Chapter 1: Welcome to Candyfornia

326 5 3
                                    

Falling from Cloud Nine..

Crashing from the high..

2009

(Katy's point of view)

Kakatapos lang ng Hello Katy World Tour ko sa Ischgl, Austria..

Doon ginanap ang pinakahuling tour ko..

Kakapagod..

Gusto ko na talagang umuwi.

Dumaan kami sa isang maliwanag na hallway..

Kulay gold ang pintura ng wall at marble ang floor.

At sa bawat tabi ng pintuan, may mga small tables na may flowers na nakalagay sa vase.

Bawat tapat ng pintuan, mga maliliit na chandelier ang nakabitin sa itaas..

Kulay dilaw ang kulay ng ilaw.

Papasok na ako ng dressing room..

Kasama ko si Bonnie, ang kaibigan kong sikat na aktres at musician.

"Katy, faster! Your fans are waiting for you at the lounge."

Nagmamadaling utos ni Bonnie sa akin.

Kahit pagod ako, ngumiti pa rin ako at tumango sa kanya.

Pagpasok ko sa dressing room, sabi ko kay Bonnie..

"Will you please tell them that I'm coming? I'm so tired."

"Okay, Katy. See ya later!"

Kinindatan niya ako at umalis.

Pagpasok ko ng dressing room, binuksan ko ang ilaw at sinara ang pinto. Sumandal lamang muna ako sa pintuan.

Tinignan ko ang lahat ng mga kagamitan ko.

Ang mga costumes, wigs, pictures, etc.

Di lamang ako makapaniwala na aabot ako sa ganito.

Dati rati, pangarap kong maging isang sikat na singer.

Naalala ko ang una kong album ang "Katy Hudson" na hindi ganoong sumikat.

Sinubukan ko ang pop.

Anu nangyari?

Eto na ako. Naabot ko na pangarap ko.

Pero bakit...

parang may kulang pa?

Binaba ko ang gitara ko sa table. At dali daling nagbihis.

...

Nakaayos na ako at handa na muling magpakita sa mga fans ko.

Pagbukas ko ng pintuan ng dressing room, kakaiba ang nakita ko.

Hindi ang maliwanag na hallway. Kundi isang madilim na silid.

Wala akong makita.

At mahangin sa silid na iyon.

Kataka-taka. Bakit ang dilim at ang ginaw? Saan ba ako dadalhin ng pintuan na to'?

Sinarado ko ang pinto. Huminga ng malalim at binuksan muli.

Yun parin.

Madilim at mahangin.

Sinubukan kong pumasok.

Dahan-dahang naglakad sa madilim na silid.

Nag sara ang pinto at nawala.

Pagharap ko, maliwanag ang daan at macreamy ang lupa.

Bakit puro sweets ang nasa lugar na to'?

Saan na ako dinala ng pinto?

May malaking peppermint candy gate sa harap ko.

Tinulak ko ito.

Ang bigat.

Sa wakas ay nabuksan rin.

Automatically, nag-iba ang suot ko.

Naging isang pink dress na decorated with real candies.

Ang buhok ko ay naging kulay pink na may heart sa gilid.

Pumasok ako sa gate...

May banner na "Welcome to Candyfornia!"

Candyfornia?? Nasan ang California?

Nasan nga ba ako?

May mga paparating na gumagalaw na Gummy Bears.

Nagtago ako sa isang plants na ang bunga ay ice cream on cone.

Pinanuod ko sila.. Buhat buhat nila ang isang kalesa na makulay. Gawa ito sa gingerbread.

May tao kaya sa loob?

Huminto ang kalesa..

May lumabas na kamay sa bintana ng kalesa.

Isang maitim na kamay..

Parang African, eh.

Tinuro niya ang bukas na gate... Sinara ito ng isang Gummy Bear at binantayan ang gate.

Pagkatapos ay tumuloy na ang kalesa.

......

Sana po nagustuhan ninyo! :) Comment niyo lang po kung itutuloy ko.. Salamat!

Don't forget to vote po! Haha..

~~ direkgil

Complete Confection (Katy Perry FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon