Cryzelle's POV
"Uy, tingin sa likod" Tumingin ako kay Shannon na ngumingiti ng nakakaloko at tumingin sa likod gaya ng sabi niya.
Nakita ko ang lalaking nagku-kumpleto ng araw ko. Kakalabas lang namin sa room at nadatnan si Kieth sa labas ng room namin habang ngumingiti sa mga tropa niya. Na e-expose ang dimples niya sa tuwing ngumingiti siya at nakakadagdag yun sa kagwapuhan niya.
Who wouldn't fall inlove with that kind of smile?
Ngumiti nalang din ako at bumaling kay Rizel na nakahawak sa braso ko.
"Ayun nasa labas ng room. Pero sino ang hinihintay?" Nawala ang ngiti ko ng dahil sa tanong niya at sinagot ito.
"Si Janika" Malumanay na sagot ko kaya agad naman siyang bumuntong hininga. Nauuna ang ibang mga kaibigan namin at kaming dalawa ang nasa huli kaya malamang ay hindi nila kami maririnig.
"Pero okay lang yon" Wika niya pa.
Kieth is an inspiration and my crush since last year. Nakuha niya ang atensyon ko nung nagpre present sila ng Math jingle. Hindi naman kasi maitatanggi na gwapo siya lalo na kapag ngumingiti.
Tapos ayun, namalayan ko nalang na nag iistalk at ngumingiti na ako kapag nakikita siya at kumakabog ang dibdib ko pag malapit siya.
Magkaklase si Rizel, Janika at Kieth last year kaya panay tanong ako kay Rizel about Kieth kaya madami akong nalalaman sakanya. And that includes Keith's crush. Janika.
Sabi ni Rizel, may naging crush si Kieth for many years, si Belle. Kaso nagulat nalang sila nung kalahati ng schoolyear nalaman nilang si Janika na pala ang crush niya.
"Mutual ang feelings nila Janika at Kieth, manliligaw na nga daw sana si Kieth kaso ayaw pa ni Janika na magka boyfriend." Dagdag pa ni Rizel.
May kung anong kumirot sa puso ko nang sabihin niya yon. Hindi na kataka taka kung magkagusto din si Janika kay Kieth. Bukod kasi sa mukha nito ay di siya tulad ng ibang lalaki. Di nag cu-cutting at grade conscious. Matinong lalaki si Kieth.
Bumuntong hininga si Rizel. Alam niya atang hindi magandang pakinggan ko ang impormasyong yon galing sakanya lalo na't alam niyang may feelings ako kay Kieth.
"Pero okay lang yon" Wika niya pa at nilagay ang kamay niya sa braso ko at hinila ako sa isang upuan sa canteen kung nasaan nandoon ang mga kaibigan namin.
Napaisip ako. Panahon na ata para mawala ang feelings ko kay Kieth kung ganoon naman pala ang nararamdaman nilang dalawa.
Gusto kong mawala ang nararamdaman ko kay Kieth dahil nirerespeto ko ang feelings ng dalawa at wala akong balak na sirain ang kung anong meron sakanila.
I am not desperate when it comes to things like this. Janika deserves Kieth after all.
I should just let go before my feelings becomes deeper and be out of my control.
Nang makaupo ako sa upuan ay agad akong napahawak sa ulo ko. Bukod sa inaantok ako ay sumasakit ang ulo ko sa di ko malamang dahilan.
"Anong nangyari dito?" Tanong ni Ylissa sabay turo sa mukha kong natatae. Sumasakit kasi talaga ang ulo ko at sa tingin ko ay katawa tawa ang mukha ko sa tuwing ganon.
BINABASA MO ANG
365 Days
Teen FictionCryzelle's first month in her college life as a sophomore is not easy. And she struggles a LOT. But that didn't stop her from trying and proving everyone that she can do it. Not until two people entered her life and made her fall inlove again. Bu...