Prologue

7 1 0
                                    

*Alarm clock ringing*

"Huuaaaaaa~" she yawned

"Gusto ko pa matulog eh!" muli siyang humiga sa kanyang kama but then realization hit her

"Omg! Exams nga pala ngayon! Aish~" nagmamadali siyang bumangon sa kanyang munting kama at pumunta sa banyo upang gawin ang kanyang morning routine para na rin pumasok sa kanyang paaralan.

*****

"Aish! Nabasa ko to eh bat di ko matandaan?"

"First grading palang pero tong mga exams ko pang-Finals na!"

"Anuna Artemis? Yan kase kaka-mobile legends mo yan!"

"Bat ba kase may letters sa Math?"

"Bahala na! Basta sasagutan ko lahat ng tanong ng buong puso"

"Bawi nalang ako sa Second Grading hehe"

*****

Artemis's POV

Aish~ grabe ang pinagdaanan ko sa maghapong to, sumabak lang naman ako sa exams ng walang review

"Bes!!!" si Kate bestfriend ko , "Kamusta exams?"

"Ayun feeling ko babagsak ako" malungkot kong tugon

"Ayos lang yan bes bawi ka nalang sa second grading. Gusto mo libre kita? Kase alam mo may bago na akong crush hihihi sobrang gwapo nya!"

Ayan na naman siya kaya siguro 'Kate' ang pangalan ng babaitang to kase sobrang 'makate' ang ano di nauubusan ng crush ang gaga eh

"Dapat pala sayo laging may bagong crush para lagi kang nanlilibre hahahahahaha"

"Gaga hahahahahaha"

Pagkatapos namin bumili ng pagkain sa Cafeteria napag-desisyunan naming magkaibigan na tumambay sa Open Field ng school since di naman na masyadong mainit kase hapon na

"Bes dito na nga pala papasok yung pinsan ko, pogi yun! Gusto mo i-reto kita?" biglang sambit niya sabay kindat ng gaga

"Jusko bes! tegelen me nge eke wele ekeng penehen jen, pag-aaral nga di ko magawa ng maayos"

"Wag naman ako bes" sarkastikong sagot niya "Baka kailangan mo ng tutor, huwag kang mag-alala ihahanap kita" dagdag pa niya

"Siguro nga, para na rin makabawi ako nagiguilty na ako sa parents ko eh, pinag-aaral nila ako sa magandang school pero ako, heto di nag-aayos ng pag-aaral" malungkot kong tugon

Nang, matapos na kaming kumain napagdesisyunan na naming umuwi since hapon na rin.

*****

"Ma, Pa, andito na po ako" pagpapaalam ko sa aking pagdating

"Oh Artemis, anjan ka na pala! Kamusta exams? Medyo nahirapan ka ba?" tanong ni Mama

"Ah, eh, okay lang naman po madali lang naman hehe" pagsisinungaling ko

"Yan ang anak ko! Matalino! Ahahahahaha"  sambit ni Papa na ikina-guilty ko

"Ge po Ma, Pa akyat na po ako sa taas"

*****

"Good Morning Class so I'm here to announce those who failed in my subject"

Omg! Kinakabahan ako

"Mr. Dela Cruz, Ms. Atienza, Mr. Salcedo....."

Sana makapasa ako T^T

"and Ms. Versoza. Sa lahat ng apelyidong nabanggit ko, come to my office after classes to take remedial exams"

Yes! Pasado ako makakahinga na rin ng maluwag at parang nabunutan na ako ng tinik sa dibdib. Mukhang masaya kong haharapin ang maghapong klase sa araw na ito.

"Good Morning Class!" bati sa amin ng aming Adviser

"Good Morning Ma'am!" tugon naming mag-kakaklase

"Alam kong nagtataka kayo kase di ko naman period ngayon pero andito ako, i-aannounce ko lang sa inyo na may bago kayong kaklase, Connor come in." at biglang pumasok ang isang nilalang na nagtataglay ng hitsura ng isang anghel.

Nararamdaman kong anumang oras ay tutulo na ang laway ko at alam kong di ako nag-iisa dahil sabik din sa gwapo ang mga classmates kong babae. Napa-balikwas na lamang ako ng malakas na nagsalita ang Anghel sa harapan.

"Good morning Everyone, I'm Connor Anthony Williams ang it's nice meeting ya'll"

Ay taray englishero si Kuya

"Okay Connor pwede ka nang umupo, bakante pala sa tabi ni Ms. Leondale pwede ka dun umupo. Maiwan ko na kayo" pagpapaalam ng aming napaka-bait na Adviser uwu ^_^ sa akin ba naman pina-tabi si Connor bebemylabssosweet

"Excuse me, can I seat here?" naputol ang aking daydreaming nang ako'y tanungin ni Connor bebemylabssosweet

"Epkersh" malanding tugon ko

"Pardon?" paglilinaw nya

"Ah sure, you can sit ober der" medyo naiilang siyang umupo sa upuan

Eto na, magkaka-love life na ata ako simulan na ang Oplan : Landiin si Crush

*****

'Til I make you mineWhere stories live. Discover now