"Stella, may President pala ang Student Council?" wala sa sariling tanong ko sa kanya. "Putcha, malamang! Alangan namang si Vice agad diba?" sabi nya sabay bukas ng bag nya.
"Oo nga, tapos Polaris Tan ang pangalan nya." Dagdag ko pa sabay buntong hininga. Hinila ko ang katabing upuan tapos agad kong na pinaupo si Kyla sa tabi ko at sinenyasan ko naman si Janina na umupo na din.
"Luh? Ano di mo alam? Bumoto kaya tayo sa election at yun yung pangalan na binilugan natin."
Napatingin naman agad ako kay Stella dahil sa sinabi nya. "Talaga? Eh kinopya ko lang kaya sayo yun." Napaface palm naman sya. "Manahimik ka na nga. Oh eto pancake pambawi kaninang umaga. Luto ko yan." Sabi nya kaya agad kong binuksan yon at tinikman.
"Oh ano? Masarap?" tanong ni Stella sakin habang nginunguya ko yung pancake na dala nya. Tumango tango naman ako at nagthumbs up sa kanya sabay subo pa ng isa.
Kasalukuyan kaming naglulunch dito sa cafeteria dahil si Stella ay di ako sinipot kaninang umaga! At dahil daw sa takot nyang totohanin ko ang pagbabanta ko ay sinakto nya daw talaga na nakasunod sa kanya si Miss pag pasok nya ng room.
Ang talino diba?
"Ito din Clean tikman mo, ako nagluto nyan." Sabi ni Kyla sabay tapat sakin ng tinidor nya. Agad ko namang sinubo yung pagkain at napangiti ng malaki. "Naks naman Kyla! Nag-iimprove ah!"
Puri ko sa kanya na agad nyang ikinangiti. "Oy! Ako din! Pahingi ako pahingi!" natawa kaming tatlo ng biglang kinuha ni Janina ang baunan ni Kyla at kumuha ng madami.
"Spell gluttony." Masungit na pagkakasabi ni Kyla pero nakangiti naman. Tumango kami ng sabay ni Stella. "J-A-N-I-N-A." sabay naming sabi kaya sinamaan kami ng tingin ni Janina.
Nagtago agad ako sa ilalim ng lamesa ng biglang lumipad ang plastic na tinidor sakin. "Oy gago ka Janina! Walang batuhan! Kadiri ka!" sigaw ni Stella sabay tayo nya.
Lumingon naman ako kung nasan ang pwesto ni Janina at laking gulat ko ng nakadungaw na sya sa ilalim at ready ng ibuga sakin yung laman ng bibig nya. "Yuuuuuck!!" sigaw ko sabay alis agad sa ilalim ng lamesa.
"Kadiri ka talagang Janina ka!" sigaw pa ni Kyla pero tawa lang ng tawa si Janina. "Hahahahaha! Di na kayo mabiro!" sabi pa nya pero agad kaming nagkatinginang tatlo.
Nilagyan ni Kyla ng maraming pagkain ang plato ni Janina at ang gaga tuwang tuwa naman! "Wow! Salamat talaga!" tapos agad agad nyang sinubo yon kaya di nya nakita ang tanguan namin.
"Pano ba yan busy pa si Janina? Tara guys sibat na tayo." Sabi ni Stella tapos hinatak kami ni Kyla. "O-oy! Te – ka!" hirap nyang sigaw dahil puno pa yung bibig nya tapos nagtalsikan pa yung ibang kanin.
Pigil na pigil kami tumawa ng makita ng ibang estudyante ang kalokohan ni Janina tapos tinignan pa sya na nandidiri kaya wala syang nagawa kundi kumuha ng tubig sabay bitbit ng plato nya.
"Janina! Bawal ilabas yang plato. Maupo ka ulit!" sigaw ni manang sa counter kaya wala na syang nagawa kundi ang maupo ulit habang nakatingin samin na parang sinasabi na hintayin sya.
Pero dahil kaibigan nya kami? Tumakbo kami syempre! Hahahaha! Syet! Sobrang kawawa ng itsura ni Janina! Hahahaha!
///
At dahil mabait kaming estudyante ay agad kaming pumasok ng room matapos naming pagpalit palitin ang answer key sa loob ng office ng teachers namin.
Napalingon ako kay Stella ng ilapit nya ang upuan nya sakin sabay pakita ng papel nya. Nilingon ko naman ang paligid bago ko tignan.
"Hindi ito nga kasi." Bulong ko kay Stella tapos pinakita ko pa yung solution ko sa kanya. "Ha? Bakit ganyan? Ano ba kinukuha?"
"Baliw. Area nga diba, bakit ganyan ginawa mo? Pang perimeter yan." Sagot ko sa kanya habang tinitignan ang solutions namin.
Tinignan naman nya paulit ulit. "Hala! Oo nga!" bulong na sigaw nya tapos agad na binura ang mga ginawa nya. Tumango tango naman ako tapos agad ng bumalik sa papel ko.
Napahinto nanaman ako sa pagsagot ng kalabitin ako ni Stella sabay pakita ng isang shape. "Oh? Anong mayroon sa circle?" tanong ko sa kanya pero napasimangot agad sya.
"Nakalimutan ko formula nito, paikot ikot to eh." Biro nya pero agad ko syang binigyan ng corny na tawa. "Last mo na yan Tela, kundi masasapak na kita."
Nagpeace sign lang sya sakin kaya agad kong sinabi ang formula. "Tama! Circumference nga pala dapat!" sigaw nya kaya agad na nanlaki ang mata ko. "Gago ka! Bakit mo isinigaw?!" gigil na bulong ko sa kanya pero huli na ang lahat. Pahamak na Stella to!
Napapikit kami ng marinig namin ang isang malakas na paghampas sa lamesa. "Miss Allister and Miss Logan! Quiz ito at hindi discussion! Both of you, get out!"
"Pero Miss – " magdadahilan pa sana ako pero tinuro na nya ang backdoor kaya kamot ulo kaming lumabas. Pasimple ko namang nginitian si Xandra ng lumingon sya sakin pero napailing lang sya.
Sorry naman! Babawi ako next time swear!
Paglabas namin ng building ay agad kong binatukan si Stella! "Aray! Makabatok naman! Kulang na lang matanggal yung ulo ko sa leeg ko ah!"
"Gago ka kasi! Quiz yun Tela! Yung totoo?! Sumigaw daw ba? Napaka-obvious!" sigaw ko sa kanya kaya napabuntong hininga agad sya. "Sorry na kasi diba?! Malay ko ba, alam mo namang nakakaloka ang math diba?"
"Malamang! Pero di kailangang pinalalandakan na shook na shook ka noh!" sigaw ko sa kanya. "Sorry na nga kasi! Patawarin mo na ako! Di mo na – " naputol ang sasabihin ni Stella dahil sa isang malakas na sigaw.
"TAMA NA! PWEDE BA!?"
Nagkatinginan agad kami ni Stella sabay tingin sa kumpol ng mga estudyante banda sa entrance ng open field. Yun yung part na laging maputik dahil sira ang drainage pero malinis naman yun dahil galing naman sa tubig ulan ang tubig don.
"Parang si ano yun ah?" sabi ni Stella kaya agad na nanlaki ang mga mata namin.
Nagkatinginan kami tapos lumingon kami kung san nanggaling yun. "Gago! Boses ni Kyla yun!" sabi ko sa kanya kaya agad kaming napatakbo at napasiksik sa kumpulan ng mga estudyante.
BINABASA MO ANG
Trouble II (Completed)
RomanceBook II of my Trouble I ( Completed ) I suggest na basahin muna po ang Book I bago dito kasi di kayo makakasunod sa flow ng events hohoho! As I promise, i-upload ko sya after ko sa lahat ng requirements so eto na! yehey! Salamat po sa lahat ng nagba...