9.

48 0 0
                                    

------------------------------------------

chapter 9- crush

------------------------------------------

on that same day.....

Laira's POV

"Patrick Dela Cruz..."  

"hoy! ano ba yan!?!? kanina mo pa sinasabi pangalan niyan ah!?!? problema mo!?!" ay! makasigaw naman tong si Mia akala mo naman ang layo layo ko sakanya... at tsaka nagmomoment pa ako dito ohh...

pero teka...

oo nga noh... kanina ko pa nga ata binabanggit yung pangalan niya.....

"anu?!?! natauhan ka ha? ito! kanina pa Patrick Dela Cruz! Patrick Dela Cruz! umpog kaya kita kay Patrick Dela Cruz! a'a ka ehh!!!"

grabe naman! galit agad tong si Mia..

"Oo na! Easy ka lang! galit agad? selos ka lang eh. eh di babanggitin ko din pangalan mo! Mia Gonzales! Mia Gonzales!! oyan ha!!" 

"tss. hindi ko naman sinabi na sabihin mo din pangalan ko e. ang akin lang pwede pakitigilan ang pagsasabi ng pangalan nun? nakakatulig eh!!!" galit niyang sinabi. 

"Hahaha! oo na...galit ka na talaga ehh...pero nacurious talaga ako sakanya. ewan ko kung bakit...tsk tsk." 

"eh bakit nga ba?" tanong niya... teka.. bakit nga ba!?! nakow! Laira Mae...  

"ahh.....ehhh......hehehehe. kasi ganito yan eh.. kahapon kasi habang computer lab at tulala ako. biglang nag pop out siya sa isip ko... tapos ayun... bigla ko siyang nakita ulit kahapon...eh nung dati, nakita ko na din siya. tatlong beses pa nga...tapos ayun....hahahaha!" 

ang weirdo ng kwento ko eh. naintindihan naman kaya nitong babaeng to yung kinwento ko??? 

"ahhh....so??? eh ano naman ngayon kung bigla siya nagpop out sa isip mo? hindi ko gets..." sabi na nga ba!  

"ako rin eh! hindi ko din gets... parang...nacurious ako sakanya...hahhaha! ay ewan!" ang gulo noh?? ako rin naguguluhan na tuloy... 

"baka naman soulmates kayo???"  

"huh?!?!?" kami ni Mia

pagtingin namin dun sa likod kung saan namin narinig yung nagsalita.

"kabayo ka Harry!!!" sabi ko 

"oh bakit?"  

"bigla bigla kang sumusulpot eh!!!!" sabi ni Mia  

"diba dapat kabute yun?"  

"eh expression ko yun kabayo ehh bakit ba?!?!?!?" sabi ko. kalokaa tong lalaking to! 

"bat ka ba andito?" tanong ni Mia. talaga to. taray forever!  

"wala. bakit masama?"  

"oo! nakikinig ka sa usapan ng iba eh!" ako. totoo naman! 

"eh ano ngayon? hindi ko naman ipagkakalat! sino ba yun biglang nagpop out sa isip mo Laira?" tignan mo to! tsismoso pa! 

"wala! mind your own business dre!" sabi ko.  

"ayaw ko ngaa! sino nga kasi yun?" aba't talaga namang! 

"tsismoso mo! umalis ka nga!" ohh.. nakalimutan kong I'm with my superbessy na super taray din like me minsan. hahaha!  

"sungit neto eh! problema mo?!?!" 

"IKAW!!!!" oopsss! I smell war men! 

"HOY!! kayong dalawa!! excuse me ha? andito ako.. pwede wag kayo mag away at magsigawan diyan...soos! osigee. ganito.. Harry, si Patrick Dela Cruz po yung pinaguusapan namin kanina. ok na po ba? kaya shupi ka na!?!? shooo!!!" pag taboy ko sakanya.  

classmate, text mate then...secret lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon