1

18 0 0
                                    


Chapter 1

"Labyrinth.." manghang basa ko sa pangalan ng resort na tutuluyan namin ng mga kaibigan ko for three days.

Katatapos lang naming magcheck-in sa hotel dito. Imbes na magpahinga dahil sa limang oras ang byahe papunta dito ay hindi kami nagpapigil. Excited kaming lahat na mamasyal sa lugar dahil sa kagandahan nito. Mabilisan nga lang ang kain namin kanina para makalibot agad kami.

"Ang ganda dito! Instagram-worthy." ngiting saad ni Louanna habang nililibot ang paningin sa resort

"I know right. Kaya ko talaga pinilit na dito tayo dahil alam kong magugustuhan niyo." Proud na ngiti pa ni Pia sa amin habang nag-seselfie pa

"Kanino mo pala nalaman to? Hindi naman to sikat na resort online." Takang tanong ni Andrea sa kanya

Oo nga. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa lugar na to. Ngayon ko lang din narealized na tago din ang lugar na pinaglalagyan nito. Mahirap hanapin kaya kung walang may alam talaga sa daan papunta dito ay mawawala ng tuluyan.

"Friend of friend ko. He suggested this place. He showed me pictures of the resort and directions as to how to reach here."

"Mabuti na lang pala at tinake mo yung suggestion niya. Kahit medyo malayo dito ay worth it naman. I'm sure we'll enjoy the rest of our days here." Ngiti ni Louanna sa amin sabay tanggal ng kanyang cover-up kaya inasar namin siya nang makita ang kaseksihan niya sa red two-piece niya

"Di pa kayo maliligo? Mauuna na ako ah." At saka tumakbo na papunta sa dalampasigan

Napailing na lang kami knowing na sa aming apat, siya ang pinakamatakaw sa dagat.

"Bibili muna ako ng buko shake dun. You guys want too?" tumayo si Andrea, iling lang ang naging sagot namin ni Pia.

"So, where did you meet this friend of friend of yours? And a guy huh." I teasingly said as I looked at Pia

"Wag ka nga Solis. Friends lang, okay? We met sa isang gathering and we talked about vacation thingy so he suggested this. Actually, their family owns a quarter of the shares of this resort."

"Oh, bigatin pala yan. Well, hindi naman siya nagkamali ng suggestion dahil ang ganda talaga dito." I smiled as I looked around when someone caught my attention

He had a messy brownish hair na tinatangay ng hangin. From afar, I can see his prominent jawline, his muscly built and his proud nose. Nang lumingon siya sa banda namin ay di ko mapigilang mamangha nang makita ng buo ang mukha niya. He has this angelic face due to his brown round eyes that shone brightly because of the rays of the sun blessing his face.

He caught me staring at him at kumunot ang noo niya dahil doon. I looked away dahil sa kahihiyan pero muling sumulyap sa kanya. He was already walking to the other side opposite to ours which disappointed me.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay napatayo na ako at akmang susundan siya nang nagsalita si Pia sa kanan ko.

"Where are you going?" nakatingala niyang tanong sa akin habang itinaas ang shades niya

"Uh sa s-souvenir shops. B-bibilhan ko si Shone ng pasalubong." At tumango pa ako para mukhang totoo saka lumingon sa daan na tinahak ng lalaki para hindi siya mawala sa paningin ko

Tumango naman siya at hinayaan ako kaya dali-dali kong sinundan ang lalaki. Medyo malayo-layo na rin ang nilakad niya at nakita ko siyang pumasok sa isang seafood restaurant.

Nang makapasok ako ay nakita kong punuan ang loob dahil na rin siguro lunch time na ngayon. Hinanap ko siya at natanaw kong mag-isa lang siyang nakaupo roon kaya dumiretso ako papunta sa direksyon niya.

"Excuse me? May kasama ka ba?" kahit kinakabahan ay pinilit kong magmukhang confident at patay-malisya sa harap niya

"What?" masungit na tanong niya at umangat ng tingin sa akin

Shit! Ang gwapo talaga niya. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang light blue v-neck shirt at board shorts. Simple pero malakas ang dating.

"A-as you can see. Wala nang ibang bakante eh. At g-gutom na gutom na talaga ko at s-seafood yung kinecrave ko ngayon eh." Napangiwi ako sa lame na excuse ko but nevertheless I still stared at him confidently na halos tumagal ng ilang segundo dahil hindi siya kumibo

"Well you can take my place. Hindi pa naman ako masyadong nagugutom." He stood up kaya nataranta ako at hinawakan ang braso niya

"No! I-I mean. We could share naman. Nakakahiya. Ikaw yung nauna dito eh." Napatingin siya sa braso niyang hawak ko kaya nahihiyang binitawan ko ito

"No it's fine. I'm not comfortable eating with a stranger so I cannot take your offer. Enjoy your lunch, miss." He glanced at me one last time before stepping out of the restaurant

Napapikit ako dahil sa nasayang na chance at kagagahan ko pero okay na rin ang nangyari dahil ikamamatay ko - literally pag nagkataong natuloy yung lunch namin. Ewan ko ba kung anong pumasok sa kokote ko nang sinunod ko siya at nagbalak pang maglunch sa isang seafood restaurant knowing na allergic ako dun.

Ako na si tanga. So much for that brown-eyed guy.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fall of IcarusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon