Unang Kabanata

16 2 0
                                    

Martes ng umaga,

"Nagmumukmok ka na naman" walang pasabing singhal saakin ng aking kaibigan.

Tiningnan ko lang siya at bumalik sa aking pagdadalamhati, break na kami ng Remar, at ang dahilan ay pinagpalit ako sa malapit.

"Sabi ko kasi sayo, hindi nagwowork ang LDR, maghanap ka kasi ng boylet dito sa school para alam mo ang mga kilos at galaw" sabi niya ulit.

Hindi pa rin ako kumibo dahil syempre broken pa, at pagod din akong makipag-usap dahil dinadamdam ko pa ang pag-iwan niya sakin.

"Hoy! Magsalita ka naman! puro ako talak dito tapos di ka naman nakikinig, hello gurl! Wake up! Di ka mahal non!" pagsinghal nya saakin ulit.

Hindi na ako nakatiis at sinighalan ko din sya

"Rodrigo! Tigilan mo ako, kita nang nagsesenti ako dito, putak ka ng putak diyan! Alam ko naman di ako mahal non! kaya nga naghanap ng iba di ba? Tsaka malalagpasan ko din ito wag ka mag-alala"

"Ouchie naman, Vanya! Wag mo kong tawagin sa kadiri kong pangalan, buti pa't Dyosa nalang ang itawag mo saakin, magugustuhan ko pa iyon" diring-diring hinaing niya saakin.

Dahil doon ay natwa ako, pero pagkatapos noon ay nalungkot na naman.

Ang gaga ko kase, sabi nang wag makikipagrelasyon kapag sa facebook eh, ayon ang kulit lang talaga ng puso ko, tapos mabilis pa ako mafall, nakakainis!

Lumipas ang mga oras at natapos din ang vacant time ko, pumasok na kami ni Rod sa mga susunod pa naming klase, magkaiba kase kami ng strand, HUMSS ang gaga at ako naman ay ABM, medyo mahirap pero kinakaya naman. Nasa ika-12 na grado na ako, konting kembot nalang at magtatapos na, sa nga matapos na itong taon na ito para makapagcollege na ako.

Pagpsok ko palang sa room naming ay boses na kaagad ng maingay kong mga kaklase ang naririnig ko, pero isa lang ang nangingibabaw na boses, kay Serene. Ang pinakamaingay sa klase, medyo close ko naman siya, pero hindi gannon kaclose kase kilala siya ditto bilang isang bisexual, ilag ako sa mga katulad niya dahil mali iyon, ang babae ay para sa lalaki lang, hindi naman sa ayaw ko sa LGBTQ pero labag iyon sa pamantayan ng Diyos, kaya lumalayo ako sakanya dahil may mga girlfriend sya, oo "mga" dahil marami naman talagang nagkakandarapa sakanya dito sa school dahil sa cool na at maganda pa, athlete din sya at nakakadagdag pa iyon sa sex appeal niya, masasabi ko ding isa siyang Diyosa, kasi she has the height, beauty and brain, still kahit gannon siya lalayo pa rin ako sakanya.

Dire-diretso lang ako sa aking upuan at naghintay na dumating ang aming guro, kapag ganitong mga sitwasyon ang Gawain ko ay matulog, pero dahil nga sobrang ingay paano ako makakatulog?

Naghintay pa ako ng ilang minuto at dumating na an gaming guro, nagbigay lang siya ng quiz at nagturo na. Lumipas ang oras at uwian na, hindi daw sasabay saakin si Rod dahil may meeting daw ang student council, siya kase an president kaya kailangang andun siya.

Nalalakad na ako pauwi nang may maaninag ako sa isang iskinita na parang ewan, may umuungol ata? Ano yun mumu?

Kinilabutan naman ako at nagpatuloy sa paglalakad, pero di ako mapakali at bumalik ako at umiral ang pagkausyusera ko, pumasok ako sa iskinitang iyon at nagimbal saaking nakita, "F-Fuck Serene" napatakip nalang ako sa aking bibig dahil sa aking nakitang milagro or let's just say kabastusan ng dalawang babaeng umuungol,

Tangina! Di ko alam kung tatakbo ba ako o magtatago para panoorin kung anong ginagawa nila, hello? Live show to mga beshieee. Pero bad sila dahil pareahas sila babae. Hala ang virgin kong mata!

Hindi ko maigalaw ang paa ko paalis, dahil baka marinig nila ako, kaya pinanood ko nalang sila kahit labag sa kalooban ko.

Nang matapos na sila ay nakahinga na ako ng maluwag at akmang aalis na pero may nagsalita sa likod ko.

"Maganda ba ng pinanood mo?" bulong lang ito pero tila nanlamig ang mga kalamnan ko ko. Shit nakita nya ako na pinapanood sila.

Hindi ako sumagot at hahakbang na sana pero, mabilis nya akong pinaharap sakanya, may pang-aasar na tiningnan nya ako sa mata.

"B-Bitiwan mo ako Serene" nanginginig na sabi ko, hala bakit ako nanginginig?

"Sana sumali ka nalang samin, di sana ako naboring, puro ungol lang yun eh" nakangising sabi nya.

Parang may kusa naman ang kamay ko at agad na lumanding sa pisngi niya, napamaang pa siya sa sakit at sinamantala ko naman iyon para makaalis.

"Ang bastos niya" inis na sambit ko habang naglalakd pauwi.

---

"Gabi na" tanging nasambit ko pagkagising ko,nakatulog kasi ako pagkaraing ko kanina, ayokong isipin ang kahalayang nakita ko kanina dahil nakakadiri iyon.

Ako lang pala mag-isa dito sa bahay naming dahil, wala si Mama, isang beses lang siya umuwi sa isang linggo dahil nagtatrabaho siya bilang isang Engineer sa isang kumpanya, kailangan siya doon lagi dahil iilan lang silang engineer doon at siya pa ang head. Ang Papa ko naman ay nasa ibang bansa at nagtatrabaho din sa kumpanya ng aking Lolo dahil siya ang magmamana noon dahil nag-iisa lang siyang anak.

Wala akong kapatid dahil wala nang oras para magkita ang mga magulang ko, nakokompletpo lang kami kapag Pasko o Bagong Taon, nakakatampo pero para naman saakin iyon, para di ako mahirapan, pero aaminin ko kailangan ko din ng magulang na aalgaan ako. Wala naman akong magagawa, ganto daw talaga pag workaholic ang mga magulang, di ko nga alam kung mahal pa ba nila ang isa't-isa, sana mahal pa nila.

Naghanda na ako ng makakain ko, bukas dadating ang tagalinis ng bahay, secured naman sa village na to kahit mag-isa lang ako dito, di sa pagmamayabang pero mayayamang pamilya lang ang makakaafford na tumira dito, ewan ko ba kung bakit hindi dito nakatira si Serene?

Teka, did I just mention her name? Shit!

Pagkatapos kong kumain ay gumawa na ako ng mga homeworks, medyo madami din ito dahil ewan, di naman ako nakikinig kanina, hindi naman sa bobo ako pero tamad talaga ako makinig sa mga lessons, sanay kasi akong home schooling, kaya di din ako sanay makipag interact sa mga tao, introvert kung baga, marahil only child kase ako kaya gaun.

Past 1am na nang matapos ako, nakakapagod pero nakuha ko pang maglaro ng ML, ito lang ang libangan ko maliban sa facebook at twitter, nakailang talo muna ako bago nanalo. Halata namang di ako magaling di ba? Cancer talaga ako pag dating ditto, pero kahit papano nakakabawas siya sa pagkamiss ko sa mgamagulang ko, ang hirap kaya pag mag-isa ka.

Mga ilang oras pa ay nagpasya na akong matulog, may pasok pa pala ako bukas, for sure late ako nito. Pero bago ako matulog ay nagnotif ang facebook sakin.

Serene Evangelista sent you a friend request.


Hala! 

----

Exam namin bukas kaya eto muna. haha

Chased by SereneWhere stories live. Discover now