Masaya Ka Ba Talaga?

3 0 0
                                    


Sa loob ng apat na kwadradong silid
Makikita mo akong tahimik na nagmamasid
Habang kayo'y magkakasamang tumatawa
Ako'y napapaisip, "Masaya ka ba talaga?"

Sa iyong  mga mata'y hindi matatanggi
Mga problema ay pilit mong niwawaglit
Sa tamis ng iyong mga ngiti
Nasisilayan ko sa likod nito'y may pait

Mga biro ay pilit mong tinatawanan
Lungkot sa pagkatao mo'y nais sapawan
Pagkat bigat ng iyong pinagdadaanan
Ay ayaw mong lumitaw sa harap nino man

Hindi mo mailabas pagkat di mo mabigkas
Ang nararamdaman ay hinayaan na lamang na lumipas
Dahil wala namang tunay na makakaintindi
Pagkat tamang salita'y di mahanap di masabi

Nais nilang malaman ang iyong hinaing
Ngunit wala ni isa ang nais makinig
Sino ba ang tunay, sino ang hindi?
Sino ba sakanila ang makakakita sayo sa dilim?

Nagtataka ka kung pano ko nalaman?
Isa lang ang masasabi ko, "Kaibigan, hindi ka nag-iisa"
Dahil tulad mo may kung ano din akong dinadamdam
Ngayon ang tanong ko, "Masaya ka ba talaga?"

Bakit di mo ipakita upang kanilang malaman
Wag kang magpanggap dahil di katalaga nila maiintindihan
Wag mong isipin na wala nang may pakealam
May mga kaibigan ka pa na tunay mong makakapitan

Ilabas mo lang ang tunay mong nararamdaman
Upang dibdib mo naman ay gumaan
Wag kang magtago sa maskarang yan
Bago ka pa lamunin nang iyong kalungkutan

Muli aking kaibigan
Masaya ka ba talaga?
Korni man na pakinggan
Pero narito pa naman ako na pwede mong sandalan

Bago pa mahuli ang lahat
Bago mo makalimutan kung sino ka talaga
Paalala: Itigil mo na ang pagpapanggap
Dahil darating din ang araw na sasaya kang talaga.

LiteraturaWhere stories live. Discover now