Chapter 22-Just A Dream

445 9 2
                                    

Author's NOTE

Ito na po ang pinaka hinihintay niyo ang something horror pero di ko sure kung nakakatakot talaga dahil fantasy ito

………*****………*****………*****………*****…

Patrick's POV:

andito ako mag-isa sa dorm wala si Sheena at yung lalaking gusto akong patayin nahimatay ata ako ehh hindi ko na kinaya

Bumangon na ako para magsalamin ngunit pagtingin ko dito ay may nakita akong isang babaeng nakaputi,puro dugo ang kaniyang katawan

Natatakot na ako dito,hindi ko na alam ang gagawin ko.Alam kong lalake ako pero takot ako sa multo

Binalewala ko nalang ang babae at tumungo na sa sala binuksan ko na ang ilaw at umupo na sa sofa nang bigla namang namatay ang ilaw sobrang dilim at nilalamig ako

Kakaiba ang pakiramdam para akong nasa refrigerator na nasa 0° na ang temperatura

Binuksan ko ulit ang ilaw at umupo

Kinuha ko na ang remote at pinindot ang channel 4 and it's YEY

Gabi na pero wala parin si Sheena asan na kaya siya

Maya maya biglang lumipat ng channel at napunta ito sa horror

Takot na takot ako sa mga horror film kasi hindi talaga ako nakakatulog lalo na gabi ngayon

Feel na feel ko ang takot sa mga oras na ito

Nagblackout ang T.V at kasabay nito ay ang pagkamatay ng ilaw

Nanatili nalang ako sa kinauupuan ko at feeling ko ay may nakatingin sa likuran ko

Wala akong balak na lingunin to dahil baka mawalan ako ng malay sa takot

Pinikit ko ang mata ko at inisip na walang multo,walang multo walang multo

Idinilat ko na ang mata ko at tumingin sa likod wala sa harap wala pero pagtingin ko sa gilid ko ay may babaeng duguan

Ayokong sumigaw

Tumayo ako at patakbong pumunta sa kusina at uminom ng tubig

Hindi namamatay matay ang ilaw at parang normal lang hindi kagaya ng sa sala na animo'y may kasama ka

Tumingin ako sa taas ngunit nagulat ako ng may nakita akong taong gumagapang sa kisame at iniikot ang ulo

Tumingin ito saakin at nakita ako ang wasak wasak na mukha ng babae

Nagulat ako ng mabitawan ko ang baso at nabasa ito

Hindi lang yun dahil pagkabasag nito ay may kasamang dugo pero hindi naman ako nagkasugat dahil sa pagbagsak

Napatingin na naman ako sa kisame ngunit wala na ang babae

Nakahinga ako ng maluwag

Napatingin ako sa harap ko at laging gulat ko nang makita ko ito na nakatayo na sa harapan ko

Nanlilisik ang mga mata at may tumutulong dugo sa anumang parte ng katawan niya

"Haaaaaaa!!!MULTOOOOOOOO!!!Haaaaaaaaaaa!!!!" Napasigaw na lang ako sa sobrang takot

At tumakbo papuntang kwarto kahit na naapakan ko ang nga bubog sa nabasag na baso ay tuloy parin ako makawala lang sa multo

Pagkapasok ko ay binuksan ko kaagad ang ilaw

Walang kakaiba ang nangyari

Tuloy tuloy parin ang pag-agos ng dugo sa paanan ko

Nilinis ko saglit ang paa ko at tinanggal ang mga bubog sa paanan ko

The Lost Prince Of ColorKingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon