Chapter 2
Apple's PoV
"Yuck! Sinukahan mo sasakyan ko! " kadiri nakakapikon bakit ba napaka malas ko ngayon! Sigaw ko habang hinahatak pa labas ng sasakyan tong gagong lasing na to. Napaupo ako at napa sapo sa muka ko. Habang tuloy-tuloy na bumubuhos ang luha ko.
(Sobrang malas napaka malas)"Lahat ng tao may problema, lahat nasasaktan"
"Ay palaka! " sigaw ko nagulat ako sa matipunong boses ng lalaking nag salita. Yung alam mong lasing yung boses nya pero ang sexy ng dating.
"Hoy! Hoy! Bakit ka nag huhubad ng polo! " sigaw ko sakanya habang tinatakpan ko naman ang mga mata ko
"Nasukahan ko yung polo ko" I wont harm you relax
"Oo at hindi lang yung polo mo! Pati sasakyan ko sinukahan mo ang hirap kayang mag linis! Tapos ang baho! " pag rereklamo kong sagad sa buto
"I don't know kung pano ko napasama sayo. Or kung bakit kasama kita, or kung pano ako napunta sa sasakyan mo, as far as I remember lasing ako at out of control malay ko ba kung pinagsamantalahan mo na ako habang lasing ako kanina" pag yayabang nya saka takip kunwari sa chest nya
"Napaka kapal naman po! " ako na nga tong nag mabuting loob na isakay ka dahil naka bulagta ka sa daan.
"Sana nga pinabayaan mo nalang ako" malungkot na boses n'ya.
_____________
Binalot kami ng saglit na katahimikan
Until napasin kong naka titig ka sa langit. Saka ako napangiti ng bahagya. Namangha sa dami ng bituwin sa langit."Ang ganda diba? " bulong mo na tama lang para marining ko
"Oo." Sagot ng mahinahon din naman
"Matanong nga kita, bakit ka naka dress at bakit ka umiiyak? "
"Ang chismoso mo naman" pang babara ko sayo
"Okay hindi na ko mag tatanong" masungit mo naman sagot dahil sa tingin mo napahiya ka
"Ipinakilala ako ng BF ko sa magulang n'ya, kaso nilait lait ako ng mga magulang n'ya, at sa harap ko pa mismo pinakilala ng nanay n'ya yung babaeng gusto n'ya para sa bf ko, imagine para akong nag punta dun para mapahiya" nakasimangot kong pangangatwiran pero ikaw walang imik
"Ano ba may kausap ba ko? So sa dami ng sinasabi ko wala ka man lang reaction? " pag rereklamo ko pa
"Ah, eh ano naman ginawa ng bf mo? " seryoso mong tanong
"Wala, pinaalis n'ya pa ako, so bago n'ya ako kaladkarin palabas sa bahay nila nag kusa na ako" sagot ko "eh ikaw bakit ka lasing sasalubong sa bagong taon? At bakit ka umiiyak? " tanong ko sayo pero yumuko ka
"Iniwanan n'ya ako, siguro dahil hindi ako ganun ka yaman" naluluha mo pang kwento
"Dapat ngayong araw mag popropose ako sakan'ya pero pag dating na pag dating ko sa condo namin. Nakahiga s'ya habang may ibang lalaking nakapatong sakan'ya. Gustong mag dilim ng paningin ko nasapak ko yung lalaki. Pero pinagtanggol s'ya ng gf ko. Natauhan na lang ako na iniimpake na n'ya lahat ng gamit n'ya handa na para iwanan ako at sumama sa iba" emosyonal mong kwento sabay labas ng singsing, singsing na mukang matagal mong pinag ipunan para mabili
"Sobrang saya ko nung nabili ko to. Kaso sobrang lungkot na yung babaeng pag bibigyan ko nito may ibang lalaki ng gusto" habang nag kukwento ka awang awa ako sayo. Tanaw ko ang mga mata mo at ang mga luhang pumapatak mula dito.
Kasunod ang sunod-sunod na putukan.________________
Khaneth's PoV
Habang sunod-sunod ang pag kinang ng mga fireworks sa langit. Tinatamaan ng sinag nito ang muka mo
"New year na" tanging nasabi ko
"Sabi nila kung sino ang kasama mo ng new year s'ya na ang makakasama mo buong taon" sinasabi mo habang naka tingala sa mga fireworks. Kung tutuusin napaka romantic habang ikaw at ako nkaupo sa likod ng sasakyan . Pinapanuod ang fireworks sa langit. Romantic sana kung hindi ikaw at ako ang magkasama.
"Siguro pinag tagpo talaga tayo ngayon kasi pareho tayong minalas at naloko?" Bulong mo
"Siguro? " sagot ko
"Tara mag inom tayo may beer sa loob ng sasakyan ko. Iuuwe ko sana yan sa bahay kaso inumin nalang natin" nakangiti mong sinabi sakin
"Tara sige"
_______________
APPLE'S PoV
Ilang oras na ang nakalipas. Nakatulog na pala kami. Nakakahiya naman nka sandal pa ko sakanya. Teka! Ang taas ng lagnat n'ya.hindi ko kasi namalayan. Kanina pa nga pala to naka hubad
Grabe ang hunk nya, may abs pala sya. Eh tama na nga bad yung iniisip mo a pple. Pero di naman siguro to magigising to pag hinawakan ko yung abs n'ya.
Ano ba yan! " sigaw ko kasi bigla n'ya akong niyakap nka subsub ang muka ko sa chest nya. Pero nanginginig s'ya.
_______________
(Kinabukasan)
"Anak ng shuta! Naman! Hoy kayong dalawa gising! Bakit d'yan kayo lumulukob.
"Ay palaka" sigaw ko nung sitahin kami ng pulis
"Dito pa kayo nag landiaan, hala sige layas public place to tapos kung mag lingkisan kayo d'yan para kayong di pinag aral ng mga magulang nyo! Ang tatanda nyo na"
"Ang OA mo naman kuya. Panget mo na nga judgemental ka" sagot saka irap sakan'ya
"Oi wag mo na sagutin" pag suway sakin ni lasing
"Aba! Puta! Pulis ako ang bastos nyo" sigaw nanaman nung pulis
"Share mo lang? " pag sagot ko napansin kong nag pipigil ng tawa tong kasama ko
"Alang-alang tubero ka sa suot mo syempre pulis ka" bulong ko pa habang nag aasikaso na kami paalis
To be continue