KABANATA 19

2K 74 27
                                    

KABANATA 19: Plan

Kylie's Pov

Makalipas ang ilang araw, last day na namin dito so maya maya pa ay uuwi na din kami kaya nilubos kona yung mga oras dito sa boracay

"Let's go na..." Sabi ni Belle

Makalipas ang ilang oras ay nakauwi na kami sa bahay

Russel's Pov

Pagkabukas ko ng ilaw nagulat ako ng makita ko si Mommy na nakaupo sa sofa, wait nakauwi na pala siya galing sa states?

"Oh darling..." Sabi ni Mom at napakiss siya sa pisngi ko at sabay yakap

"Hindi ka nagsasabi na uuwi kana pala?" Sabi ko at napatawa nalang siya

"Ohh, ofcourse it's a suprise.." Sabi ni Mom at napatawa nalang din ako, biglang nanlaki ang dalawa kong mata ng makita ko si Felize sa may pinto

"Btw, i invited her for a dinner.." Sabi ni Mom at dahan dahang lumapit sakin si Felize, naupo na kami sa may table para kumain

"Kamusta naman pala kayong dalawa?" Tanong ni Mom at napatigil ako sa pagnguya ng pagkain

"Well Tita, we're good.. no problems.." Sabi ni Felize at sabay punas ng tissue sa bibig niya

"Good..." Sabi ni Mom at nagpatuloy na ulit ako sa pag nguya at uminom na ako ng tubig

"Why don't you plan about your wedding?" Sabi ni Mom at nabuga ko yung iniinom kong tubig kay Felize

"Mygash! Disgusting!" Sabi ni Felize at pinunasan ko nalang siya gamit yung panyo

"You can do it na.." Sabi ko at binigay kay Felize yung panyo para siya na yung magpunas sa sarili niya

"Why Russel?? Diba almost 2 years na kayo, bakit hindi pa kayo nagplaplan about sa Wedding niyo.." Sabi ni Mom at napaubo nalang ako

"But.... we are too young" Seryoso kong sabi

"Graduating na kayo ng college, hindi naman makaka abala sa pag aaral niyo yung kasal.." Mahinahong sabi ni Mom pero napatahimik nalang ako at hindi na nagsalita

"Unless, ayaw mo lang magpakasal cause you still love Kylie?" Sabi ni Mom at bigla nalang ulit nanlaki yung mata ko at napatingin kay Felize na ngayon ay gulat na gulat din

"What? Kylie? Kylie Garcia?" Pagaalalang tanong ni Felize

"Yes and wait... don't tell me na hindi pa sinasabi sayo ni Russel ang lahat?!" Sabi ni Mom at napatungo nalang ako, paktay na! Nabuking na

"Tell me Russel? Anong meron sainyo ni Kylie?" Sabi ni Felize at hinawakan niya yung kamay ko pero agad ko itong tinanggal

"M-m-m-may past kami.." Utal utal kong sabi at mas lalo pa siyang nagulat

"WHAT!" Sabi ni Felize at sabay sampal sakin, napahawak nalang ako sa pisngi kung saan sinampal niya ako

"Almost 2 years tayong nagkasama! Tapos ngayon mo lang sasabihin yung tungkol sainyo ni Kylie!? How dare you!?" Sabi ni Felize at halos umiyak na siya

"You don't care..." Sabi ko at napawalkout nalang ako, pumasok na ako sa kwarto at naglock

Argh! Naiinis na ako kay Felize, siya pa may karapatang magalit bakit, wala naman akong pake sakanya

Sa totoo lang, ayoko talaga jan kay Felize pinilit lang ako ni Mom para makipag girlfriend jan pero hanggang dun nalang! Bakit may kasal pa!?

Gusto ko ng bumalik sa taong mahal ko, walang iba kundi si Kylie pero i think may mahal na siyang iba at si Tristan yon

AIWAG BOOK 2: FIGHT FOR USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon