Uno

16 0 0
                                        

"You are different"
"No, I'm unique"

He, The Loner

Pagbati, ako si Darxzi Mercader Bautista. Isa akong alien sa lugar namin. Sa isang hindi matandaang lugar. Nakakapanibago lang kasi. Sa lugar na ito ni isang tao ay wala akong kilala tanging pangalan ko lamang ang naaalala ko.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari, para bang hindi ako rito lumaki. Ang kulay asul na karagatan sa harapan ng mga batong bahay- medyo may pagunlad na ang lugar na ito sapagkat sa piling ko ay parang nakatira ako sa isang munting bahay kubo, pamilyar ang karagatan na ito hindi katulad nung mga ibang salita na sinasabi ng mga tao sa lugar na ito. May kung anong bagong hinalo sa mga salitang lumalabas sa kanilang mga bunganga.

Sa tuwing sumasapit ang gabi. Hindi ko alam pero nahahanap ko na lang sarili ko na nakaupo sa ibabaw ng punong mangga at dinadamdam ang tunog na nililikha ng karagatan.

Palagi akong nakakarinig ng isang himig sa tuwing tinititigan ko ang karagatan. Ang himig na iyon ay hinihila ako at sinasabing sumama ka sa akin malungkot ako, come with me and I'll be happy. Mahirap aminin pero tama nga siguro ang mga taong iyon nababaliw na ata ako.

Pero masasabi ko na may pagbabagong nagaganap sa pagkatao ko. May mga binibing di umano ay nagkakandarapa sa akin kaya ayon, araw-araw akong tumatakbo dahil sa kanila. Mahirap din kasi maging magandang lalake. Palagi ka na lang hinahabol ng mga nag gagandahang binibini at mas malala pa ay mapapa-away ka ng wala sa oras.

'Darxzi alam mo bang ang pogi mo?Kahit sobrang baduy mo kung mag damit'

Isa yan sa mga salitang binibitawan ng mga binibini sa akin na medyo hindi ko maintindihan pero, ganon ba kasama ang pananamit ko?

Di ko alam pero parang ang laki ng galit ng mga tao sa akin. Dahil ba sa pananamit ko o dahil sa kakaiba ang itsura ko?

Hindi naman pwede na dahil kakaiba ka ay hindi na tao ang turing sayo hindi naman patas yun. Tayong lahat ay may karapatang mabuhay sa paraang nais natin. Hindi lang oras ang dapat pinapahalagahan pati ang puso natin na nagdadala sa emosyong pinapakawalan natin.

Kailangan ko ng katahimikan.

Tatayo na sana ako upang lumipat ng lugar na matatambayan, nagulat na lamang ako ng may tumabi sa akin at nagsalita.

"Hi!" Sabi niya na tila ba nagpapaalam ito iniwa-wagayway niya kasi ang kamay niya sa ere at nakangiti pa siya.

Alinlangan akong ngumiti sa kaniya at tumango.

Hindi sa babaero pero ang ganda niya lalo na ang katawan niya at ang kulay biyolet niy- teka?Biyolet ang buhok niya?

"Why are you staring at me like that huh?Is there anything na madumi sa aking beautiful face?" Nagsalubong ang kilay niya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon idagdag mo pa ang pamewang na ginawa niya matapos ang pagtatanong.

"Hindi ko maintindihan yung sinabi mo pero, paano nangyari na kulay biyolet ang iyong buhok binibini?" Balik tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya ng malakas na para bang walang pake kung hindi kaayaayang tignan ang ginagawa niyang pagtawa ng malakas. Ang isang binibini ay dapat mahinhin hindi katulad ng babaeng nasa harap ko ngayon.

"Seryoso?Ano ka makalumang tao na katulad ni Lolo Basyong" tanong niya ulit sa akin ngunit hindi parin natatanggal ang tawa niyang napakalakas.

"Maari ko bang malaman kung sino si Lolo Basyong?"

"Bwahahahahahaha! Ano bang pangalan mo at saang planeta ka nanggaling, bakit hindi mo maintindihan ang Ingles eh mukha ka namang mayaman?"

"Paumanhin. Ganito talaga ako, ang sabi pa nga ng iba alien ako dahil kakaiba daw pangalan ko at ang mga galaw ko." Napakamot na lamang, ako sa aking ulo dahil napatawa na naman siya ng malakas.

Tinitigan ko siya ng mabuti. Napakaganda niya, ang ngiti niya ay parang mga tala kumikinang pero, tulad din ng mga tala patay ang mga mata niya. Malungkot ba siya?Bakit naman kaya?

"Bwahaha!Shemay!Ok na ako.Ang kyut mo talagaaaa~" sabi niya at pinisil ang pisngi ko na agad namang namula sa kahihiyan. "Soooo, gusto mo bang samahan mo ako maglakad-lakad sa lugar?" Tumitig siya sa akin at nakangiting nagbali ng leeg siya.

"Paumanhin binibini pero nais ko sanang mapag-isa" saad ko at yumuko.

"Ang kj mo namannnn!Halika nga!Samahan mo ako sa ayaw at sa gusto mo!" Hinila niya ako at hinawakan ang kamay ko.

Tuluyan na kaming mag kasama sa paglibot ng lugar at tuluyan na din nasira ang tahimik kong araw.

Bakit ba kasi ang kulit at ang ingay-ingay ng babaeng ito?

Can't Unlove YouWhere stories live. Discover now