The Plan- Part 1

28.8K 135 6
                                    

(Author's note: Please support my newest story. Bad Gurl series 1: The Ruthless Shantal, thank youu! 😘)

Malalim na ang gabi.

Sarado at nakapatay na ang lahat ng ilaw sa lahat ng bahay na nadadaanan ni Ree.

Kabado sya habang maingat na naglalakad takbo sa gilid ng kalsada. Unang beses nyang gagawin ito at hindi iyon madali para sa kanya.

Bukod sa kinakabahan sya ay nanlalamig ang pakiramdam nya at nakakaramdam rin sya ng pananakit ng tiyan. Hindi nya alam kung bakit ganon ang nararamdaman nya. Tila sya natatae o naiihi sa pinaghalong nerbiyos at excitement.

Tumakas lang kasi sya sa kanilang bahay, pero nasisiguro nyang hindi malalaman iyon ng kanyang mga magulang pagkat tuwing umaalis ang mga ito ng madaling araw para mag trabaho ay hindi naman sila nito inaabala pa sa pagtulog.

Ang kanyang nakatatandang kapatid na lalaki na lamang ang kanyang poproblemahin kinabukasan ngunit sa tingin naman nya ay hindi rin naman nito mahahalata na Tumakas sya pagkat tulog mantika ito.

Bago ito magising ay nasisiguro nyang nakauwi na sya.

*beep*

Malapit na sya sa labasan nang maramdaman nyang nagvibrate bigla ang hawak nyang cellphone, tila lumukso ang puso nya sa pagkabigla.

May mensahe galing sa pinakamamahal nyang si Clarck, binasa nya iyon.

*Nakarating na ko. Wait kita sa loob, room 23*

Nakagat nya ang ibabang labi sa nabasa. Saka mabilis na nagtype ng mensahe para dito.

*Okay babe. Wait for me, i love you.*

Sandali nyang hinintay ang reply nito, maya maya nag vibrate ulit ang cp nya.

*Ok*

Marahang napabuga sya ng hangin.

Nasaktan sya ng wala itong tugon sa i love you nya.

Ngunit alam nyang pagkatapos ng mangyayari mamaya ay magbabago na ang trato nito sa kanya.

Magiging tulad na ulit ng dati, ang masayahing clarck, ang mapagbirong clack, at ang sweet na clarck na minahal nya.

Mahal na mahal nya ito kung kayat nakahanda na syang ibigay ang sarili rito pagkatapos ng anim na buwang relasyon nila.

Ang palagi nitong inuungot sa kanya, ang palagi nitong pinipilit noon na palagi nyang tinatanggihan kung kayat tila nawalan na ito ng gana sa kanya.

Natatakot sya.

Natatakot na mawala ito ng tuluyan. Baliw na nga siguro sya sa pagmamahal dito kaya di nya ito kayang mawala.

'Mag hintay ka Clarck, ipaparanas ko sayo ngayong gabi ang sukdulang kaligayahan na matagal mo ng inaasam sa akin.

Hindi ka na maghahanap ng iba.

Sisiguraduhin kong ako at ako lang ang aaraw arawin mo, ang hahanap hanapin mo, hanggang sa maranasan mo rin ang nararanasan kong pagpapakabaliw.'

Isang marahas na paghinga ang pinakawalan nya bago tuluyan nang naglakad.

Nawala ang agam agam, ang nerbiyos na kanina lang ay lumulukob sa sistema nya. Nagkalakas sya ng loob na ipagpatuloy ito, desidido sya at handa na sya.

Pagkarating sa labas ay ilang minuto syang naghintay ng masasakyan hanggang sa may mamataan syang taxi, pinara nya iyon at huminto sa mismong tapat nya.

"Saan po kayo miss?" anang driver.

"Sa *******hotel ho."

Nang tumango ang driver ay sumakay na sya sa backseat.

Kaaandar palang ay naramdaman nyang nag vibrate ulit ang cellphone nya.

From: Clarck
*Bilisan mo. I can't wait any longer. Prove to me that you love me so much, paligayahin mo ko ng paulit ulit at sisiguruhin kong hindi ka magsisisi.

Antagal kong hinintay ang araw na to. I always dreamed of eating your delicious flesh. You won't regret this, i promise.*

Nagsisimula nang mag init ang kanyang pakiramdam.

May kung anong gumuhit na kiliti sa kanyang bandang ibaba. Iniimagine nya si clarck na sarap na sarap habang nakasubsob sa.....

Biglang huminto ang taxi.

"Ma'am, andito na ho tayo."

"Ha?"

Tigang sya sa sinabi ng driver.

Ang bilis nilang makarating.

Para makasiguro ay tumingin sya sa bintana, at tama nga ito. Nasa tapat na sila ng hotel.

Napapahiyang ngumiti sya sa driver na nakatingin lang sa kanya sa rearview mirror. Iniabot nya na ang bayad.

"Salamat po." Saka sya umibis.

Pagkababa ay sandali nyang pinagmasdan ang hotel.

"This is it. Ihanda mo na ang sarili mo Ree."

kausap nya sa sarili pagkaraan ay humakbang na sya paakyat sa ilang baitang papuntang entrance ng hotel.

********************

The PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon