KABANATA 31

1.5K 73 29
                                    

Kabanata 31: Meet Again

Belle's Pov

Ilang araw ang nakalipas ilang araw na din akong hindi napasok, hiyang hiya ako at wala na akong mukha  maiihaharap pero hindi padin ako magpapatalo! Kailangan kong mag imbestiga kanila Felize at sa mom ni  Russel kailangang may matibay akong ebidensya tulad ng ebidensiyang na kay Felize

Pero ang kinaiinis ko, paano ako makakahanap? Sinabi lang sakin ni Felize iyon at hindi ko manlang navideo paano ako makakahanap?..

Maya maya pa ay dumating sila Tuner, nagulat nalang ako dahil hindi ko inaasahan iyon buti nalang laging wala si Mom and Dad sa bahay

"Anong ginagawa niyo dito?" Pagtataray ko

"Boss, yung sweldo po namin.. gipit na gipit na po kasi kami ng pamilya ko" Sabi nung isa kong katrabahador at mistulang may napansin ako sa pananamit ni Tuner, ang ganda ng damit niya ngayon at ang ganda ng relo ah

"Tuner, saan galing yang relo mo?" Sabi ko at sabay titig sa relo niya

"Ah eh eto poba boss?" Sabi ni Tuner at sabay turo sa relo niya "B-bigay po sakin ng lolo ko galing ibang bansa" Dugtong niya at napatango nalang ako

"Wait lang kayo jan, i'll get the money.." Sabi ko at sabay punta sa kwarto ko, apat silang nasa salas ko.. ang napagusapan namin ay tig 100k sila pero may kaltas dahil nabuking ako.

Pagkalabas ko sila Tuner at yung isa niyang kasama ay naguusap, tumahimik ako at pinaringgan ang kanilang usapan at hindi muna ako nagpakita

"Pre, san galing yang damit mo? Imported ah.." Mahinang sabi nung katabi niya

"Ah eh pre, satin satin lang toh ah?" Sabi ni Tuner at mas lalo ko itong pinaringgan

"Kasi, ako yung nangbuking kay Boss..." Sabi ni Tuner at nagulat nalang ako pero hindi parin ako nalabas sa kwarto

"Ano!?" Sabi nung katabi niya

"Teka wag kang maingay baka may makarinig sayo.." Sabi ni Tuner at napanganga nalang ako, anong ibig niyang sabihin!?

"May nagbayad sakin... 1million kanina niya lang ako binayaran dahil binuking kona si Boss" Sabi ni Tuner

"Teka bakit mo yun ginawa?" Sabi nung katabi niya at mas lalo pa akong nagulat, ibig sabihin tinraydor niya ako! Hayop siya

"Sayang yung 1 million pre, babalatuhan nalang kita.." Sabi ni Tuner at lumabas na ako ng kwarto na kunwaring walang narinig

"Anong pinaguusapan niyo?" Sabi ko at nagulat naman silang dalawa

"Ah wala po boss, kinukwento ko lang po yung pamilya ko sakanya.." Sabi ni Tuner at tinaasan ko kang siya ng kilay

"Ah really?" Sabi ko at dinukot ko yung baril sa bag ko, fake baril lang toh para lang naman takutin sila

"Get out!" Sabi ko at sabay tutok sakanya ng baril at agad silang nataranta

"Boss bakit po!?" Sabi ni Tuner at gigil na gigil ako sakanya

"Nagtatanong ka pang traydor ka! Ikaw lang pala ang nangbuking sakin, ngayon sabihin mo sakin kung sino ang nagutos sayo!" Sabi ko at nakatutok padin sakanya yung fake baril at mahigpit ang pagkakahawak ko sakanya

"Ah eh boss hindi ko po alam!" Sabi ni Tuner at kinasa ko na yung baril barilan para mas lalo siyang takutin

"Tarantado! Anong hindi mo alam huh!?" Sabi ko at sabay sapak sakanya hanggang sa dumugo ang kanyang ilong

"Promise hindi kopo talaga alam! Inaamin ko oo pero mukha lang ang nakita ko! Hindi niya sinabi pangalan niya!" Sabi ni Tuner, kinuha ko cp ko at sinubukang ipakita ang isa isang picture ng red velvet

AIWAG BOOK 2: FIGHT FOR USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon