Inilagay ko na yung mga dala kong gamit sa sulok kung saan malapit yung couch na magsisilbing kama ko.. buti nalang medyo malapad, malapad para kumasya ako. >_<”
*toktoktok*
Agad ko naming binuksan yung pinto at ang guard sa dorm ang sumalubong sa’kin. Dorm for 2nd year students.
“Sino pong hanap nila?” tanong ko kay Manong Guard. Nagbabakasakaling papalipatin na ako ng kuwarto *cross fingers*
“Si….*sabay tingin din sa paper bag na dala niya* si Mimi Palero”
“Ako po yun!”
“Ay ganun ba? Eto na yung uniform at schedule mo” sabay abot sa’kin nung paper bag.
“Salamat po.”
“Teka hija, bakit naisipan mong lumipat ng eskwelahan? Pa-Midterm na hindi ba? Baka mahirapan ka namn niyan.”
“Kasi po manong…” tumigil ako, yung tipong nagtatanong (basta yun un xD)
“Isko, Manong Isko, Nini” dugtong ni Manong Isko.
“Mimi po Manong Isko… di na po ako ‘nini’, hahaha! Ayun kasi po dito pos a lugar na to yung pinagtratrabahuhan ng parents ko”sagot ko. ”gusto niyo po bang pumasok sa loob?” wala lang feel kong makipag-usap kay manong Isko eh.
“Ay hindi na Nini… ay Mimi pala, may gagawin pa ko. Ingat ka nalang lalo’t roommate mo yung tinatawag na Guy in Black nila.” paalala nsa’kin, natouch ako.. natandaan ko yung papa ko eh.
“Wag po kayong mag-alala, kaya ko naman po sarili ko”
“Osige nini, uuna na ako, kung gusto mo ng kausap nasa baba lang ako Nini” tapos tumalikod na.
“Mimi ho Manong Isko, wag niyo pong kalimutan” tumawa lang si Manong Isko at tumuloy na sa paglalakad.
Umupo na ako kaagad para tingnan yung papel, schedule ko pala yun. Maayos naman, may 3hrs akong vacant except sa Friday……
“hapon lang pasok ko?” tapos balik sa pagtingin sa papel… hmp! May pasok ako ng Sabado?! “ampanget naman ng schedule ko -_-“
“MIMI!” napalingon naman ako kaagad sa may pintuan.
“Bakit Olivia?”
“Lagot ka… Wala kasi si manong Isko sa baba kanina kaya si Mike ang nautusang magdala ng lahat ng libro mo!” ang Oa naman nito para pinagdala lang ih, masyadong natataranta.
“Eh bakit naman ako lagot?? Kasalanan ko bang mautusan siya?”
“A----“ sasagot n asana si Olivia kaso may isang nakakatakot na nilalang ang lumabas ng pinto.
“Mikey?”-ako “Mike!”-Olivia
“Hindi ka ba talaga marunong sumunod? Ni umintindi?! How many times do I need to tell you, stop calling me THAT name!” nanggagalaiting sigaw niya sa’kin.
“So-sorry po” sagot ko habang nakatungo. Nakakatakot talaga siya, para siyang monster na nasa katawan ng isang poging lalaki--- teka sinabi ko ba talaga yun?? HINDI! Hindi siya pogi dahil isa siyang nangangaing nilalang >.<
“OH!” sabay abot sa’kin ng dalawang malaking eco-friendly bag, inabot ko naman… pero ANG BIGAT-_- ni hindi ko maitaas kaya siguro naG-force si Mikey—ay Mike pala.
“S-salamat---“
“Mag-aaral ka ba talaga o magtatayo ng library dito ha?” amp >.< OA naman ng library. “Wag kang magthank you dahil may bayad yan!” sabi niya sabay labas agad ng kuwarto.
Tinulungan naman ako ni Olivia sa paghila nung dalawang malaking eco-friendly bag, oo hinila.. di naming kayang buhatin eh, asan kasi si Butch? Wala tuloy taga-buhat xD
“Bakit ang dami mong libro?? Ano bang course mo?” tanong ni Olivia.
“Accountancy…. Hindi ko nga alam kung bakit andami nito” umupo na ako tsaka tingnan yung laman ng bag “Kaya naman pala eh… lahat ng libro ko sa bahay andito >,<
“Hay nako… tama nga naman si Mike magtatayo ka ng library kaya ka nandito, hindi para mag-aral. Sige kung kaylangan mo ng tulong andun lang ako sa kwarto ko” nainggit naman ako, buti pa siya may kwarto, ako … wala TT_TT
“mama naman eh!”nakakainis naman, alam kong si mama ang may gawa nito, siya ang nagdala ng lahat ng paborito kong libro dito.
Sinimulan ko ng mag-ayos ng gamit para maayos na para sa simula ng first day of classes ko dito sa ‘SamaniegoUniversity’ wala na kong masyadong proproblemahin.
“6:30 na girls, gutom na kayo? Sabay-sabay na tayong kumain sa cafeteria.” aya ni Butch.
“Susunod nalang ako, di pa naman ako gutom” ayoko naming maging istorbo sa love birds . Ngumiti lang sila na parang nagtatanong pa ng ‘are you sure’ tumango lang ako tapos umalis na sila.
“Hindi pa naman talaga ako gutom… tama! Hindi pa ako gutom----“ *GROOOOWLLLL* “shhh! Wag ka ngang maingay!” napahawak ako sa tiyan kong nagwawala na.
“Hindi ka pa nga gutom hahahaha!” nagulat ako kasi may nakakakita pala sa aking katangahan tapos si Mikey pa…. at…at… TUMATAWA siya! *_____* my gulay, tumatawa pala ang monsters ?_?
“Mi-Mike!” nakakatakot talaga siyang tawagin.
“oh bakit?” sabay balik sa dati niyang aurang nakakatakot.
“tumatawa ka?” di talaga ako makapaniwalang kayang tumawa ng isang tulad niya.
BINABASA MO ANG
THE OTHER SIDE OF HIM
RomanceMinsan ko ng nasabi na never in a hundred years na madevelop ako sa kanya. Pero I guess time really flies fast - and the day after that hundred years, I fell.