Hindi ko alam kung papasok ba ako ngayon o hindi, ayokong makita yung manyak na yun. Oo manyak, hindi ko malilimutan yung ginawa niya sakin kagabi.
FLASHBACK...
"Be my girlfriend" pag-uulit niya.
Ako naman ay gulat pa rin, gaga ba sya? Parang ang dali-dali lang ng sinabi niya ah.
"Hoy! Hindi pambayad ang sarili ko at ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala akong utang! Kung ano man ang nangt=yare sayo at sa pagmumukha mo, resulta iyon ng kabastusan mo!" nanggagalaiting sabi ko.
Hindi naman siya kumibo pero matiim pa rin akong tinititigan, yung tipong nakakatunaw. Baka matunaw talaga ako, ang ganda ng mata nya, ang tangos ng ilong, tapos---teka bat ko siya pinupuri?
Pagkaraa'y nagsalita na siya.
"Sabi ng Lola ko, pag di daw nadaan sa mabuting usapan, idadaan nalang sa santong paspasan, I think tama yun para sayo. Ako na nga tong sinaktan mo, ikaw pa ang ayaw magbayad, well bakit nga ba ayaw mo?" tanong niya.
Napaisip naman ako, syempre ayaw ko, straight kaya ako. Di ko pa naimagine na magkakajowa ako ng babae.
'ah talaga ba Vanya?' singit naman ni inner self ko. Ayy wews may inner self pala ako.
"Basta ayaw ko sayo, hindi ka naman kagandahan" sabi ko at humalakhak naman siya.
Mali kasi ang sinabi ko, maganda talaga siyam pero ayoko talaga ng gulo, at isa pa mali ang makipagrelasyon sakanya. At hindi ko sya mahal or gusto, ni crush nga hindi eh.
Tawa pa rin sya ng tawa, baka sinapian na ito. Nakatingin lang ako sakanya tapos biglang nagslowmotion ang pagtawa niya, weird. She's so beautiful, parang musika na sa tenga ko yung tawa niya—erase! Erase!
"Ok ka lang?" tanong ko naman, ayaw pa rin tumigil kakatawa eh
Medyo humupa naman ang pagtawa niya at pinakalma ang sarili niya.
"Seryoso ka? Hindi talaga ako maganda? Bulag ka talaga siguro, hello? Ako na anng nag-aalok sayo na maging girlfriend kita, tapos ayaw mo pa, kung iba yan---
"Eh kaso nga hindi ako iba, ako si Vanya, wala akong katulad at hindi ako papatol sa katulad mo at hinding-hindi ako papatol sa babae. Period. At umalis ka na sa pamamahay ko" pagkasabi ko nun ay natahimik na siya.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa, at nagsimula na siyang maglakad sa may terrace ko sa may bintana kung saan siya dumaan kanina. Pero may sinabi pa siya.
"Kakainin mo lahat ng sinabi mo Vanya, magkakagusto ka rin sakin" sabay ngisi niya bago sya tumalon. May pagkamagnanakaw talaga siya.
ENF OF FLASHBACK...
Actually wala naman kwenta ang mga sinabi niya kagabi, pero yung pinakahuli ay gumulo sa isipan ko, hindi naman kasi iyon mangyayari. Duh, pagputi pa siguro iyon ng uwak.
Napagpasiyahan ko nang pumasok nalang, kung magpapaapekto kasi ako sa mga sinabi niya maaapektuhan din ang grades ko, mas importante ang grades kesa sakanya.
Matiwasay akong nakarating saaming paaralan, at kaagad kong nakasalubong sa hallway si Rod, nakapustura ang gaga, parang may party syang aattendan.
"Bessshhhhhieeeeeee!!!" tili niya nang makita ako, eskanadalosa ang bakla!
"Wag ka ngang tumili para kang butiki" sabi ko naman na ikinatigil niya nagpout pa ang gaga.
"Grabe ka naman Vanya! Butiki talaga? Anyways, alam ko namang di ka pa nakakamove on, pero may chica ako beshie" masayang sabi niya.
Parang di naman magandang chica ang sasabihin niya sakin base sa ngiti niya.
"Ano ba yon?" tanong ko dahil curious din at nahawa na din ako sa pagkatsismosa ng baklang to.
"Pinagkalat ni Serene na may gusto ka daw sakanya, totoo ba yon beshieeeee? Kalahi na ba kita? Waaaaahhhhhh!!!" malakas na tili niya.
Ano daw? Ako? May gusto sa manyak na iyon?
Ilang minutong nagproseso pa saakin utak ang sinabi ni bakla, bago talaga agsink-in ang mga sinabi niya.
"NEVER!" malakas na sigaw ko, napatingin tuloy sakin yung mga dumadaan.
Nakakahiya! Peste talagang Serene yan! Ginulo niya ang mapayapa kong buhay!
"Ay over naman ata ang reaction mo, pwede ka namang sumagot nang malumanay di ba?" may sarkasmong sabi ni Rod.
Nanggagalaiting tiningnan ko siya. "Sa tingin mo ba papatulan ko siya? Eh ayaw ko nga sakanya" sabi ko naman.
"Nako Vanya, ayan yung kasabihang 'the more you hate, the more you love' waaaaaahhh! Akala ko talaga forever single ka na dahil sa Remar na yun, kyaaaaaaaahh" tili niya pa.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya, Never akong magkakagusto sa kapwa ko babae, lalo na kung ang babaeng yun ay si Serene na napakamanyak! At may lahing akyat bahay!
"Tigilan mo nga ako Rod! ang aga-aga nasira na ang araw ko" pagkasabi ko nun ay pumunta na ako sa classroom.
Pagpasok na pagpasok ko ay siya kaagad ang nakita ko at nagkatitigan kami. Ang kanya mapang-asar na titig, sakin ay pwedeng pumatay na titig. Sarap niyang hambalusin promise.
Pero ayaw ko siyang hambalusin, sayang ang mukha eh.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko pero humarang naman sakin ang mga tagahanga niya. Kung minamalas ka nga naman talaga.
"Totoo ba na may gusto ka kay Serene namin?" tanong nang isa na mukha namang palaka.
Hindi na sana ako kikibo pero may follow up question pa ang isa. Ano to defense?
"At sa tingin mo magugustuhan ka ni Serene? Ang panget mo kaya"
"Wala akong gusto sa Serene na yan, atsaka sainyo na siya, wala akong paki sakanya" tahasang sagot ko
"At sa tingin mo maniniwala kami sayo? Di malabong di mo magustuhan si Serene, at ano ang pinapalanbas mo? Na sinungaling si Serene?" sunod sunod na tanong ng isa.
"Isipin nyo na ang gusto nyong isipin pero wala talaga akong gusto diyan sa manyak na yan!" medyo galit na ako nyan, hello? magsisimula na kaya ang klase. Tsaka ang dami-daming problema sa Pilipinas ako pa talaga ang pinagtutuunan nila?
"Aba't sumasagot---
Naputol na ang sasabihin nung isa dahil dumating na ang teacher naming.
Nagsialisan na ang mga palaka, at nakapaglesson ng matiwasay ang guto namin.
Nasa gitna nag pagdiscuss ang lesson naming nang magpapansin ang Manyak.
"Sir, May iaannounce lang po ako sa buong klase" sabi niya naman
Kaya napatigil si Sir sa pagsasalita, ang bastos talaga.
"Ano yun Ms. Evangelista?" sabu naman ni Sir
Huminga muna sa ng malalim tsaka isinuot na naman ang pilya nyang ngiti na kinaiinisan ko sa lahat. Kung lalaki siguro siya marami na siyang nabuntis.
Inaabangan ng buong klase ang announcement niya kaya feeling ko wala naman talagang kwenta ang sasabihin niya.
Kaya aangal n asana ako pero nagsimula na siyang magsalita.
"Sir, May gusto po ako kay Vanya, pero ayaw niya po sakin, tsaka sir ang tawag niya sakin Manyak, pero sir gusto ko po talaga siya, Sir pakisabi naman sakanya na gusto ko siyang ligawan."
Sobrang tahimik ng klase matapos niyang sabihin ang katarantaduhang iyon. Tapos biglang naghiyawan ng 'ayieee' ang mga hinayupak kong kaklase.
"Miss Vanya, kung pwede ka daw bang ligawan sabi ni Serene" mapang-asar pang sabi ni Sir. Lalo tuloy umingay sa classroom.
Tila hinihintay nila akong sumagot. Pero desidido na ako sa sagot ko.
"Hindi ko po siya gusto Sir. So hindi po."