Kinaumagahan ay maganda ang naging gising ko, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Kaya nakangiti ako pagkapasok ko ng classroom pero agad naman nasira ang mood ko dahil agad kong nasalubong ang Dyosa, parang naging alerto ang lahat ng senses ko nang makalapit siya saakin.
"Good morning" masiglang saad niya pero alam kong may lihim na pang-aasar.
Iniwasan ko sya at dumeresto lang saaking upuan, mas mabutin wag ko nalang syang pansisin. Pero mali pala ang ginawa ko dahil umupo sya sa tabi ko.
Anak ng teteng talaga oh!
"Parang nakalimutan mo yata ang ginawa mo sakin kahapon" pagkasabi niya noon ay napansin kong may marka pa ng sampal ang mukha nya. Ganun ba kalakas ang sampal ko?
Umurong naman ang dila ko at di makapagsalita. Ang weird ng dila ko ha, umuurong.
"Hindi ka man lang ba mag-sosorry?" nanggagalaiting sabi nya.
Ako naman ay nanatiling tahimik dahil di ko naman alam ang sasabihin ko. Feeling ko tuloy ang sama ko na.
Lalo pa siyang lumapit saakin, ako naman ay di komportable sa ginagawa nya panay layo ko ng upuan ko sa tuwing lumalapit sya.
"You know, I like you" pagkasabi niya noon ay nagulat ako saka kumunot ang noo ko at tiningnan sya.
"A-anong sabi mo?" mautal-utal kong tanong sakanya.
"Salamat naman at nagsalita ka, ngayon di ka talaga magsosorry? Tingnan mo ang ginawa mo sa mukha ko? Pag nalaman to ng mga tagahanga ko baka sugurin ka nila" pananakot nya.
Nanigas naman ang buong katawan ko sa sinabi nya. Mali pala ang ginawa ko sakanya kahapon, pero self-defense ko yun.
"Self-defense lang naman ang ginawa ko, at wala akong pakilam sa mga tagahanga mo, ang alam ko lang na tama ang ginawa ko" matapang na saad ko dahil alam kong di nya ako titigilan hanggat di ako sumasagot.
Ngisi lang ang isinukli nya saakin, at bumalik na sa kinauupuan nya.
Lumipas ang araw na maayos naman, walang Serene na naninindak, pero iyon lang ang buong akala ko dahil...
"So, guys sya ang nanapak sakin kahapon. Makakapayag ba kayo na hindi gaganti para sakin?" nang-aasar na sabi niya nang makalabas ako gate ng school.
Omayygaaaddd Cassie! Akala ko okay na ang araw ko, may panganib palang nag-aabang sakin.
Halos maging kapatid ko si Flash dahil sa pagtakbo ko habang hinahabol ako ng mga alipores ni Serene, most of them are the diehard of her, mga ex nya siguro. Nagpapasalamat ako at mahahaba ang biyas ko sa height na 5'7 at natakasan ko sila.
Hingal na hingal ako nang makarating sa village namin, halos maupo ako sa daan dahil sa sobrang pagod nang may magsalita sa likod ko.
"So dito ka nakatira?" medyo mahina lamang iyon pero rinig ko pa rin ang boses nang nagsalita.
Nanlamig ang buo kong katawan at parang tumigil ang mundo ko nang makilala ko kung sino ang nagsalita, it's her.
"Kapitbahay lang pala kita, di naman pala ako mahihirapan sa paniningil sayo" nakangiting sabi nya.
Lola ata sya ni flash, mas mabilis sya sakin eh.
"W-Wala akong utang sayo" tanging nasabi ko sakanya.
Tila baliw syang napahagalpak ng tawa, di ko alam kung baliw sya o ewan, basta basta nalang siyang tumatawa.
"Serene Evangelista, you are?" iniabot nya ang kamay niya at gusting makipagkamay saakin.
"Anong trip mo?" sabi ko naman.
Naguguluhan talaga ako sa taong ito, kanina lang naniningil ngayon nakikipagkillala. Weird sya para sa isang Dyosa. Maganda nga eng-eng naman.
"Nagpapakilala ako saiyo, baka kase di mo kilala ang pinagkakautangan mo" sabi nya naman at ngumisi naman. Ang kyut nya ah, teka? Sinabi ko bang kyut sya?
"Wala akong utang, kung tungkol naman sa galos mo sa mukha, deserve mo yan. Ang bastos mo kase" pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko sya.
"Hindi pa kita kilala pero type na kita" pagkaraan ay sabi nya.
"Type mo mukha mo!" sabi ko naman at pumasok na sa loob ng bahay, pero akala ko peaceful na sa loob ng bahay pero hindi pa pala, pagkapasok ko ng kwarto ko ay agad kong hinubad ang uniform ko at papasok n asana ng banyo nga may magsalita na naman, at walang iba kundi si--- "A-anong—Bakit—P-Pano ka nakapasok?" nabiglang tanong ko.
Halatang gulat din sya at dun lang nagprocess sa utak ko na nakapanty at bra nalang pala ako, at base sa tingin nya ngayon pinagnanasaan na ako ng gaga.
"Hayop ka! Umalis ka dito! Bastos ka talagang babae ka" pinagbabato ko sya ng unan, may lahi ata syang magnanakaw dahil nalaman ko kung saan siya dumaan.
"T-teka! Ayy! Wait---" mabilis nyang hinawakan ang dalawa kong kamay at pinatigil sa pagbalibag ko ng unan.
Nagkatinginan naman kami at bumababa na naman ang tingin nya sa katawan ko, magpupumiglas na sana ako ng magsalita sya.
"Magdamit ka muna, pagkatapos mo magbihis saka tayo mag-usap" malumanay na sabi nya at binitawan ako.
Dali-dali akong nagbihis at inayos ang sarili, di pa rin ako makapaniwala sa nangyari, naiyak tuloy ako dahil bukod kay mommy at daddy ako lang ang nakakakita sa katawan ko. Ngayon nakita nya na, feeling ko hinarass nya ako.
Pagkatapos ko magbihis ay bumalik ako sa kinaroroonan namin kanina.
Nakita ko syang nakaupo sa aking kama, at tulala.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko para mapukaw sya sa pagkakatulala.
"May proposal ako para sayo" ang sabi niya.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
"Ha?" naguguluhang tanong ko.
"Para di na kita singilin sa utang mo" nakita ko na naman ang ngisi nyang sobrang kyut at nakakatunaw.
Kanina kyut lang ngayon nakakatunaw na, level up ganun.
"Wala akong utang oy, tsaka ikaw ang may utang! Nakita mo ang katawan ko!"sumiklab na naman ang galit ko sakanya.
"Be my girlfriend, para bayad ka na" walang kemeng sabi nya.
"Ha?!" gulat kong tanong.
Lumapit sya saakin at ibinulong ang mga katagang gumimbal sa nananahimik ko ng buhay.
"Be my girlfriend"