Chapter 1

37 0 0
                                    

Cryzelle's POV

"Dalian monang maglinis, nag aantay na sila sa labas" Wika ko kay Shannon na agad namang tumango. Kakasimula pa lang ng pasukan kaya may mga bagong mukha kaming nakikilala at nakakapag halubilo. Ang masama lang, nagkahiwa hiwalay kaming magkakaibigan.

Sumilip ako sa labas ng room at nakita si Andrei at Ylissa na naghihintay dala dala ang mga libro. Kinawayan ako ni Ylissa at pinakita ang susi sa kanyang mga kamay. Na para bang nag papaalam na may kukunin sa locker niya. Tumango nalang ako at bumalik sa room.

Nakakapanibago talaga lalo na't bago ang classroom, pati na rin ang mga kaklase ko. Abala ang lahat sa pag lilinis at ang iba naman ay nag aayos sa mga upuan.

Pumunta ako sa pwesto nila Sandra at agad siyang niyakap. Pumalag naman ang lintik kong kaklase na si Vaughn.

"Wag kang makipag hug dyan Sandra, baka magka rashes ka pa" Sabi naman niya kaya agad kong itinaas ang isa kong kilay at inirapan nalang siya.

Kahit kailan talaga, nakakabwisit siya ng araw. Simula ng unang araw sa klase, napasimangot ako nang malaman na magkaklase kami. Eh paano ba naman, ex siya ng kaibigan kong si Kyla at alam na alam ko ang ugali niya. Mapang asar na ewan.

Pero diko alam kung bakit ngayon lang siya naglakas loob na asarin ako, eh nung sila pa ni Kyla para naman itong bingi na pipi na ewan. Ayaw kasing magsalita at hanggang tingin lang ito sa aming magkakaibigan.

Tumatawa si Sandra nang haplusin niya ang buhok ko. Natuwa pa ata sa biro ni Vaughn na nakakabwisit.

"Ano kaba naman Sandra, bat ka tumatawa? Nakakatawa yon?" Pag tataray ko sakanya. Nakita ko naman si Vaughn na tumatango tango. Ngunit binalewala ko lang yon. Umiling si Sandra at itinaas ang dalawa niyang mga kamay na para bang sumusuko.

"Mabuti naman" Mataray na sabi ko at sinamaan ng tingin si Vauhhn. Pabida. Kala mo naman gwapo. Slight lang, no!

Patuloy lang ako sa pagyakap kay Sandra nang bigla niya akong tinapik.

"Maglinis ka din" Turo nito sa mga bintana.

Itinaas ko naman ang isang kamay ko na may hawak na basahan.

"Tapos na. Gusto mo ikaw din?"

"Wag na, baka pumangit pa mukha ko kasi ikaw yung naglinis"

"Pangit ka naman talaga, inborn na yan!"

Pilyong tawa lang ang ginanti nito sa akin. Buti nalang pinayagan na kaming lumabas sa room. Kung hindi, baka mapikon na ako sa kanya at diko na mapigilan ang sarili ko.

Magkasama naman kami ni Shannon na pumunta sa locker niya para iwan yung ibang mga libro niya doon at pagkatapos ay pinuntahan na namin ang iba pa naming mga kaibigan.

Sa araw na ito, nalaman kong mababait naman pala yung mga nasa first section. First time ko kasing mapabilang sa section na to e.

At ayun nga, nakilala ko naman si Jean. Sumasabay sa trip at masayang kasama.

Habang umuupo naman ako sa bench, tanaw na tanaw ko si kuya na naglalakad patungo sa Gym. At tsaka ko lang naalala na may laro pala sila ngayon sa basketball.

"Hindi ba kayo manonood ng laro?"

"Plano ko ngang pumunta sa Gym eh" Si Mary

"Sama ako" Sabi naman ni Shannon

Nagpaiwan naman si Ylissa at Andrei sa bench. Naku, sa aming lahat, silang dalawa lang talaga yung magkasundong magkasundo. May mga sariling sikreto nga yang mga yan e. Ayaw naman i share. Napakadamot sa chismis.

365 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon