Chapter 03

4 1 0
                                    

"Bes! Di ko kinakaya yung mga nangyari kagabi"

"Bakit? Anong nangyari?" takang tanong ni Kate

"Nakilala na nila Mama at Papa si Connor!"

"Nakilala?! As boyfriend?"

"Gaga hindi! Ang oa mo dun ha!"

"So ano nga nangyari?"

"Wala naman masyado"

"Wala naman pala eh! ikaw ata ang oa saten eh! Tsaka ka mag-react ng ganyan kapag nag-chukchakan na kayo"

"Huy! Ang landi mo talaga!"

"Hahahahahaha! Mana sayo!"

"Diyan ka na nga! Pupunta na ako sa room ko"

"Bye bes! See you later!"

Nang makarating ako sa room napansin kong wala pa si Connor. Mag-sstart na ang classes pero wala pa rin siya.

Natapos na ang klase pero wala pa ring Connor na nagpaparamdam. Ano na kayang nangyari dun?

*****

Nang makita ko si Kate ay agad kobsiyang tinawag

"Bes!" tawag ko kay Kate habang kumakaway

"Bes!" callback niya (basta yun yung pag tinawag ka rin nung tinawag mo)

"Bes wala si Connor" malungkot kong panimula

"Sus! Kagabi lang kayo magkasama tapos miss mo na agad?"

"Hala siya! Di pwedeng nagtataka lang? Pero bes bat kaya di pumasok yun?"

"Ewan ko rin bes, wala kase lagi parents nun eh kaya di ko rin alam masyado ang ganap nun"

"Ano kaya kung puntahan natin siya?" pag-aaya ko

"Yieee! Concerned!"

"Leh pereng shere tu! Bes wag ka nga seryoso kase!"

"Sige na nga bes"

Nang makarating kami sa bahay nila Connor as usual ay sinalubong na naman kami ni Mrs. Tall at nalaman naming nage-lbm si Connor.

"Ano ba kaseng pinagkaka-kain mo ha kuya?" nag-aalalang tanong ni Kate sa pinsan niya

"Yung roasted chicken kila Artemis tsaka yung blue cheese sa Ref" tugon ni Connor

"Kadire kaya yung blue cheese kuya!"

"Masarap kaya yun tsaka mahal"

"Kahit na mahal yun the fact na inaamag na yun at kinakain pa rin that's so kadire"

Grabe pala mag-away tong magpinsan na to daig pa yung mga bata sa kanto namen

"Eto binilihan ka namin ni Artemis ng mga gamot!" sabay abot ni Kate nung bag kay Connor

"Thank you Artemis!" sabay kindat sakin

Guys! Di ako kinikilig pramis!

"Ah eh weleng enemen"

"Bes usap nga tayo saglit" pag-aaya sakin ni Kate

"Excuse me Connor ah"

"Sige lang"

Dinala ako ni Kate sa kitchen, ano kaya gagawin namin dito?

"Bes diba ang sabi ko sayo, you gotta make him fall in love with you pero bakit parang ikaw yung nahuhulog?"

"Bes hindi nam--"

"Artemis don't let your guard down"

"Kase naman b--"

"Don't let him win over you"

"Bes--"

"Tandaan mo yung mission mo!"

"BES KASE! PAGSALITAAN MO KAYA AKO"
nasigawan ko tuloy ang gaga, kainis hinhingal ako

"Bes ang oa mo ok? Di pa ako nafafall sa kanya. Di ko hahayaan na matalo ako, palaban ata to. Wag kang mag-alala bes kaya ko to ok"

"Kdot! pero bes ha" pagpapa-alala niya.

"Noted bes! Alam ko na yan tara na"

Nang bumalik kami sa kinaroroonan ni Connor kanina ay wala na siya.

"Mrs. Tall asan po si Kuya?" tanong ni Kate kay onanay

"Tumatae bakit? Huhugasan mo ng puwet?"

"Grabe ka talaga onanay! Pinagkaitan ka nga ng height pero yung sarcasm mo to the highest level rin eh no" sarkastikong sumbat ko kay Onanay

"Mrs. Tall pangalan ko hindi Onanay! Bahala na nga kayo jan tse!" aba at nag-flip hair pa si Onanay iba rin talaga

Nang matapos si Connor maglabas ng sama ng loob nagpaalam na rin kami ni Kate at binilinan nalang siya na inumin yung mga gamot na binili namin at magpahinga nalang.

*****

Di na naman nakapasok si Connor sa araw na to kaya wala akong gana kada subject.

Nang matapos ang lahat ng klase ay naisipan kong dumiretso ng uwi sa bahay pero biglang sumagi sa isipan ko si Connor kaya napagdesisyunan ko nalang na dalawin siya.

Bumili ako ng mga gamot sa lbm tsaka ng favorite ni Connor na litson manok galing Andoks (dun bumibili si Mama eh).

Pagka-ring ko sa Doorbell na nasa gate ay as usual sinalubong na naman ako ni Mrs. Tall at nakipag-okrayan ng beri beri layt.

"Connor I bought you some medicines and your favorite!" masayang pagbati ko

"I never asked you to buy me these things though"

"C-connor--"

"Di porke mabait ako sayo magfefeeling girlfriend ka na jan"

Nabigla ako sa mga sinabi ni Connor, at di ko namalayan na tumutulo na ang aking mga luha. Ang bigat ng nararamdaman ko, di ko lubos akalain na ganon ang mangyayari.

I've been warned but I didn't listened.

I was so stubborn because I was blinded by my affection.

I should've been strong.

In this game looks like, I lose.

'Til I make you mineWhere stories live. Discover now