8.

56 0 0
                                    

----------------------------------------------------

chapter 8- Patrick Dela Cruz

----------------------------------------------------

Sedric's POV

Si Mae kahapon napansin kong palagi tulala at may tinitignan. Yung.....

lalaking nakavarsity jacket at salamin.

sino naman kaya yun? bakit tinitignan niya? akala ko ba ako ang gusto niya eh bakit niya tinitignan yun? tss. nagseselos ako!

"Huy pre! kanina ka pa tulala diyan ah? ano naman iniisip mo diyan?" heto na naman po si Jian ang dakila kong karibal 

"Wala...." sabi ko  

"Si Aimee ba iniisip mo?" Aimee? ahh.... 

"Si Mae? oo siya nga. bakit?" bakit kasi Aimee? hindi tuloy ako sanay. parang magkaibang tao yung pinaguusapan namin. 

"Wala naman...hindi ka pa rin na amin di ba? ang hina mo naman pare!" aba! yabang nito ah! 

"Hoy! yabang mo! aamin rin ako, naghahanap lang ako ng tamang timing! tsk." oo tama! timing lang.. masasabi ko rin ang lahat sakanya.  

"Sus! pa timing timing pa! eh paano kung maunahan ka pa ng iba diyan? sus! lagot ka na! kawawa ka naman!" sabay alis niya. ano ba yun! bastusan! matapos magsabi ng kung ano ano lalayasan lang ako. lokong yun ah!

"Ok.. get a 1/4 yellow pad for the quiz."

Ay! Hala! may quiz..

"Lamae! penge ako..." napatingin ako sakanila nung marinig ko ang pangalan niya..

paano nga kaya kung may mauna na sa akin? paano kung may manligaw na sakanya? kayanin ko kaya?? tss. inaatake ako ng katorpehan ko ehh...

hindi ko kayang mawala siya sa akin... hindi....

Laira's POV

naman! it's another day in school. makikita ko na naman pagmumukha niya! buti sana kung yung lalaking nakasalamin at varsity jacket ehh......

HUH?!?!?!?!? sinabi ko bang buti sana kung siya na lang??? HMMMM..... teka nga, palagi kong sinasabi na lalaking nakavarsity jacket at nakasalamin..

eh kagroup ko naman yun. teka... bakit hindi ko alam pangalan nun? adik naman eh! matanong nga.

"Uy essa..." bulong ko 

"ohh?" bulong din niya.

ano ba kayo.. nasa klase kami kaya ganun..

"ano pangalan nung lalaking nakasalamin at varsity jacket na kagroup naten?" tanong ko 

"ha?? hindi ko alam.. hahaha! alam mo naman ako hindi rin nakikinig kapag may mga ganyan nagpapakilala.. parang ikaw lang. kaya nga tayo kambal di ba? haha!" aba't ang luka! dinamay pa ako.. 

"oo na. nandamay ka pa ehh.. pwede mo namang sabihin na hindi mo na lang alam. pinahaba mo pa eh.. luka talaga!" sabi ko.  

"hahaha! ganun talaga kambal...." sabi niya. grabe naman! ay! kay Tonie ko na lang itatanung mamaya.

after ng class..

"uy Toniieeee!!!! may tatanung ako sayo..."  

"ano yun?" 

"ano pangalan nung lalaking katroupe natin na palaging nakavarsity jacket at nakasalamin????"  

"nakavarsity jacket at nakasalamin????"  

"ahuh..." with matching pagtango tango pa... habang si Tonie naman nagiisip pa...

"AHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ALAM KO NAAAA!!!!!!!!!!!!!!!"

"grabe! maka-sigaw ah!?!?!?!?!?!!?!?! oh ano?!?!??!?!"

"siya si....."

"si????"

"Patrick Dela Cruz"

=================================

AJENG! ;P

ano naman kinalaman ni...nino daw? Patrick Dela Cruz?? yun nga... sa istoryang ito??

ABANGAN........

[ a/n: sorry guys! yan lang muna. nabulabog ang lovelife ko eh. haha! picture ni Patrick on the side. hindi varsity jacket suot niya e at tsaka mas gwapo siya pag walang salamin. haha. :D VOTE! COMMENT! ^____^ ]

classmate, text mate then...secret lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon