KABANATA 18

1.9K 71 6
                                    

KABANATA 18: SWEAT DREAMS

Felize's Pov

Dahil nga kahit ano daw ang gusto naming gawin, nag swimming ako with Russel and i really enjoy today dahil kasama ko siya

"Masaya kaba Russel?" Seryoso kong tanong sakanya habang nagsasaya siya sa paglangoy

"Aba oo naman, sinong hindi sasaya dito sa dagat?" Sabi ni Russel at patuloy pa siya sa paglangoy

"I mean pag kasama mo ako?" Tanong ko sakanya atsaka hinigit ko siya papalapit sakin

"Yes." Yan nalang ang sinabi ni Russel at lumayo siya sakin para lumangoy at agad ko siyang sinundan, hinigit higit ko yung paa niya habang parehas kaming nasa ilalim ng dagat

"Wahhh sino yon?" Sabi ni Russel at bigla akong napatawa at kunware na hindi ako yung humihigit sa paa niya

"Ikaw yun Felize?" Sabi ni Russel at pinigilan ko yung sarili kong tumawa

"Na ano?" Kunwareng hindi ko alam, sobrang cute niyang matakot ang sarap pisilin ng pisngi niya

"Nevermind, tara ahon na tayo.." Sabi ni Russel at hinigit na ako papaalis sa dagat, HAHAHAHA! natakot na yata kaya umahon na sa dagat jusko po sobrang matatakutin niya talaga so cute!

Bobby's Pov

"Guys, ano nga ulit name nung girl na pinakilala saatin ni Belle??" Nagtataka kong tanong

"Kylie ata.." Sagot ni June

"Wait, bakit mo natanong? Type moba?? Ayieeeee..." Pangaasar sakin ni Jay at sinamaan ko nalang siya ng tingin

"Hindi naman sa type ko siya! Masama bang magtanong?" Sabi ko at sabay irap kay Jay

"Ang sabihin mo type mo talaga siya.."  Sabi ni DK at napatayo nalang ako at halos masuntok kona pero hindi ko tinuloy

"Oh see, diba.. nagalit agad siya.. yieee naks!" Pangaasar naman sakin ni B.I at Chanwoo

"Argh! Sinong hindi maiinis eh nagtanong lang naman ako binigyan niyo agad ng malisya!" Sabi ko at napaupo nalang ulit ako at nagsitawanan nalang sila at ako eto walang emosyon at nakatitig sa karagatan

"Pero diba cute naman yun si Kylie? Paasahin ko kaya?" Sabi ni June at sinamaan ko nalang siya ng tingin

"Ayan jan ka magaling! Ang magpaasa ng mga babae, pati wag na si Kylie kas---" Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si bobong Jay!

"Wag na daw si Kylie kasi kay Bobby na daw yun!" Sabi ni Jay at agad kong sinuntok ng malakas yung braso ni Jay

"Kasi mukhang mabait si Kylie! So kawawa naman kung papaasahin lang ni June!" Explain ko kay Jay at napahawak nalang siya sa braso niya na namumula dahil sa malakas kong suntok

"Ok nga yon eh, mabilis kong mapapaniwala.." Satsat pa ni June at sinamaan ko ulit siya ng tingin

"Pati pwede ba itigil mo na yang pagiging playboy mo!" Tutol ko sakanya at napatawa nalang si June

"Ayoko pa eh, hobby ko na rin toh at hindi ko alam kung maititigil kopa.." Sabi ni June at sabay tawa tapos ako naman inirapan ko nalang ulit siya

"Bahala ka! Basta wag kay Kylie kasi MUKHANG MABAIT, mukhang mabait hah! Hindi dahil sa gusto ko siya!" Malakas kong sigaw kay Jay

"Ambaho ng hininga mo!" Sigaw ni Jay at napasuntok ulit ako sa braso niya

"Gago ka!" Sabi ko at nagsitawanan silang anim, bwiset! Pinipikon nanaman ako

AIWAG BOOK 2: FIGHT FOR USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon