Natawa nalang ako sa tuwing naiisip ko ang pag-imbenta ni Arth sa akin sa isang party. Don ko pa din nalaman na si Arth pala ay nakakatandang pinsan ni Leah.Naalala ko pa noong kumuha ako ng litrato ni Aaron pero patago lang. Mahirap na. Tutuksuhin na naman ako.
Nakatatawa lang isipin na ang Aaron Lee na kilala ko noon ay isa ng CEO ngayon at siya din ang boss ko.
"Ms. Fierro?" Tawag sa akin.
Hindi ko siya tinuunan ng pansin. Naka earphones kaya ako tapos naka close yung eyes ko.
"Ms. Fierro." Dinig na dinig kung sabi pero hindi pa din ako kumibo.
Umulit pa ang pagtawag sa akin. Pero ng pangatlong tawag na, hindi parin ako kumibo instead kumanta ako ng bahagya at napalingon sa aking tabi. What?!?! Bakit nandito si Aaron? Este Mr. CEO? Nakita ko din si Francis sa tabi niya.
"Ms. Sirach, may kailangan po daw si Mr. Lee sa'yo." Bulong na sabi ni Francis sa akin pero agad ko naman na gets kaya gora bels.
Tumango lang ako at tumabi ng bahagya si Francis. Agad lumapit si Mr. CEO.
"Go to my office. Right now." He said with his cold voice then umalis.
Tama nga siguro ang sabi ni Leah sa akin noon na may pagka demonyo daw ang ugali ni Aaron.
"Okay po, sir" I said then sumunod sa kanya. Sayang hindi ko siya naabutan.
Nang nakarating na ako sa office ni Mr. Lee, agad ko siyang nakita na nakasuot sa kanyang eyeglasses at nakatalikod sa kanyang table.
Kumatok ako sa pinto at sumagot siya ng: "Come in" with his cold voice.
"G-good afternoon po, Sir Lee. Ano po ang kailangan niyo?" Tanong ko ng makalapit na sa kanyang table.
"So Ms. Fierro, how was your day?" Bigla niyang tanong.
What?! Pinapunta lang niya ako para magtanong siya nang ganon? Eh qaqu pala to eh. Ang pagod kaya umakyat dito lalo na nasira ang elevator sa 3rd floor.
Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Hala ano naman kaya ang balak nitong lalaking to? Oh my god ang gwapoooooo niya talaga!!!
"O-okay lang po sir. May ipapagawa po ba kayo sa akin." Iniba ko ang usapan.
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang ako ay isang hakbang nalang didikit na ang aking likod sa pintuan.
Okay Sirach ito na ang pinapangarap mo. May gusto siguro si Sir sa akin? Magpapakasal na kami agad.
"Kiss me now, sir Aaron." I said pero sa mind lang mahirap na kung masabi ko.
"Sir? Are you okay?" I suddenly asked. Nanginginig ako sa kaba. Ano kaya ang trip nito sakin?
"Nakalimutan mo isara ang pinto." He said coldly and smirk.
Parang natunaw ako non sa sabi niya. Nagpaka-assuming ko talaga. Yun naman pala nakalimutan ko isara ang pinto. Eh kung ako nalang sana ang inutusan niya na mag sara. Di yong aabot pa sa punto na nagpapantasya ako tungkol sa aking Prince Charming.
"Adjust my schedule this coming Thursday." He said and then started reading some magazines.
"Okay po, sir." I said calmly.
"You can go now." He said still not looking at me.
Napaka bad nito oh. Kala naman siguro nito kung sino kausap niya.
Ako si Sirach Vienne Fierro. Nakatira ako sa isang apartment na pagmamay-ari ni John, my boy best friend. Yung lalaki na nagpapunta sa akin dito, siya si Arron Lee, CEO ng company na to. I became his secretary nung nag apply ako dito bilang isang clerk. Tiyempo din na naghahanap sila ng secrectary.
FLASHBACK
"Nakakapagod na maglakad. Gusto ko na magpahinga pero hindi pwede. I need this job. Kailan kung matulungan si Nanay at bunso." Bulong ko sa aking sarili at smile confidently.
Sa hindi kalayuan, may nakita akong announcement na naka paskin sa pader. Lumapit agad ako.
Good Day everyone. Our company needs at least 5 clerks.
If you are interested to apply for the position, please contact 819-4536.Meet Ms. Hailey Chavez for more information.
Mobile #: 0990-816-4356
Nilabas ko kaagad ang aking phone at tinawagan ko ang numero ni Ms. Chavez. Lord God, sana may vacant pa sila kahit panlalaki na trabaho kakayanin ko. Masuportahan ko lang ang aking nakababatang kapatid sa pag-aaral at nanay.
(On phone)
"Hello? HanSung Company, goodmorning. Can I help you?" Sabi ng babae sa kabilang linya.
"Goodmorning. Ms. magtatanong lang sana ako kung available pa ba yung position bilang clerks." I asked hoping na meron pa sana.
"Maam sad to say po. May natanggap na kanina lang umaga pero maam nag hire po ang aming boss ng bagong secretary. Kanina po kasi madami na ang nagpunta kaso hindi gusto ni boss. Baka gusto niyo maam. Malay niyo baka makapasok kayo sa standard ni sir." Sabi niya na nagpalakas sa aking ng loob.
"Sige miss. Ano po ang mga requirements?" Tanong ko about sa mga requirements.
"Wait lang maam. Babasahin ko po. Kailangan atleast high school graduate, may experience sa paper works at presentation, ages 20 pataas. Yun lang po maam. Si sir na po daw mag bibigay sa iba pang requirements pag nag meet up kayo." She said politely.
"Maam wag niyo po kalimutan na pumunta dito mamaya 3 pm. Baka maunahan pa kayo." She said worriedly.
"Okay. Sige miss salamat sa informations." Sabi ko sa kabilang linya at nagpaalam na.
*toot toot toot*
END OF FLASHBACK
YOU ARE READING
The Possessive CEO(Ongoing)
Teen FictionKapag sinabi na CEO, agad na iniisip ng tao na isang gwapo , mayaman , at iba pang katangian ng isang positibong tao. Pero hindi lahat ng itong katangian ay nasa kay Aaron Lee. Aaron Lee- Isang matalino,gwapo,mayaman na CEO. Siya ay isang CEO ng isa...