Ikalimang Liham

2 0 0
                                    

Hunyo 5, 2013

Binibining Rosalinda,

          Hindi ko mawari ang mga salitang aking nais sambitin dahil sa sobrang pagkagalak. Nararamdaman ko na ang unti-unting pagpunit ng aking labi sa kakangiti habang sinusulat ko ito. Nasasabik akong makasama kang magpinta sa napakagandang tanawin ng Wawa. Tunay na maganda ang tanawing mayroon ang lugar na iyon. Inihanda ko na ang aking mga materyales sa pagpipinta na maaari mo ring gamitin, binibini.

         Naitanong ko na kay Mando kung saan ang inyong tahanan at napag-alaman kong kayo ang nagmamay-ari ng Hardin ng mga Rosas na kilalang-kilala sa buong bayan ng San Jose. Binibini, asahan mo aking pagdating sa inyong tahanan bukas ng umaga upang sunduin ka't maipagpaalam sa iyong mga magulang. Bagaman hindi mo pa ako nakikita dahil hindi mo ako napansin noong kaarawan ni Mando ay handa pa rin akong magtungo sa inyo upang magpakilala ng personal sa iyo at iyong magulang bilang isang mabuting kaibigan.

          Maraming salamat sa pagtanggap ng aking imbitasyon, binibini. Hindi na ako makapaghintay na sumapit ang kinabukasan upang ika'y aking muling makita.

Nasasabik,
Bernardo

Nagmamahal, RosalindaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon