PART 11 : TAKOT

12 0 0
                                    

Umibig ulit ako sa pangatlong pagkakataon
Kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko nagsusumigaw ang puso't isip ko na hulog na hulog na sayo
Hindi ko plano ang umibig sayo pero ganito naman talaga dba ?
Pagkagising mo mahal mo na pala
Ang puso kong walang kadala dala
Kagit ilang ulit ng nasaktan hala sige umibig pa



Minahal kita ganun ka rin sakin
Napagtanto ko na iba ka sa una at pangalawa
Kapag nagagalit ako umiiwas ka
Kapag inaaway kita naglalambing ka
Ikaw na ba talaga ? O ganyan ka lang kasi bago pa?

Hindi ko maalis sa isip ko ang duda kasi dalawang beses akong nagdusa ,
Kahit ilang beses ko pang kumbinsihin ang sarili ko na iba ka ,
Natatakot pa rin ako na baka pareho lang pala


Pasensya ka na kung pagdudahan kita
Hindi biro ang magdurusa sa pag ibig na akala mo siya na
Ou aaminin ko mahal na kita
Pero takot pa akong magtiwala

Sana mahintay mo
Mahal kita peeo takot pa akong ibigay sayo ang  "ou"
Kung mahal mo ako makakahintay ka
Sana mahintay mo


------------

BrokenWhere stories live. Discover now