"Sometimes, feelings leads us to many chances."
"Hoy babae, kung makapandiri ka naman sa salitang love akala mo hindi ka ginawa ng tatay at nanay mo dahil sa love na yan ah." Siguro ilang libong beses na saakin sinabi ni Maricon ang mga katagang 'yan. Sa halos apat na taon na pagkakaibigan nami'y wala siyang ibang bukambibig kundi yang saktong mga katagang yan.
"Eh sa ayoko nga sa love na paandar mo. Kung gusto mo eh di ikaw maghanap ng magmamahal sayo." Hindi ko naman kasi kailangan ng lovelife. 'yan naman parati ang inuungos niya saakin samantalang wala naman siyang boyfriend.
"Okay namang magkalovelife paminsan-minsan Bes. Hindi ka mamamatay pangako. Paano ba namang subukin mo rin ang sarili mo kung tao ka bang talaga't magkaalamanan na." Ito nanaman kami. Ang walang hanggang hinala niya kung tao ba talaga ako. Hindi ko lang naman ito gusto kasi masyadong komplikado.
"Tao ako. Mas tao pa ako kumpara sa iba diyan na parati mong napapansin. Saka ayoko lang ng sakit sa puso. Immune na ako sa pamilya ko, dadagdagan ko pa ba?"
"Iba naman kasi yung pamilya mo sa jojowain mo. Malay mo naman, lalaki lang pala ang tuluyang makapagpapasaya sayo." Ilang beses niya na ring linya yan sakin ngunit hindi ko na lamang pinapatulan pa. Ayoko namang dugtungan pa kasi baka umabot nanaman kami sa kung gaano kasayang magkaroon ng first kiss at kung ano-ano pang naranasan niya.
Kasalukuyan kaming nasa isang restaurant para mananghalian with our co-teachers. Yes, we're up to teaching career. We are a professional teacher sa isang kilalang Unibersidad ng Pilipinas. Nagkataon lang na nasa ibang table kami kaya ang laking issue nanaman kay Maricon ang pagiging NBSB ko. I was about to excuse myself para pumunta sa restroom but she suddenly kick my knee bago pa man ako makatayo. Tatanungin ko na sana kung anong trip niya sa buhay nang bigla na lang siyang tumili.
"Ano bang nangyayari-- -" Hindi ko na masundan ang tanong ko sa kadahilanang may isang taong nagtakip ng mga mata ko. Sino ba 'to? Hindi naman ako nainform na may laro pala kami ngayon at kailangan kong hulaan ang kamay ng kung sino mang taong 'to. Akala niya siguro I'm going to ask kung sino siya, pwes, no. I'm going to wait until he'll get tired of his game. Yes. His because I feel it. Ang mga kamay niyang animo'y kasing tigas ng muscle dahil sa pwersa at kasing lambot ng sponge kapag pinisil na. His manly scent also gives me something unsual reaction pero I tried to stop my emotion. It's bothering me now kasi unti-unti ko na siyang nakikilala that's why magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.
"Hey. Is it just me imagining na kilala mo na ako that's why you did'nt bother to react o baka naman ganiyan mo ko kamiss kaya di mo alam kung paano magrereact?"
"The second one. Ako na ang sumagot baka kasi magkaila nanaman 'tong babaeng to. Anyway, I'm Maricon and you are?"
Minsan talaga hindi ko sigurado kung sigurado bang kinaya kong kaibiganin si Maricon eh."Oh well, then Hello, Ruel. Anne's Ruel. Nice to meet you." Hirit naman ng lalaking nag-abala sa masarap na kain ko. Kilala ko naman talaga siya pero hindi ko alam na hanggang ngayon ay malabo pa rin talaga ang pagkakaunawa niya sa relasyon naming dalawa. Hindi na ko nagsalita pa't hinayaan na lamang na ang dalawa ang mag-usap. Wala akong pakialam. Pero mas lalo akong nadismaya nang tumabi sa akin si Ruel. Hays. Lunch lang 'to wala ng happy.I totally excused myself kasi kanina pa talaga akong kating-kati magparest room.
After kong mag-ayos ng sarili, pabalik na ako nang madatnan ko ang dalawang service crew na nag-aagawan ng menu sa daan. Mag-eexcuse na sana ako ngunit napansin ko ang panaka-nakang titig nila kay Ruel. I ended up getting the menu from them and decided to give it to him instead of the girls. Patuloy pa ring nag-uusap ang dalawa nang iabot ko ito sa kaniya. Nagtaka siya but I never let myself explain further kung bakit kailangang ako ang mag-abot nito sa kaniya.
"Anne never told me na may manliligaw pala siya. Although not really doubting kasi totally package ang kaibigan kong 'to but I still got shocked when you came around and shutting me up just to play with her now. Woah. Akala ko, wala siyang hinahayaang manligaw, how come you'd reach this far?" Sinabayan pa ng halakhak ni Maricon na akala mo'y sobrang saya na mayroong tumagal na manligaw sakin. Hindi ko naman siya masisi. Sa halos apat na taong magkasama kami, wala pa siyang nakilalang lalaki na pinayagan kong manligaw sakin. Hindi rin ako nakaligtas sa titig niyang may bahid ng tampo. Siguro dahil hindi ko kailanman sa kaniya nabanggit ang lalaking kaharap namin ngayon.
"Simply because I'm really into her." Napatingin ako sa kaniya pero binawi ko rin agad kasi I hate seeing his sparkling eyes. Yung mga mata niyang kahit ilang beses ko nang pinatay ang pag-asa, kabaliktaran naman ang makikita mong sigla. Minsan I also keep myself asking why. Why do I have to stay like this? Why do I have to keep the distance between us? Why do I always tried to push him away? Bakit kaya, when the only thing he does is to prove to me how worth I am to be loved by him.
Ngunit paano? Paano nga ba hayaang maging masaya ang puso kung alam mong may masasaktan ka nito?
Paanong hindi mo siya lalayuan kung kadugo mo naman ang lumalayo sayo sa tuwing sinusubukan mong lapitan at kausapin siya?
Paanong hindi mo siya ipagtutulakan palayo kung halos lahat ng mahal mo, ipinagtutulakan ka naman palayo.
At paanong maaappreciate mo yung pagmamahal niya kung ito naman ang dahilan kung bakit lumiliyab ang galit sayo ng pamilya mo?
Will you still be happy agreeing things between the two of you sa kabila ng mga consequences na ito?
O ipaglalaban mo rin yung taong mahal ka kahit kapalit nito'y pagtalikod sayo ng mundo mo.
Tama nga kayang siya ang tunay na makapagpapaligaya sayo? O ang habambuhay na sisira sa pamilyang pinipilit mong mabuo?
BINABASA MO ANG
CAN'T SAY NO
RomanceMahal ka, mahal mo rin. Bakit hanggang ngayon wala pa rin? Kasi sabi nila Mama. Kailan ba magkakaroon ng pag-asa ang pusong pag-ibig ang nasa? Kapag tama na ang panahon? O kapag umayon na ba ang pagkakataon? Saan aabot ang pagmamahal mo? Kung paulit...