Chaappppy 12

2.8K 103 1
                                    


Pj's P.O.V

Ilang linggo na kaming magkasama ni jade dito sa condo na toh, at hindi ko alam kung may pagbabago bang nangyayari sa kaniya pero kinakausap ko naman siya...
nagising ako sa maliwanag na sikat ng araw kaya nagunat unat muna ako habang nakapikit hanggang sa di ko makapa si jade sa tabi ko kaya napatayo agad ako at hinanap siya at nakita ko siya sa sala nanonood ng anime...

"Goodmorning... bakit parang kabado ka?" Tanong ni jade ng makita ako

"di kasi kita naabutan sa tabi ko kala ko kung san ka na pumunta, kumain ka na ba?" SabI ko sa kaniya at tinanong siya

"HindI pa inaantay kitang magising, nagluto na ako" sabi niya

"Dapat na una ka na, oh tara na kain na tayo" sabi ko at nag start mahain sa lamesa

Habang kumakain pinagmamasdan ko lang siya, kelan kaya babalik ang dating siya? Mas gusto ko yun kesa sa ganito, wala akong pake kung malandI siya, maldita siya oh kung ano mang description sa kaniya mas gusto ko yun dahil yun ang jade na minahal ko, oo walang pagbabago ang pagmamahal ko sa kaniya pero habang ganyan siya ibig sabihin hindi niya pa rin tanggap ang sarilo niya at anytime pwedeng may gawin siya sa sarili niya

"Wag mo kong titigan ng ganyan baka hindi ko mapigilan sarili ko" sabi niya na ikinagulat ko pero mahinhin pa rin pagkakasabi niya pero atleast nagiging wild na siya

"Sus, edi wag mong pigilan sarili mo" pangaasar ko at tumawa ng saglit

Madami nang nagtataka kung bakit ganun bigla ang naging kilos at ugali ni jade pagkabalik niya galing korea, madami nang nag sasabi na mas okay daw na bumalik sa dati si jade kesa sa jade ngayon hindi sa hindi nila or namin gustong maging ganito si jade pero mas mapapanatag loob ko kung bumalik na siya sa pagiging wild queen b niya...

"Pj samahan mo ko sa mall" biglang sabi niya na kinagulat ko

"Huh!? Eh kaya mo na bang makisalamuha sa madaming tao?" Tanong ko sa kaniya at tinigna lang siya at mukhang nagaalangan siya

"Kakayanin ko, ayoko nang maging ganito, masyado na akong abala sayo at kay daniel, gusto ko na ding umuwi sa bahay" sabi niya at himikbi hikbi kaya lumapit ako sa kaniya at niyakap siya

" alam mong di ka pwedeng umuwi sa bahay niyo dahil baka matitrigger ng kuya mo ang stress mo, at wag kang mag alala hindi kita tinuring na abala, gusto kong ako lang magaalaga sayo" sabi ko at parang natigil siya sa pag iyak

"Then jowain mo na ako" papiyok piyok niyang sabi dahil kaiiyak lang niya

"Ndi pwede, maiistress ka lang" sabi ko sa kaniya

"Bakit ako maiistress!?" Tanong niya at tinaasan ako ng kilay

"Alam ko ang mga gusto at ayaw mong ginagawa ng lalake sayo, at halos lahat ng ginagawa ko ay ayaw mo at isa na dun ang pagiging game addict" sabi ko sa kaniya at nag pout lang

"Pwede mo naman akong unahin kesa sa games mo eh, atsaka di ka ba nafafall sakin habang magkasama tayo?" Tanong niya na tinawanan ko lang

"Ewan ko sayo, pupunta ako mag isa sa mall, pag di mo sinabing mahal mo na ako" sabi niya at biglang pumasok sa room

"Hey" sabi ko at kumatok sa kwarto namin dahil nilock niya ang pinto

"Bahala ka dyan, atsaka nagbibihis ako" sabi niya na ikinataranta ko dahil bakit siya magbibihis ibig sabihin itutuloy niya ung balak niya

"Jade sylvester!" Madiing sabi ko

"Wala akong pake kahit kasing diin pa ng pagpukpok ng martilyo sa pako ang pagkakasabi mo ng full name ko, I'm risking this so that Ill know your real feelings, I have my own test for you and you'll nevee know that" sabi niya at biglang lumabas at nagulat ako sa suot niya

"Magpalit ka ng suot" sabi ko sa kaniya, dahil ang suot niya ay ripped jean na totally ripped at halos makita na ang cycling niya, tapos may suot siya parang net sa loob ng jeans, at naka croptop siya at kita sa tyan niya yung net

"Wala kang pake sa suot ko, wala ka ngang pake sa mga lunch box na pinadala ko sayo nun eh, tapos sa suot ko meron, heh! Pagkatapos mong itapon yung nga yun!" sabi niya at naglakad papuntang pinto, improving na siya bumibilis at bumabalik na sa dati ang paglalakad niya sana mag tuloy tuloy na, anong konek nung lunch box sa usapan namin ngayon? Atsaka tinapon? Eto ba yung sinasabi nila pag may away nadadamay lahat, kaya pati lunch box naalala niya at dinamay?

Syet!!!!! Nakaalis na siya ano bang gagawin ko sa taong toh, anong chapter pa lang mapapaamin na agad ako isn't too early for that? Ano nga bang totoo kong feelings para sa kaniya?

Gusto ko ako lang kasama niya.
Gusto ko ako nang magalaga sa kaniya.
Gusto ko ako lang nilalandi niya.
Gusto ko sakin focus niya.
Kaya kong magbago para sa kaniya.
Kaya kong irisk ang lahat para sa kaniya...

I know what's my real feelings for him, but I don't want to be left again by him, what if in the end he's just playing around?

"Ah buset naman tong jade nato, nanggugulo pa ng isip eh... masundan na nga..."

HEY YOU! YOU'RE STILL MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon