"My name is Fiona Hazel Marie R. Swan, pero tawagin nito nalang akong Fiona . 9 years old. My hobbies are eating, reading books and watching t.v."
Alam na! Siyempre basta First day of school GTKY (Getting to know you) is a must!!!
"Ang saya naman nasa grade 4 na tayo, akalain mo nga naman. Hahahaha" --Rene Perez
Si Rene Perez ay isa sa mga kaibigan ni Fiona. Mabait, makulit at matlino.
"Oo nga eh, di pa rin ako makapaniwala, dalawang taon nalang at ga-graduate na tayo. Gusto ko na mag-high school, yun daw ang pinakamasayang stage ng pagiging estudyante." --Fiona
"Pag kakarinig ko nga rin ehh maganda daw sa High school. Hehehe. Tsaka madami gwapo. Hahahah" --Rene
"Heh! Ano ka ba, puro ka kalokohan ha." --Fiona
"Totoo naman ahh. Nako ako nga grabe yung CRUSH ko, ang gwapo niya. Matangkad, maputi, tapos singkit yung mata. Hihihi. Kinikilig ako." --Rene
"CRUSH?! Paki-explain nga. WHAT IS CRUSH?." --Fiona
"Haaaah? Di mo alam anong crush? Yun yung paghanga mo sa isang tao. Yung example hanga ka kase pogi sya, o di kaya kase matalino. Ah basta yun na yun. Ano ba yan nakatungtong ng grade 4 di alam anong ibig sabihin ng crush -.-" --Rene
FIONA'S POV
CRUSH! CRUSH! CRUSH! Grabe ang engot ko. Yun pala ang tawag sa nararamdaman ko. Aba'y grade 2 pa ako nun ah. Crush ko siya since grade 2 ako. Hehehe. Hmmmm. Speaking of him. Asan na kaya yung taong yun. Grabe ang tagal ko na syang di nakikita. Hmmm. Saan kaya siya nag-aaral? Yung totoo? First and last glance lang? Ganun? Haisssst!
"Ms. Swan and Ms. Perez, ano ba? Nakikinig ba kayo sa klase oh nagkukwentuhan nalang kayo dyan?"--Ma'am Ana
Ayan 1st day may mangga na agad sa ulo tong dalawang batang to.
"Ikaw kase pa Crush crush ka pa diyan" --Fiona
"Hehe. 1st day palang naman ehh, tsaka ang boring niya kaya magturo. XD" --Rene
BELL RINGING. . .
"Okay class,maari na kayong mag-recess." --Ma'am Ana
"Yes yes yow. Hay salamat. Hmmmmm. May baon ka ba? Pag wala punta tayo ng canteen? --Rene
"Ahh meron. Pero ikaw if gusto mo samahan kita." --Fiona
"Ahh di na dito nalang tayo. Hehehe. May baon rin naman ako. Hahaha" --Rene
"Sige kain na tayo, mamya maabutan nalang tayo ng time di pa tayo nakakakain" --Fiona
Habang tahimik silang kumakain may biglang. . .
"Psssst! Pssssssssssssssssst! Cous! Huy!" --
"Uy cous ano yun? Anong ginagawa mo rito?" --Rene
"Ahh haha. Wala binibisita lang kita. Katabi lang pala room natin eh. Ayos! Mababantayan kita, baka di ka mag aral ng mabuti ha. Sumbong kita sa nanay mo" --
Habang nag-uusap ang magpinsan sa labas. Si Fiona na matakaw aba naman, walang pakundamang lumalamon mag-isa di man lang sumilip o lumingon kung sino ang kausap ni Rene. Walang ka malay malay si Fiona na nandyan na sya. Ang matagal niyang hinahanap.
"Ay teka, pakikilala kita sa classmate ko." --Rene
"Uy Fiona. . ." --Rene
FIONA'S POV
Pagkalingon ko, napatigil na naman ang mundo ko. Oh my goodness!!! What is the meaning of this!!! Siya ba to? Totoo ba tong nakikita ko? Oh gosh! Siya na nga. Siyang-siya :))) Ang noon ko pa mang CRUSH. Thank you Lord.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng magpinsa. Halos di ko maramdaman ang aking mga paa. Para akong nasa ulap, lumulutang. Nakikita ko siya nakatingin sa akin. Nakangiti, na tila ba'y matagal niya na rin akong hinahanap (well sana nga. hehe).
"Uy Fiona, eto pala pinsan ko si. . ." --Rene
Bago pa man makapag-salita si Rene, sa di inaasahang pangyayare inunahan siya ni Fiona. Pero di naman sinasadya, bigla nalang lumabas sa bibig niya ng namalayan. Essssh! Tanga!
"Vincent!" --pasigaw na pagkasabi ni Fiona
"Hah? Kilala mo siya? :O --takang-taka na pagkasabi si Rene
FIONA'S POV
Oh my! Paano? Bakit ko sinabi yun? Ehh sa nataranta lang naman ako! Goodness! Anong sasabihin ko? Pataaaaaaaaay!!!!
"Ahhhhhhhhhh eehhhhhhhhhh. Hula lang. Hehehe. Common kase yung Vincent. Tsaka Hello may I.D. oh" --Pagpapalusot ni Fiona
FIONA'S POV
Oh my! Hahaha. Isa pang tanga! Keber sinabi ko pang common ang Vincent eh hindi naman. Hahahaha. Paano nalang kung wala siyang I.D. ha? Naaaah! Fiona huwag padalos-dalos. EXCITED masyado! Isang taon mo ba namang di makita. Di ka mae-excite? Sabihin mo ha. XDDD
"Ay oo nga pala. Hahahah." --Rene
"Hi! Ako pala si VINCENT ALEXANDER DALE C. CULLEN, Vince nalang for short :))" --Pangiting pagpapakilala ni Vince sabay abot ng kamay
FIONA'S POV
Oh my!!! Inaabot niya pa kamay niya. Gosh! kakamay ba ako? Hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm. . . Malamang! Ano to? Choosy pa. Nandyan na nga sa harap oh.
"Hi! Ako pala si FIONA HAZEL MARIE R. SWAN, Fiona nalang for short. Nice meeting you :))."-- Sabay shake hands. 1.2.3 Fiona para-paraan.
BELL RINGS!!!
BINABASA MO ANG
Unlucky I'm In love With My Best friend (First Love)
Teen FictionHello po! Pangatlong story ko na ito. Hahaha. Matagal ko ng gustong isulat to. As in. Kaya lang nawalan ako ng gana, pero dahil di talaga mawala sa isip ko. Eto na sinisimulan ko na. Hmmmm again. Some parts ng story ay based on my own experiences ;)...