"Put a lot of effort to something that you really want. Take your time and effort while it lasts. Because in life, it's no turning back."
Sabi nila, hindi lang tayo ipinanganak nang basta sa mundo. Iniluwal tayo ng ating nanay ng may layuning dapat gampanan. At habang lumalaki ako, I always kept myself asking what's my goal in life? Is it for me to find out or maybe is it for them to dictate? Hindi sa nagrereklamo pero parang ganun na nga. Simula pagkabata, I never tried complaining bakit ganitong buhay ang gusto ng mga magulang ko sakin? Bakit kailangang palagi sila ang nagdedesisyon sa lahat ng mga nangyayari sa akin? Am I really a human? Or I was just made to became my parent's robot?
Ganun pa man. Wala akong ma-say. Not because I let myself being controlled by them but because they are my parents. Anong laban nga ba ng anak sa magulang? Wala. I hate the fact na suwayin sila just to follow my rants. Hinahayaan ko nalang ang kasabihang, "parents know it all" I mean, they know what's best for me. Kaya nga when Ruel started to court me at inayawan nila, inayawan ko rin. Masunurin ako pero hindi naman ako manhid para di makaramdam ng pagmamahal noh.
Ruel has been around since high school. Yes, schoolmate ko siya. Just a schoolmate but not until he started noticing me. Make papansin with me. We're also batchmate but because he's not that serious with his study that's why he's in section B. He's just an average student while I am tryin' to be the best one. He never stops nagging me about how hardly I wanted to became a-perfect-student with an all A's. Sabi niya pa, na minsan, may mga bagay na matututunan natin hindi sa apat na sulok ng silid-aralan kung susubukan nating mag-explore.
"I always explore myself. Kaniya-kaniyang exploration lang 'yan. Huwag mo kong pakialaman." Ito yung mga oras na I'm tryin' my best to explain pero he's always end up saying na hindi naman daw ako masaya sa exploration na ginagawa ko.
Kapag ganito na ang usapan, tinatalikuran ko na lang siya. Paano nga ba masasabing masaya ka when you're exploring? Kasi nag-eexplore lang naman ako kapag kailangan. Paano kayang mag-explore si Ruel? That's the undying question sa aking isipan. Kumpara naman sa buhay ko, he is really having a great life. He finds it joyful while I'm not.
Isang bagay na sinabi niya sakin, "Hindi mo maaappreciate ang mga bagay-bagay hanggat hinahayaan mong kontrolin ka ng iba, but once you learn to do it with your heart's pleasure, surely you'll find happiness within."
College. I never thought na pati sa college masusundan niya ako. I enrolled myself sa eskwelahan na imposible niyang mapasukan dahil sa high standard nito but he still made it. Iniwasan ko siya kasi hindi alam ng mga magulang ko na nasa iisang eskwelahan lang kami. Pinipilit ko siyang tiisin kasi alam ko ang consequence. Pero huli na nang malaman kong he, again tried to court my parents para maligawan ako legally. Ito rin ang panahon na sobra akong nagbreakdown. My parents decided to send me to my grandma's province. That was the first time that I ever cried for their decision but I didn't complain.
Although they succeeded in separating us pero he still found ways to communicate all those days that I am away through cellphone. Siya lang. Although I never bothered changing my number but replying and answering his calls was my least thing that I ever wanted to do before. Because from that moment, itinatak ko na sarili kong we're not really meant to be. Sabi nga, ipinagtagpo lang pero hindi itinadhana.
After I graduated from college, I continued my study until I also got myself doctorate. Him? I didn't have an idea pero huli kong balita sa kaniya, He's now a very popular and a well-known Engineer sa bansa.
Actually, almost seven years na kaming di nagkikita. I am now a 29-successful-woman known as NBSB. Sa pitong taon na lumipas, walang taon na hindi niya ako sinubukang kalimutan. Every christmas, he always send 12 roses and a pack of chocolates with notes. He never puts his name there kaya naman hindi nalalaman nila Mama kung kanino galing ang mga ito. Ang alam lang nila, may mga anonymous person na nagpapalipad-hangin din sa akin. Sa halos 7 taon, pitong taon na rin akong nakakatanggap ng mga free tickets for summer vacation at kahit isa dun ay hindi ko pa nagamit. Sa kabila nito, he never stops. Para siyang multo na nananatili lang sa paligid at nagpaparamdam pero di nagpapakita. Sabi nga ng kapatid ko baka nakalimutan na niya ako pero malakas ang pakiramdam kong hindi. Na sa kaniya nanggagaling lahat ng mga natatanggap ko. Bukod kasi sa mga text messages, medyo nakabisa ko na rin ang presensya niya. At kung ako ang tatanungin niyo, paano ko ba naman makakalimutan ang isang taong naging dahilan ng excitement sa buhay ko? Ang naging dahilan kung bakit may gap ako sa pamilya ko. Oo nga't hindi ko naman sila sinuway, pero hindi ko pa rin mababago ang katotohanang may lamat nang dati ang aming samahan. Hindi ko nga alam kung bakit ganun nalang sila kagalit sa kaniya. Minsan naisip kong may mas malalim na rason pero nawawala rin 'to kapag sinasabi nilang they just wanted a good life for me. Parents eh. That's why I never asked something deeper to their almost gamit na reason.
Currently ko lang nalaman na he is the Engineer for our school's renovation. Kaya nga hindi na ako nagtaka kung bakit unti-unti nanaman siyang lumalapit sa akin. Lapit na alam kong may limitasyon. Ayoko namang isipin na duwag siya pero parang ganun na rin. If he truly loves me, bakit kailangan niyang maging anonymous? Bakit hindi niya ako kayang panindigan ngayon? Sabagay, hindi ko rin kasi alam kung kaya ko na rin ba siyang ipaglaban.
Lalo pa ngayon, na kilala siyang isang mahusay na Enhinyero sa bansa. Maraming babaeng umaaligid at nalilink sa kaniya. Paano ko nasabi? Paano namang hindi eh halos laman siya ng balita sa pagkakaroon ng kung sino-sinong ka-date. Siguro nga sinasadya ko lang na alamin ang mga ganap sa buhay niya pero basta. Wala naman akong pakialam sa kaniya.
Although he always clear things out na it's just a friendly date after all sa mga interview, hindi pa rin maalis saakin na magdoubt. Dagdag pa ang mga litanya ni Mama na buti na lang daw talaga eh nailayo nila ako sa kaniya.
As of now, isa lang ang pinoproblema ko.
Ito ay kung paanong ipapaliwanag sa kaibigan kong si Maricon ang muling paglitaw ng kaisa-isang lalaking hindi tumigil sa akin sa panliligaw.
"I think I've seen you before."
Hindi ko na hinintay pang sumagot si Ruel sa pahayag ni Maricon nang higitin ko siya palabas ng restaurant upang kausapin.Magsisimula na sana akong batuhin siya ng mga katanungan nang matigilan ako sa biglaang mahigpit na yakap niya.
"You know I waited long for this moment. You and me in no distance, you alone with me. I miss you.I really am."
"Hope you do too."
BINABASA MO ANG
CAN'T SAY NO
DragosteMahal ka, mahal mo rin. Bakit hanggang ngayon wala pa rin? Kasi sabi nila Mama. Kailan ba magkakaroon ng pag-asa ang pusong pag-ibig ang nasa? Kapag tama na ang panahon? O kapag umayon na ba ang pagkakataon? Saan aabot ang pagmamahal mo? Kung paulit...