Habang may kinakalikot ako sa phone niya, napansin kong natitig pa rin siya sa akin kaya bigla na lang akong nailang. Ganito ba ako kaganda para titigan niya ng ganito? O sadyang may dumi lang talaga sa mukha ko?Hala! Baka may lumabas na kulangot mula sa ilong ko!
Nakakapraning naman 'to! Required ba talagang tumingin ng matagal?
"Stop staring" Asik ko sakanya nang diko na mapigilan ang sarili ko pero napakunot lang ang kanyang noo.
"Bakit? Masama bang tumitig?" Sagot niya naman habang nakakunot parin ang noo.
Naku naman! Hindi niya ba naiisip na nakakailang yon? Tsaka antigas ng ulo! Di parin inaalis yung mga mata niya sa mukha ko! Feeling ko tuloy artista ako.
Charot.
"It's just nice" Wika niya pa pagkatapos ng ilang segundong pananahimik niya.
"Ang alin?"
Gulong-gulo na talaga ako. Anong nice naman ang pinagsasasabi nito?
"I like staring at you"
"Maliit na bagay"
Tumawa lang siya sa sinabi ko. Aba, totoo kaya yon.
"Tsaka, come to think of it"
Hinintay ko lang siyang tapusin ang mga sasabihin niya.
"I have experienced a lot just to make you mine. Tapos may kaagaw pa ako"
"Tapos, wala pa akong laban dun sa mga nagustuhan mo. Pero ngayon, heto mag katabi tayo"
"Oh, tapos?" Natatawa kong tanong.
"And now that I have you, I'll never leave you. Just don't leave me too"
Napaamang naman ako sa sinabi niya. At dahil wala nga akong masabi, nginitian ko nalang at niyakap siya ng mahigpit.
Three months ago, I was just reading my textbooks, submitting my homeworks, studying, and everything na ginagawa sa school.
And then two people entered my life, making my heart beat again, and making me confused about my feelings kung sino ba talaga yung gusto ko.
Pero ngayon, the three of us became happy.
Kahit na may kailangang piliin, at may kailangang maiwan at hindi ma pili.
Kasi sa totoo lang, ganyan naman talaga minsan. You just have to accept rejection for you to find your true and own happiness.
And this guy, infront of me, is the guy that I chose to be with after all that confusion.
At hinding hindi ko pinagsisihan na siya ang pinili ko.
A novel written by: Julia_Smith_03
©All rights reserved
BINABASA MO ANG
365 Days
Teen FictionCryzelle's first month in her college life as a sophomore is not easy. And she struggles a LOT. But that didn't stop her from trying and proving everyone that she can do it. Not until two people entered her life and made her fall inlove again. Bu...