The Plan- Part 5

12.5K 43 0
                                    

  "P*TANG INA MO KA!"


Isang bahaw na tawa ang pinakawalan ni Vin nang murahin sya ni Clarck sa kabilang linya. 


"P*tang Ina mo rin. Pero mas maswerte ako sayo." pinaglandas ulit ni Vin ang mga daliri nito sa kanyang binti pataas. 

Napaigtad si Ree. Pilit na inilalayo ang sarili ngunit naging maagap si Vin at marahas na hinila nito ang isang binti nya pabalik.

Napahiga syang muli. 


"NASAAN SI REE? SYA ANG GUSTO KONG MAKAUSAP HAYOP KA!" nagpaulan ulit ng mura si Clarck sa kabilang linya.


"C-clarck?" sambit nya sa pangalan nito sa nanginginig na boses. 


"Ree? ANO 'TO?! Sino yang hayup na kasama mo?!" tila kakainin sya nito ng buhay sa nahihimigang galit sa tinig nito. 


"C-clarck.. H-hindi ko sinasady--"


"WAG MO KONG GAWING TANGA REE!!" kasunod non ay may narinig silang tila nababasag na bagay sa kabilang linya. 

Nakagat nya ang ibabang labi kasabay ng pagpikit ng mariin. 

Nanginginig sya sa takot, lalo na ngayong nagsisimula nang magwala si Clarck.


"Hey.. Just relax bro, tinatakot mo si Ree. Hindi ka si The Hulk." Nakuha pang magbiro ni Vin dito. Tila balewala lang at mukhang naaaliw pa. 


"SHUT UP! YOU, son of a bitch. Makita lang kita, PAPATAYIN KITA!" gigil na gigil na talaga ito na tinawanan lang ni Vin. 


"Bago mo ko mapatay, may nangyari na samin ni Ree." pang aasar nito. 


Pilit na itinaas ni Ree ang isa nyang paa at buong lakas na tinadyakan si Vin sa tagiliran. Hindi nya alintana ang panghihina ng kanyang katawan. 

Nabitawan ni Vin ang cellphone na bumagsak sa paanan nya. 

Napangiwi at napahiyaw ito sa sakit nang mahulog pa ito sa kama. Ginamit nya ang pagkakataong yon upang kunin ang cellphone nya. At kahit na nanghihina pa ay pilit nyang inabot iyon.

Kailangan nyang magpaliwanag kay Clarck bago mahuli ang lahat.


"C-clarck please.. I beg you. Hindi ko ginusto 'to." gumaralgal ang boses nya kasabay ng pag iinit ng sulok ng kanyang mata. 


"Hindi ginusto? NAGSINUNGALING KA KANINA REE! Ang sabi mo natraffic ka. Yun pala nagpapakasaya ka na, habang naghihintay ako ng matagal sayo!"


Parang tinutusok ng karayom ang puso ni Ree ng sumbatan sya nito. 


"Hindi ganon yun!" nakita nya sa sulok ng mga mata nya ang pagtayo ni Vin. Nataranta sya. "P-PLEASE CLARCK! HELP ME! Hindi ako makatayo..Ilabas mo ko dito please?" nanginig ang buong katawan ni Ree, naramdaman nya ang papalapit na presensya ni Vin.


 "A-andito ako sa Room-----Ahhh!"


The PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon