Ikatlong Liham

2 0 0
                                    

Hunyo 2, 2013


Binibining Rosalinda,

  
    Tuwang-tuwa ako nang makatanggap ako ng liham mula sa iyo at nang magbahagi ka ng ilang impormasyon tungkol sa iyong sarili. Ikinagagalak ko ring makilala ka, binibini. Lubos akong natutuwa sa ating pagsisimula ng pag-uusap kahit tayo ay nagsusulatan lamang.

       Ipakikilala ko na rin ang aking sarili sa iyo. Batid kong alam mo na ang aking ngalan kung kaya't magsisimula ako sa aking edad. Ako ay 20 taong gulang na at kasalukuyang kumukuha ng kursong Arkitektura sa Unibersidad ng Rizal malapit sa bayan. Nasa ikalimang taon na ako sa kolehiyo at nananalig na makapagtapos sa susunod na taon. Tulad mo, hilig ko rin ang pagpipinta kung kaya't natutuwa akong malaman na mayroon tayong pagkakatulad. Nahihinuha ko na rin ang posibilidad na magkasama tayong magpinta ng isang napakagandang tanawin. Nakatira ako sa tabing-bahay ng Casa Manalo na pagmamay-ari ng pamilya ni Kapitan Manalo at ang aking ama na si Don Ricarte ay kumpare niya kaya kung minsan ay nagsasalo ang aming pamilya sa kanilang hapag at gayundin sila.

       Binibini, mayroon akong magandang balita. Kaibigan ko ang isa sa mga tauhan sa publikasyon ng Vilan at mataas ang kanyang katungkulan doon. Kung nanaisin mo ay maaari nating ilathala ang mga nagawa mong dagli sa iyong kuwaderno. Nais kong tulungan kang matupad ang iyong pangarap. Sulatan mo ako agad kung pabor sa iyo ang aking alok. Huwag kang mag-alala, wala akong hinihinging kapalit, sadyang gusto ko lang tulungan ang aking napakagandang bagong kaibigan.

Nagnanais,
Bernardo

PS.
Maaari ba kitang imbitahan na makasama sa pagpipinta ng tanawin na nais mong iguhit?

Nagmamahal, RosalindaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon