17

300 7 4
                                    

DONGHYUCK

   Today is the day, ajujuju. Magkikita kami ni Mark after 1 month ng hindi namin pagpapansinan. Kahit parang masyadong mabilis ang lahat para sa akin ay haharapin ko ang bagong umaga kasama si Mark Lee, cheret.

3:30 na at 5pm pa kami magkikita ni Mark, oo na excited na ako! Em so kinikilig kasiii. Jusq! Weyt backread lang ako sa mga convo namin ni Mark, nabobored na ako eh. Pongena, ang sarap siguro ni Mark este maging jowa ni Mark. Saan kaya kami magdi-date?

"Ginagawa mo?" napatalon ako nang marinig ko ang boses ni.... Jaemin. Wtf! Bakit nandito ang baklang to?

" Bat ka nandito?" tanong ko sabay irap kaya inirapan niya din ako, sarap sabunutan.

"Kanina pa ako nandito duh!" arte, palamon ko sya kay Jeno eh.

"Lumayas ka na dito, may pupuntahan ako mamaya. Dun ka nalang kay Jisung"

"Magkasama si Jisung at Chenle, pumunta sa amusement park" wow naman ang mga batang to, lagi nalang magkasama.

"Kay Renjun o kaya kay Jeno"

"hindi kami bati! Si Renjun kase huhu"

"Basta umalis ka nalang dito, bahala ka kung san ka pumunta!" kahit naaawa ako sa baklang 'to hindi ko pa rin sya sasamahan!

"San ka ba kase pupunta at bihis na bihis ka pa." tanong niya

"May date kami ni Mark." nashookt naman ang ati nyo, hindi niya pa kasi alam ang tungkol sa pagbabati namin ni Mark.

"Okay na kayo? Oh yeah obviouslyyy" parang timang sinagot din yung sariling tanong.

"May date kami kaya layas na!4:33 na oh!"

"Kwento mo muna sakin pano kayo nagbati?"

"Bukas ko na ikukwento!"

"Damot, hays pupunta na nga lang ako kay Jungwoo hyung."

"Mabuti pa nga" hayy, buti naman at umalis na siya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto at hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Mark hyung.Excited na ako mga besh.

Napatakbo ako agad sa pintuan nang marinig ang mahinang katok niya, poor kami eh wala kaming door bell. Hayaan niyo papalagyan namin yan soon.

"Uy Mark hyung,nandyan ka na pala" kengena, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Yes,tara na?" then he smiled sweetly. Gosh!

Nang makasakay na kami sa kotse-- jowk naglakad lang kami papunta sa bus station, wala pa kasing lisensya si hyung hahaha.Akala ko ay sasakay kami sa bus ngunit bigla siyang lumiko kaya sumunod ako.

"Saan ba tayo pupunta hyung?" tanong ko.

"Secret" I heard his cute chuckle.

"Secret secret ka pa dyan."

Naglakad pa kami ng ilang metro hanggang makarating kami sa isang park. Well, lagi akong pumupunta dito kaya nagtataka ako kung bakit dito. Bakit nga ba dito?? Medyo nadisappoint ako pero hindi ko pinahalata.

"I know curious ka kung bakit dito." he smiled."Alam mo bang special sakin ang lugar na 'to?"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa may swing. Umupo kami sa magkatabing swing habang hawak hawak niya pa rin ang kamay ko.

"bakit naman special tong lugat na to para sayo?"

"This is the place where I saw someone for the first time and made my heart beat so fast." luh sino yun? Selos na kooo. "I don't know but I got really curious about that guy, I saw him sat on this swing while looking up to the sky. I watched him every sunset,because I noticed that he really loves sunset."

Tahimik lang ako at nakikinig sa kwento niya. Bigla ko namang naalala yung mga panahon na lagi akong malungkot dahil ayaw akong suportahan nila eomma sa pangarap ko. Ang maging sikat na singer.Lagi akong nagpupunta dito para mabawasan ang lungkot ko.

"I followed him almost everyday and saw him auditioned on a company where Johnny hyung is also a trainee. I also want to join so I convinced my parents, after convincing them Johnny hyung helped me."

"sino ba yan?" medyo naiirita na ako ah, pwede bang mag-assume na ako yun?

"He's Lee Donghyuck" nagulat naman ako dun, omgeee enebe. So kilala niya na ako noon pa lang? " naalala mo noong una kitang chinat?"

"Syempre naman, wrong send ka nun diba?"

"Hindi talaga ako na-wrong send nun, that's the time where I finally knew your name. I don't know what to say that's why I pretended that It was a wrong send." napaka korny ni Mark Lee.

"Ang panget ng naisip mo eww, homework homework ka pa nun eh. Pwede mo naman akong kausapin in person hahaha"

Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano. Bumili pa kami ng foods. Ang saya saya namin habang nakukwentuhan nang dumating si...

"Mira" sabi ni Mark.

"Mark,pwede ba tayong mag-usap?" parang naiiyak na si Mira saka tumingin sa akin "yung tayong dalawa lang"

"haler, ako kasama ni Mark" pero siyempre di ko sinabi yun. Tumahimik lang ako at lumingon kay Mark.

"Okay lang hyung, hintayin na lang kita dito." kahit labag sa kalooban ko ay pinayagan ko siya. Bakit ba naman kasi biglang umepal tong Mira na to.

"Wait for me okay? Diyan ka lang"

Kaya naghintay ako...pero hindi sya dumating.

Walk you home[MarkHyuck]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon