6.

71 0 0
                                    

---------------------------------------

Chapter 6- things change

---------------------------------------

"If you love someone, tell them, because hearts are often broken by words left unspoken.."

Sedric's POV

Goooood mooorniiing!!!! Ang bilis ng araw at monday na naman. haist. dalawang araw ko rin hindi nakausap si Mae ah? Namiss ko tuloy. Matext nga yun.

To: Mae <3

good morning mae! ingat k! =))  

misu.:*

---end---

Send

Haist. Umamin na kaya ako sakanya? Hmmm... kaso baka naman lalo siyang umiwas sa akin. tsaka yung friendship namin baka mawala, yun na nga lang meron kami ngayon e. haist. ano kaya gagawin ko? tsk. matanong na lang sina Jian.

8am sa school.

"Jian!"  

"Uy pre! bakit?"  

"May tatanong lang ako pre!" 

"Ano naman yun?" sabay akbay sa akin. 

"Aminin ko na ba sakanya?"  

"Na?" 

"mahal ko siya?"  

"Sino?" 

"Tae mo pare! Si...ano...." takteng Jian to! nagka-amnesia ata?!?! hindi na natandaan yung sinabi ko nung friday. 

"Sino?"  

"Potek! Pare naman! Ginagago mo ba ako?" at humiwalay na ako sa pagkakakbay niya sa akin.  

"Hindi. Mukha ba kitang ginagago? eh hindi ko nga maintindihan yang mga pinagsasabi mo e." siya habang seryoso talaga yung mukha. ok ok! mukhang totoo naman yung sinabi niya. 

"Yung...takte! Aamin na ba ako kay Mae na mahal ko siya?" pabulong kong sinabi 

"AHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" grabeee! megaphone naman boses netong lalaking to eh. nakasigaw pa! pinagtinginan tuloy kami. 

"Baliw naman neto eh! Makasigaw! Pwede naman pabulong na lang...ano na?" tanong ko sakanya.  

"Alam mo pre...natotorpe ka na naman!!! umayos ka nga! sabihin mo na kaagad! malay mo maunahan ka pa ng iba diyan eh!" sabi niya 

"sarili mo ba tinutukoy mo??" deretso tingin ko sakanya. 

"pwede rin." seryoso niyang sabi 

"loko ka! may the best man win na lang kung sakali!" sabi ko  

"lul! hindi ka pa nga na amin eh, paano niya malalaman? baliw ka ba?!?" sabi niya na parang galit pa siya.  

"tsk. eh at least tayo alam natin na tayo yung magkaribal!!" sabi ko 

"sus! panget! tayo lang nakakaalam...eh paano yung pinagaawayan natin? walang kamalay malay? topak neto!" sabi niya habang nagtetext. Loko to! di maintindihan kung seryoso o anu na. 

"pero sabagay..." sabi ko. may point naman siya. kahit kelan talaga tong lalaking to!

"Aimee!"

Huh?!?! Sino naman yung tinawag nitong si Jian?!? parang wala naman kaming classmate na Ai.....

"Mae?!"

"Uy! Goodmorning sa inyong dalawa! bakit nandito pa kayo sa labas? 8:10am na ah? wala pa ba si Prof?" tanong niya. So siya si....... 

classmate, text mate then...secret lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon