The Plan- Part 6

10.4K 37 0
                                    

Pinamulahan ng mukha si Ree.  

Ngayon ay hindi sya makatingin ng diretso sa natatawang si Vin. 

Lalong nag init ang pisngi nya nang marinig ang mga ungol na nililikha ni Clarck sa kabilang linya. May ginagawa itong kung ano. Tila aliw na aliw naman si Vin sa nangyayari.

Bumangon si Vin mula sa pagkakadapa. Inumpisahan na nitong baklasin ang suot na sinturon. At nang mapatingin sya sa nakaumbok sa pantalon nito ay lumakas ang tahip ng dibdib nya. 

Kitang kita nya ang pagsisikip ng pantalon nito.


"Clarck.." sambit nya sa pangalan ng kasintahan. "CLARCK!"


"Ohhh, shittt." rinig nyang sabi nito. 


Tila patuloy parin sa ginagawa at di sya sinagot. Tuluyan nang natanggal ni Vin ang suot na sinturon at basta nalang hinagis sa kung saan. 

Sinisimulan na nitong tanggalin ang suot na pantalon.


Pilit na kumawala si Ree. 


Ibinuhos nya ang buong lakas upang makawala sa pagkakatali ni Vin ngunit sa bandang huli ay hindi sya nagtagumpay at lalo lang syang nanghina.


"Wala nang pakealam sayo ang boyfriend mo." ani ni Vin. 


"HINDI TOTOO YAN!" 


naiiyak na saad nya. Namamaga na ang magkabilaan nyang pulso sa pagpupumilit na makawala.


"Clarck ano ba.." 


nag uunahang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. "May halaga pa ba ako sayo?" mahinang sambit nya.


"SHIT!" nagpakawala ng isang marahas na paghinga si Clarck sa kabilang linya. "Kanina pa kita tinatanong. 

Hindi mo naman sinasabi kung nasan ka! You know what? Kasalanan mo lahat to!"

Tila sampal sa kanya iyon. Sinisisi sya nito sa mga nangyayari. 


"Ganun na lang ba yon Clarck? Diba kaya ako nandito ay para ibigay sayo ang gusto mo? Kasalanan ko bang magpakatanga ako? Kasalanan ko bang mahal na mahal kita?!"


Tila nauubusan ng pasensyang nagpakawala ulit ito ng marahas na paghinga. 


Si Vin ay napapalatak. 


Itinigil muna nito ang ginagawang pag huhubad at naaaliw na pinapakinggan ang pag uusap ng magkasintahan.

Nais nyang masaksihan ang paghihiwalay ng mga ito. 


"Mahal mo ako? Hah! Kaya pala sarap na sarap ka kanina. Ang lakas pa nga ng ungol mo. Bakit, ano bang ginawa ng gagong yan, dinala ka na ba sa langit? Kung tutuusin kaya mo namang makawala, madaming paraan Ree!"


Kumibot kibot ang mga labi ni Ree. Pilit na pinipigilan ang hikbing nais kumawala. Kung alam lang nito ang sitwasyon nya ngayon, hirap na hirap na sya. 


"Ano? Ba't di ka makasagot? Mahal mo ako diba? Bakit hindi mo magawang makaalis dyan? Masarap ba, ha? Ako ang boyfriend mo pero sa iba ka nagpapagalaw!"


"HINDI KO GINUSTO 'TO!" humihikbing sigaw nya.


"Talaga lang ha?" pagak itong natawa. "Hindi ko na maaatim pang ikama ka pagkatapos ng ginawa mo. Tinapakan mo ang pagkalalaki ko. Ayoko na sayo Ree. Nakakadiri ka."

 Diretsahang saad nito na nagpatulala sa kanya.


'Ayoko na sayo Ree.'


'Nakakadiri ka.'


'Nakakadiri ka..'


'Nakakadiri ka...'

The PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon