"Titigil lang ako, kapag nakita kong may iba nang nagpapasaya sayo."
Kinabahan ako kaya't naitulak ko siyang bigla. Unang beses kasi itong nangyari. Parang may biglang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Wala pa ni-isang nakayakap sa akin bukod sa mga kaibiga't pamilya ko. At hindi natural yung pakiramdam na malapit sa kaniya. Bigla nanamang pumasok sa isip ko sila Mama. Sigurado akong kapag nalaman nila 'to ay malalagot nanaman ako.
"Sorry. I was just really excited to hold you. Almost 7 years kitang hindi nakakausap and I thought you'd missed me too kahit kunti lang."
Para naman akong nataranta pagkakita ko sa kaniyang mukha na halos maiyak na. Pero I should stay still. Hindi sila Mama matutuwa kapag nalaman nila ang usapang ito.
"I made myself clear naman diba? Na we can't be like this." Gustuhin ko mang umalis na pero I need to talk to him.
"Anne, dahil ba ayaw nila Tita sa akin? You're at the right age. You have a stable life now. You already a successful woman. What now? Might as well accompany me to your parents and I should do the honor to court you for the third time again."
Lalo naman akong nataranta nang lumakad na siya papuntang kotse ko at nang buksan ang passenger seat. Kaya't kahit nakaheels ako'y tinakbo ko ang distansya papuntang driver seat. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na ito ang sasakyan ko basta ang mahalaga sa akin ngayon ay makausap ko ito nang maayos. This can't be.
"Hindi mo kasi ako naiintindihan Ruel."
Gusto kong maiyak. Hindi ko alam kung papadala ba siya sa excuse ko dahil iba ang pagkakakilala ko sa kaniya. He can be persistent. Natatakot akong baka kung saan umabot ang pag-uusap na ito."Anne, which one? Alin ang hindi ko maintindihan? Ipaliwanag mo sa akin." Nabigla ako sa biglaang sigaw niya. Ngunit hindi ako nagpaapekto.
Alam kong alam niya ang ikinakatakot ko pero alam ko ring wala na siyang pakialam dito. Pansin niya sigurong naiiyak na ako kaya't huminahon siya."7 years. Hindi pa ba sapat kina Tita ang pag-iwas ko sayo? Anne, I never stop courting you. Oo sinubukan kong hindi magpakita pero I never stop loving you.. . a far."
"Hindi ko naman kasi sinabing gawin mo 'yan. You know naman I'll never going to give you an assurance kung pwede na ba tayo.." Hindi ko na napigilang hindi umiyak. For the second time around, ngayon lang ako umiyak. Hindi dahil sa magulang ko kundi dahil sa sitwasyon namin pareho. Yung salitang "tayo" yung masakit na masakit. Kasi kahit siguro tumanda ako, walang magiging kami.
Dahan-dahan niyang inangat ang aking mukha kasabay ang pagguhit ng isang matamis na ngiti sa kaniyang mukha. Nagsalubong ang mga kilay ko ngunit hinayaan ko na lamang siyang magsalita.
"You love me right? These tears confirmed it. You cried. You cried because of me. Tell me I'm not dreaming. Tell me you also love me."
May bahid ng pag-asa ang boses niyang hindi magkamayaw sa tuwa. Hindi ko naman siya masisisi dahil umpisa pa lang alam kong may nararamdaman na ako sa kaniya. Pinipilit ko lang kalimutan dahil mas mahal ko ang magulang ko. Pero kung ganito parati ang mangyayari, I doubt it kung kakayanin kong muli na talikuran ang emosyong matagal ng namuo sa aking puso.
"Kahit naman I do have that feelings for you. I'm not going to risk." Iyan na lamang ang naging sagot ko.
"Hindi ka naman mag-ririsk. You just have to be true to yourself for you to be completely happy." Hindi na ako nagtaka nang makitang nasasaktan ko nanaman siya. Yung mga matang nangungusap na ipaglaban at mahalin din.
"Kapag naging totoo ba ako, magiging masaya sila? Hindi naman eh. That's why I can't. Kasi kahit ako, hindi magiging completely happy."
Masakit. Masakit makitang nasasaktan ang isang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Pero sabi nga, mas mahalaga nagpapakatotoo tayo kaysa may umasa at sa huli masaktan pa nang todo.

BINABASA MO ANG
CAN'T SAY NO
RomansMahal ka, mahal mo rin. Bakit hanggang ngayon wala pa rin? Kasi sabi nila Mama. Kailan ba magkakaroon ng pag-asa ang pusong pag-ibig ang nasa? Kapag tama na ang panahon? O kapag umayon na ba ang pagkakataon? Saan aabot ang pagmamahal mo? Kung paulit...