Sa ibabaw ng isang punong tila hinubog ang bawat kurba, at 'di makakaila ang laki nito- dahil sa kadilimang hatid ng kalangitan, ay para bang anino ito kung tignan.Nakaupo, at nakamasid ang isang ginoong, mala Adonis ang dating. Dinadamdam ang dalang lamig ng hangin, at ang paghampas ng alon sa buhangin. Para bang nakikiisa ang mga ito sa emosyong kaniyang dinadala.
Si Ginoong Darxzi Mercader Bautista, ang tinagurian alien sa kanilang lugar. Sa kanilang lugar, siya lamang ang lalakeng pang moderno ang pangalan. 'Di katulad ng pangalan niya, ang pangalan ng mga lalake sa kanilang lugar ay mabantot, makaluma, at walang dating. Kabaliktaran ng angas ng kaniyang pangalan, si Ginoong Darxzi ay sabihin na nating medyo tanga-tanga lang naman 'di katulad nung iba deretsuhan kung magsabi.
Samantala...
May isang babae naman na palangoy-langoy sa karagatan. Hindi nito alam na may isang taong nakamasid sa kaniya. Ang babaeng ito ay may kulay biyolet na buhok- mahaba at kulot ito. Makinis rin ang balat nito at may pagka chinitang bilugan ang mata. Kasing kulay ng karagatan ang mata niya. Kulay Asul.
Ngunit ang babaeng ito ay hindi ordinaryo. May kulay berde itong buntot na katulad ng mga sa isda. Napapalibutan ang buntot nito ng kulay pilak at itim na perlas na parang pinagdugtong-dugtong at nagsilbing disenyo nito. Ang nakakamangha sa babaeng ito ay ang kaniyang pagiging modernong babae.
Sa kasalukuyan, tinatawag natin itong sirena.
YOU ARE READING
Can't Unlove You
خيال (فانتازيا)"I can't unlove you. Mahal kita, sa ibang paraan nga lang."