11

264 13 3
                                    

           
Happy Halloween!🎃
----------------

       DONGHYUCK

OMIGAS! bakit ba ang dilim dito? sobrang dilim huhu 〒_〒 Bakit ba kasi ako sumama sa mga 'to?

"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

tangina, basag na eardrums ko! Nagkamali talaga ako ng landas na tinahak. Ang sakit sa tenga ni Chenle, kanina pa kasi siya sigaw ng sigaw eh.

"ang sakit mo sa tenga at pwede ba wag mong hilain yung damit ko" sabi ni Jisung kay Chenle, nakakapit kasi si Chenle kay Jisung na parang tuko. Ayan! Siya nagyaya tapos siya itong takot na takot.

Curious ba kayo kung nasan kami? Alam kong curious kayo kaya hindi ko sasabihin. Jonks. Nandito kami sa loob ng horror house. May halloween party kami ngayon at may kung ano-anong chenes kaya naman ay naisipan ng isang dolphin na pumasok sa horror house dahil halloween naman daw.

Buti pa si Chenle may makakapitan :'( Kapit din kaya ako kay Jisung?

"Pongenaaaa!!!" napatili ako nang may multong nanggulat sa akin. Sa sobrang gulat ko ay muntik na akong maihi kaya naman ay hinila ko ang multong nanggulat sa akin at sinabunutan ito. Langyang multo, papatayin ata ako.

Kinabahan naman ako dahil hindi ko na marinig ang tili ni Chenle at hindi ko na makita si Jisung sa tabi ko. Huhuhu nasan silaaaaa?

Pano ako? Isa...dalawa...tatlo..takbo!
Hinabol ako nung multong may kutsilyo sa noo kaya naman ay mas binilisan ko pa ang takbo ko halos madapa na nga ako sa sobrang bilis ng takbo ko pero hindi ko pa rin makita ang pinto palabas nitong lecheng horror house na to.

*BLAG*

Napaupo ako dahil sa lakas ng pagkakabunggo ko sa isang tao, tao nga ba? multo kaya ito? Pag-angat ko ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Si Mark!

"Donghyuck?" gulat na tanong niya. Emeged! Di na ako matatakot sa mga multo ajujujuju.

"M-mark hyung ikaw pala, anong ginagawa mo dito? Nakikipaghabulan ka din ba sa mga multo?"

"nope, Lucas and I entered this horror house together para itry pero hindi ko na siya makita"

" Baka naging multo na rin, haha"

" Maybe, ikaw mag-isa ka lang?"

"hindi, nawala din bigla sila Jisung at Chenle."

"Oh, labas na tayo dito."

"Mabuti pa nga, hindi ko kasi mahanap ang daan palabas"

"Let's go!"

Hinila na ako ni Mark hyung palabas ng horror house. Habang tinatahak namin ang daan palabas,napansin ko na hawak niya ang kamay ko. Bigla akong kinilig, shems baka himatayin ako bigla sa kilig. Nakatingin lang ako sa kamay namin na magkahawak. Ihhhhhhhhhhhhhh enebe.

Sana di namin mahanap yung daan palabas para magkahawak na lang yung kamay namin forevah! Pero walang forever kaya nahanap agad ni Mark hyung ang daan palabas.

Pagkalabas namin ay napansin niya siguro na magkahawak ang kamay namin kaya bigla niya itong tinanggal. Ouchie.It hurts.

Tumingin siya sakin at ngumiti. Uwu uwu (♥ω♥*) Ang cute niya talaga. Baby di na ako galeeeett.

"Let's try the photo booth." nagulat ako dahil si Mark hyung ang nagyaya. Pero sino ba ako para tumanggi diba? Kaya tumango na lang ako at sumunod sa kanya papunta sa photo booth.

Sa loob ay may design na pang halloween, malamang kasi halloween ngayon! Tanga naman Lee Donghyuck.

Tumapat kami sa kamera at nag-umpisa na magpose ng kung anu-ano.
Umakbay sa akin si Mark hyung kaya napatitig ako sa kaniya sakto naman at nagclick ang camera.

Pagkakuha ng mga pictures ay tig dalawa kami. Nasa akin ang picture na naka akbay siya sa akin at nakatitig ako sa kaniya. May picture na kami!

Pagkatapos nun ay nagpunta pa kami at tinry ang iba't-ibang booths. Ang saya naman ng halloween ko! Ahihihi.

"Salamat Mark hyung"

Walk you home[MarkHyuck]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon