Nanunuyong mga labi
Dila ay di makasambit
Lalamunang sabik
Uhaw ay di mapawiMga tengang nakatakip
Ingay ay sinisira ang pandinig
Kelan matatahimik
Sa kapayapaan ay sabikMga matang luhaan
Atensyon ay kung saan saan
Di makita ang daan
Buhay ay nasaan?Pipi bingi bulag
Sanay mangyari nga
Puso ay kay bigat
Sa hirap ako'y susuko na