

This is really badness! Mukhang mas beyond sa pantitrip ang dulot ng pinsan nya ah. Parang yung tipo na imbestigador na gustong alamin ang lahat.

"Clean? Oy di ka na nakapagsalita. Nagbibiro lang ako, actually gusto talaga kitang maging friend eh." Nakasimangot ba ako ng sabihin nya yun? Sana naman hindi dahil kung oo nga ay sobrang obvious ko naman! Ayoko namang maging rude noh!

"Okay lang naman Polaris." Sagot ko sa kanya at ngumiti kahit papaano. Sabagay, ayoko namang husgahan sya base sa instinct ko diba? At saka wala pa naman syang ginagawa kaya hindi tamang husgahan ko agad sya.

Ngumiti sya ng malaki tapos inilagay na nya yung mga papel sa isang brown envelope pero.. san nanggaling yun? Yung totoo, may lagayan naman pala yun eh bakit nagkanda tapon tapon pa nung nagkabanggaan kami?

Nagkabanggaan nga ba? Bakit parang mas mukhang sinadya? Ugh, Polaris!

"About Alexandra, you two seem close base sa titigan nyo last time." Sabi nya habang nakatingin sa malayo. Sabi na! Sabi na talaga eh! Kinukumpirma nya lang talaga! "Ha? Parang hindi naman, sobra ka lang talaga sigurong nag-iisip." sagot ko sa kanya.

Sana di ako mautal utal!

"Maybe, pero ingat ka kay Alexandra ha? Kakaiba mag-isip ang isang yun." Sabi nya tapos tumawa pa. "Parang ang tino mo naman mag-isip?" pambabara ko sa kanya na ikinatawa nya.

And about don, matagal ko ng alam na kakaiba mag-isip si Xandra noh! Second day pa nga lang nung tumira sya sa bahay hinalikan nya agad ako diba? Pero di ako nagsisi kahit isang beses.. dahil syempre naman, girlfriend ko na kaya si Xandra!

"President!"

Napalingon ako sa hallway na pinanggalingan namin ng marinig ko ang boses ni Flortintina. At ano daw? President?!

Napalingon ako kay Polaris then kay Florintina na hinihingal habang nasa likod nya din si Alice. "Oh? Vice, bakit kailangang tumakbo pa?" sagot ni Polaris sa kanya.

"Kayo na lang po ang kulang sa meeting room." Sagot ni Florintina at agad namang napatayo si Polaris. "Oo nga pala! Till next time, Clean." Tapos nagflying kiss pa sya sakin at lumakad na ng mabilis.

Napalingon naman si Florintina sakin ng nagtataka pero nagkibit balikat lang ako tapos umalis na sya. Pffft! Wala lang sa mood makipagtalo yun eh!

Bago pa makaalis si Alice ay hinawakn ko agad sya sa braso. "Alice, anong ibig nyong sabihin sa President?" tanong ko sa kanya.

"Huh? Hindi mo kilala yung kausap mo?" tanong nya pero umiling agad ako. "Nasa last year na sya ng senior high." Napapout naman ako dahil sa sagot nya.

"Hindi naman yun yung tanong ko eh. I mean, president din ba sya ng isa sa mga club?" paglilinaw ko pa sa kanya pero agad syang umiling.

"Baliw ka talaga Clean. Si Polaris Tan also known as President, sya ang President ng Student Council ng CBAGHS." My jaw dropped dahil sa sagot sakin ni Alice.

What the heck!? Sya pala yung President! Tingin tingin din kasi sa bulleting board diba?! Total badness!

Trouble II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon