Chapter 2

29 0 0
                                    

Chapter 2

Hindi ko maintindihan ang pinsan ko kung bakit hindi na lang niya direktahin si Jake. Ayaw ko naman na mapahiya ang mahal ko. Kailangan makagawa ako ng paraan.

Kailangan ko ba siyang puntahan?!

Hayaan ko siya mapahiya?!

Or sasabihin ko na ba sa kanya ngayon?!

Baka sakaling mahabol niya pa ang pinsan ko. Alam ko naman kung gaano niya ito kamahal. Saksi naman ako sa lahat nang effort ni Jake. Hindi ko nakita ang effort na yun sa mga naging ex-girlfriend niya. 

Kanina pa ako palakad lakad dito sa loob ng kwarto.  Kagabi pa gulong gulo ang isip ko at di na ako nakatulog ng maayos. Uminom na ako nang biogesic para mawala ang sakit nang ulo ko. Pasasalamat ko na din at after 4 hours umepekto din ang gamot. 

Nang biglang magring ang phone ko.

Si Jake! Hindi ko pa alam kung sasagutin ko agad. Maka-ilang ring muna bago ko ito sinagot.

"Hello?"

"Talia? Ang tagal mo naman sumagot! Saan ka? Busy ka ba?"

"Sorry na, naka-silent kasi ang phone ko. Hindi naman ako busy. Bakit?" Pagsisinungaling ko sa kanya. Grabe ang kaba ko.

"Hindi ka naman nagssilent nang phone ah."

"Eh nakasilent nga ngayon. Ano ba kailangan mo?!" Pagsusungit ko sa kanya. Pero sa totoo lang, kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.

"Okay sorry. Hindi ko kasi macontact yung pinsan mo kagabi pa."

Omg! Eto na yun. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Hindi ko din alam kung nasaan siya. Nagaway ba kayo?"

"Wala naman kaming pinagawayan pero lately kasi ang cold niya."

"Tinanong mo ba siya?"

"Pag tinatanong ko laging sinasabi na wala lang daw. Baka nagwwedding Jitters din kasi siya"

"Try mo na lang puntahan sa bahay nila." Lumapit ako sa study table ko para uminom ng tubig dahil sobrang kinakabahan ako sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko naman ugaling magsinungaling kay Jake. Pwera na lang kung paguusapan na ang nararamdaman ko sa kanya. At madalas sa tuwing tinatanong niya ako noon kung bakit wala akong boyfriend, sinasabi ko na lang na wala naman akong nagugustuhan. Minsan niya pang pinagdudahan ang preference ko. Pinagiisipan ako na baka babae din ang gusto ko. Madalas na tinatawanan ko na lang siya.

"Balak ko nga siya puntahan. Pero baka naman kasi magalit sa akin kaya ikaw muna tinawagan ko. Sa totoo lang kinakabahan din naman ako sa nalalapit naming kasal" sabi nito

Masakit marinig na ikakasal na siya sa iba. Ilang taon ko inalagaan ang nararamdaman ko para sa kanya. Umasa ako ng ilang taon na mapapansin din niya ako. Na masusuklian din niya ang pagmamahal ko kaso wala ng pag-asa.  Hanggang dito na nga lang talaga. Pero anong gagawin ko? Kung ganito na walang balak ituloy nang pinsan ko, na magpakasal sa kanya.

"wala naman akong alam dyan. Bakit ba kasi ako ang tinatanong mo?"

"Natural! Ikaw ang nakakaalam ng lahat. Mararamdaman mo din itong nararamdaman ko kapag ikakasal ka na"

Hindi hindi! Ayoko sa iba ikasal. Gusto ko sayo lang. Sigaw ng isip at puso ko. Ang sakit talaga. Pero anong magagawa ko kung ito ang tinadhana. Sabi nga nang iba, Pinagtagpo pero hind itinadhana. Siguro kailangan ko na lang tanggapin na hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

"Hello?! Andyan ka pa ba?" Sigaw nito.

"Oo! Nakikinig ako! Bakit ka ba sumisigaw?!" 

"Hindi ka na sumagot eh. Labas na lang tayo. Maaga pa naman. Dahil pag kinasal na ako. Loner ka na" sabay tawa nito

"Ang sama ng ugali mo! Hindi ako magiging Loner ok? pero siya sige. Dahil ikaw nag-aya sasama ako. Magbibihis lang ako"

"Bilisan mo! Sunduin na lang kita diyan" Anito na halatang biglang nagmamadali.

"Saan muna tayo pupunta?" Tanong ko dito para alam ko kung anong klaseng damit susuotin ko. 

"Just wear your usual outfit, kung gusto mo mag rubber shoes I think much better, but don't wear shorts" Utos nito sa akin.

Hay heto nanaman ako at kinikilig. Ganito lagi ang pakiramdam ko kapag inaaya niya ako lumabas at sasabihing susunduin ako. Ganyan siya sa akin, lagi ako pinagsasabihan na wag magsuot nang maiksi at ayaw daw niyang mapaaway. Lagi niya sinasabi na tuwing nakashorts ako, ang mga lalake daw nakatingin sa legs ko.

" Yes sir! Bye! " Ako na ang nagpatay nang phone at dali daling pumasok sa Bathroom para maligo. Alam ko na mabilis siya kumilos at any minute darating na yun.


Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon