Chapter 3
Khanet's POV
After naming takasan yung pulis nag end up kaming nag tatawanang parang baliw.
"Btw I'm khanet" sabay abot ng kamay ko sa babaeng nag dadrive ng sasakyan
"Apple" tipid na sagot n'ya
"So ang weird lang. Kasi pick up yung sasakyan mo? Bihira sa babae yung medyo boyish" paliwanag ko sakanya.
"Complement ba masabihan ng boyish bakit parang nakaka offend, kasi naka dress ako look hahaha" sagot mo naman na may halong pag bibiro
"That's not what I mean by that. I mean madalang yung babaeng walang arte sa katawan. Yung ex ko kasi nuknukan ng arte yun" paliwanag ko
"So what do you like then? " tanong mo sakin
"What do you mean? " nag tatakang tanong ko
"Ang ibig kong sabihin, if gusto mo ba maarte o hindi? " tanong mo naman
"Ahhh ayos lang, kahit ano basta mahal ko? Hindi mo naman masasabi kung anong ugali ng magugustuhan mo basta mararamdaman mo nalang yun diba?" Paliwanag ko sayo habang naging seryoso naman ang muka mo
"Mali kasi, dapat kinikilala mo. Lalo na yung sarili mo. Kung anong gusto mo. Kung kanino ka babagay. Kung magiging fit ba sya sa buhay mo o hindi or kung pareho ba kayong mag eenjoy sa isat isa. Tulad ngayon mag isa nanaman ako kasi hindi ako bagay sa lalaking napili ko" blanko lang ang expression mo pero bumilis ang patakbo mo ng sasakyan
"Maiba nga ako. Pwede mo ba akong ihatid? Saamin? Kasi kagabi pa ako walang suot na polo. Medyo masama na pakiramdam ko"
"Walang problema" sagot mo saka hininto
"Oh bakit ka huminto" nag tataka kong tanong
"Ikaw na mag drive. At least hindi na ko mag tatanong sayo kung saan yung daan" paliwanag ko
"Ahh sige sige"
________________
Ilang minuto na ang nakakalipas nung nabalot tayo ng katahimikan wala kang imik
"Ok ka lang?" Tanong ko saka naman sinagot ng tyan mo ang tanong ko.
"Nagugutom kana!" Sigaw ko saka ako tumawa ng malakas
"Ihhh!! Nakakainis to. Pano anong oras na hindi naman ako kumain kagabi uminom lang tayo nakakaiyak ka tinatawanan mo pa ko" pag mamaktol mo, saka ko naman hininto ang sasakyan
"Oh bakit huminto kna mag drive" sabi mo sakin
______________
ApplesPoV
"Nandito na tayo baba kana" naka ngiti mong sabi saakin
"Ahhh dito naba? Wow ang laki ng bahay ahhh. Mukang bago lang tong bahay ahh." Sabi ko habang namamangha ako sa bahay na pinasukan ko
"Binili at pinag ipunan ko to ng matagal, para sana sakan'ya pero wala na kaya ibebenta ko nalang" paliwanag ko saka ka pumunta sa kusina at kumuha ng tubig
"Wag sayang!" Pag kontra ko sayo
"Naisip ko lang ano kayang magiging reaction nya kung nalaman nya na may bahay na kami or kahit naipakita ko lang sakanya tong bahay" tanong mo sakin pagkatapos mong lumagok ng tubig
Hindi ko alam sa kung anong dahilan napatitig ako sa pag inom mo ng tubig. Habang unti unting pumapatak yung tumapon na tubig sa katawan mo para akong nahihypnotize . "Ang ganda ng chest mo"