PART 3: NAGMAHAL ULIT

28 0 0
                                    

Nasaktan ako,
Naloko ako,
Pinagpalit ako,
Nadurog ang puso ko,

Pero bumangon ako , tinapangan ko ang sarili ko na harapin lahat ng sakit na naransan ko nung panahon na nagmahal ako sayo

Nung iniwan mo ako naging madilim ang mundo ko ,
Awang -awa ako sa sarili ko kasi ang taong pinaglaanan ko ng puso ko iniwanan ako
Masakit mahirap pero kinaya ko


Hanggang sa may dumating na isang tao
Isang tao na ngaing panyo sa tuwing iiyak ako
Isang tao na naging tenga para pakinggan lahat ng sakit na nararamdaman ko
Isang tao na tumulong para ayusin ulit ang puso ko na nawasak ng dahil sayo.

Pinasaya niya ulit ako ,
Pinaramdaman niya na mahalaga ako
Hanggang sa nalimutan na kita
Masaya na ulit ako dahil sa tulong ng bagong minamahal ko.


BrokenWhere stories live. Discover now