1

66 1 0
                                    

Hindi naman ako nagmamadali pagdating sa love na yan

Ang totoo nga hindi ko naman yan iniisip dahil kusa namang dadating yan sa tamang oras

Kasi nga diba True love waits so makakapag hintay naman ang love

And alam ko na may inihanda ang Diyos para saakin na better at hindi ako sasaktan

Dahil ang iba na nagmamahal ay kadalasan nasasaktan

Beacause some people fall in love to the right person in a wrong time or maybe in a right time to the wrong person

Ganyan naman kasi tayo pinapakawalan pa natin kung sino ang tunay na nagmamahal saatin

Kaya sa huli nag sisi lang tayo

And by the way Im Claire Corpuz
17 years old

Hindi naman ako busy ngayon dahil summer vacation after this mag cocollege na ako

Hindi pa naman ako ready para doon saka medyo natatakot ako na mag college dahil mahirap daw talaga

Pero wala namang mahirap kung kasama mo si God

Nandito ako ngayon sa bahay namin nakatambay lang at nag cecellphone dahil wala naman akong magawa

Naiwan din ako dito sa bahay ng umalis sila mama at nagbakasyon dahil ayaw ko namang sumama

"Claire" narinig ko namang may tumawag saakin

Kaya lumabas ako ng bahay at binuksan ang pinto

"Oh Sheena ikaw pala bakit? "  Tanong ko naman sa pinsan ko

Actually close ko naman lahat ng pinsan ko liban lang ata sa kanya

"Aalis kasi kami nila Mary baka gusto mo daw sumama" medyo nahihiya pa niyang sabi saakin

Saan naman kaya sila pupunta hays kahit kaylan talaga ang mga pinsan ko mga gala

"Saan pupunta? " Tanong ko ulit ko ulit

Medyo nahihiya siya saakin siguro dahil hindi ko siya masyadong nakakasama

"Hmm sa plaza sa kabilang baranggay manood lang tayo ng basketball" 

"Ah okay sige sama ako magbibihis lang ako saglit "

Sabi ko naman

Manonood lang naman pala ng basketball saka enjoyable naman yun kaya okay lang

Kesa naman tumunganga ako dito sa bahay

Dali dali akong nagbihis dahil baka sabihin naman nila ang pa VIP ko

Pagkatapos kong  magbihis ay lumabas na ako at nilock ang pintuan ng bahay namin

"Oh ayan na pala si claire e " sabi naman ni justine pinsan ko din

"Hays ang tagal talaga nitong babaeng to kung gumayak " reklamo naman ni Hanna saakin

"Buti naman at sumama ka " pagtataray naman saakin ni ate Rain

Ang pinaka matanda saaming magpipinsan ang pinaka ate saamin

"Sempre sasama talaga ako kesa naman tumambay lang ako sa bahay " pagdepensa ko naman sakanila

Dahil binubugbog nila ako sa mga tanong at salita na sinasabi nila

Nagulat naman ako ng may umakbay saakin si Enzo lang naman pala

Ang pinala close ko sakanilang lahat

"Oh ano na magtatanungan nalang ba tayo?"  Medyo sarcastic na sabi ni enzo saamin

Dahil doon napatawa naman kaming lahat sabay sakay sa mga sari sarili nilang mga motor

Kami namang mga babae naka angkas lang sa mga boys

Naka motorcycle lang kami ngayon dahil manood lang naman kami ng league at hindi sa mall

Pero kung sa mall mga naka kotse itong mga pinsan ko nare

Habang naka angkas ako sa kay enzo what i mean is sa motor ni enzo ay nag kwekwentuhan lang kami

"Nako minsan nga mag seryoso ka na babae masamang niloloko sila no  i mean kami pala"

Sabi ko naman sakanya dahil abot ang kwento niya saakin ng mga babae na pinaglaruan lang niya

Babae din ako at alam ko na masakit na malaman na napaglaruan ka lang ng isang lalaki lalo na kung minahal mo

"Insan bata pa ako i want to enjoy my life so i dont have to take it seriously ' sabi nman niya saakin

Kahit na alam kong mabait tong pinsan ko na ito ang sarap parin niyang itapon sa basurahan dahil sa mga sinasabi niya na patapon

"Nagiging masaya kaba if you see the girl crying beacause of you? "

Medyo galit na sabi ko na sakanya dahil parang wala lang sakanya ang love  and of course the girl who loved him

"Yeah im happy " sabi naman niya kaya mas lalo akong nagalit

"What " naisigaw ko nalang sakanya

"Tss wag ka namang sumigaw saka wag kang malikot baka maaksidento tayo ".

Malumanay niyang sabi saakin

"But insan lilinawin ko lang sayo im happy kasi malay mo tears of joy pala yun kaya siya umiiyak diba? "

Palusot naman niya saakin para lang hindi siya masapok saakin

"So wag ka ng magalit saakin "

May paglalambing sa boses niya saka kahit hindi siya nakaharap saakin e alam ko na nakukunot na nga noo nito

"Whatever " sabi ko nalang

Medyo pagalit pa para kunwari galit ako

"Tss eto na pala e" saka siya huminto

Sa isang napaka daming tao sobrang crowded ganyan ba nila kagustong makapanood ng league

Kaya naman bumaba na ako sa motor ni enzo

Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin

Hindi ko din pala kabisado ang lugar na ito at ang luwang ng gym nila

Nako nalintikan na sa sobrang dami ng tao matatabunan na ata ako

At hindi nga ako nagkamali nabuwal ako at napaupo sa sahig ngayon hindi ko na alam kung paano ako tatayo

Dahil ang sakit din ng butt ko sa pagkasaldak ko ano ba naman to ang malas ko

Pipilitin ko sanang tumayo ng makita ko ang napaka daming paa na aapak saakin kaya napa takip nalang ako at mukhang kawawa

At hinihintay ang mga paang aapak saakin pero wala

Ididilat ko na sana ang mata ko ng may humitak saakin hindi ko makita ang mukha niya hindi ko din naman siya kilala pero hinayaan ko nalang na hitakin niya ako

Huminto kami sa wala gaanong tao na part ng gym

At humarap siya saakin habang ako nakatulala lang sakanya

"Miss"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pinapalaya Na Kita MahalWhere stories live. Discover now