Pangako

0 0 0
                                    

Nangako ako na kailanman sayo'y hindi mahuhulog
Nangako ako dahil alam kong puso'y madudurog
Ngunit sadyang mundo'y mapaglaro
Maging ang tadhana tayo'y sadyang pinagtagpo

"Pangako hindi kita sasaktan"
"Pangako hindi kita iiwan"
Ang sarap sa pakiramdam
Nung saki'y binanggit mo yan

Pangako sa sarili'y napako
Dahil sa sarili ay nagpatalo
Pagmamahal nga nama'y ginagamitan ng puso
At utak para hindi matukso

Pangako ikaw lang ang mamahalin ko
Sapagkat ikaw na ang naging mundo ko
Pangako sayo ay magiging tapat ako
Dahil puso't isip ko ay sa iyong iyo

Nakalimutan ang sarili para sayo
Kasiyan mo ay kasiyahan ko
Problema mo ay problema ko
Ngunit ano ang akin na inangkin mo

"Pangako hindi kita sasaktan"
Pero bakit nararamdama'y di maintindihan
Masaya ako para sa iyong lagay
Ngunit sa aking kinatatayuan di ako mapalagay

Oras at atensyon ko'y inalay sayo
Walang natira para sa kaibigan at pamilya ko
Pagmamahal at lahat ay iyong iyo
Wala nang natira para sa sarili ko

Hindi ako sasaktan
Ngunit ano itong nararamdaman
Nasan ang ipinangako mong pagmamahal
Maging oras at atensyon mo'y di na kayang ibigay

"Pangako hindi kita iiwan"
Bakit ngayon ika'y nasaan
Ako'y balak mo pa bang balikan
O iwan nalamang sa basurahan

Nagtanong sa sarili
Ano pa ba ang kulang
Ako ba ay nagkamali
O sadyang tayo'y pinagtagpo lang

Ngayong wala ka na
Sarili ay di makilala
Sapagkat ikaw ang dahilan
Kung bakit sarili ay nalimutan

Nangako ako na kailanman sayo'y hindi mahuhulog
Ngayon puso ko ay durog na durog
Ngunit sadyang mundo'y mapaglaro
Maging ang tadhana tayo'y sadyang pinagtagpo

Naniniwala akong may dahilan ang ating pagtatagpo
Maging kung bakit tayo ay pinaglayo
Pangako, hindi na ako mahuhulog sa maling tao
Pangako, hindi na ito muling mapapako
Huwag lang tayo muling magtagpo.

LiteraturaWhere stories live. Discover now