THE DATE ^__^

1K 35 44
                                    

Naalimpungatan siya nang makaramdam siya ng kakaibang pananakit ng ulo. He opened his eyes and saw Dr. Agasa, staring at him. Base sa pagkakangiti nito ay batid niyang nagtagumpay ang bisa ng ininom niyang gamot. Napabalikwas siya ng bangon. Napangiti siya ng makita ang sariling repleksyon mula sa salamin. His real body was back! 

“Nakatulog ka. Hindi muna kita ginising.” paliwanag ni Dr. Agasa.

Napatingin siya sa orasan. Hindi niya napagilang mapamura nang makita kung ano’ng oras na. “Damn! Baka umalis na si Ran!” he hurriedly jumped out of the bed.

“Tawagan mo.”

Natigilan siya. Napangiwi siya nang makita ang pagngisi ng doctor. He was teasing him, and that made him feel annoyed. Natawa pa ito dahil sa biglaang pamumula ng mga pisngi niya. “Dammit. Stop laughing. Naiirita ako.” saway niya.

“Tawagan mo na. Baka mamaya, iba na ang ka-date nun, sige ka.”

Mabilis niyang kinuha ang cellphone. He ignored Dr. Agasa’s crazy laugh. Hindi pwedeng makipagdate si Ran sa iba, lalo na kung sa araw pa mismo ng kaarawan niya!

“S-shinichi?”

Napalunok siya nang marinig ang nanginginig na boses ni Ran mula sa kabilang linya. Kay tagal din niyang inasam na dumating ang araw na hindi Conan, kundi Shinichi ang itatawag nito sa kanya. “Ran…”

“B-bakit ka napatawag?”

Napangiti siya sa naggagalit-galitang tono nito. “Huwag ka munang umalis ha?”

“B-bakit, nasaan ba ako?”

“Papunta na ako. Kaya huwag ka munang umalis.” giit niya. Ran fell silent. “Hindi ako nakalimot. Tutupad ako sa pangako ko, kaya hintayin mo ako.”

“Lagi ka namang nagpapahintay eh. Hindi ka naman dumarating.”

“This time, ipinapangako kong—”

“Just come here! Huwag ka ng mangako. Hindi ko kailangan ng pangako mo. Just come here, fast! Kung hindi ay uuwi na ako.” banta nito. Pinatayan siya nito ng tawag. 

“Dr. Agasa, alis na ko.” baling niya sa ngingiti ngiting matanda. “Stop grinning.” 

“Kailangan mo ba ng special effects?”

“W-what?”

“May bago akong imbensyon.”

Napangisi siya. “Kung magagamit ko iyan, I might consider using it.” 

Napangisi rin si Dr. Agasa. And with that, they stormed out of his house and headed to Tropical Land, where Ran was patiently waiting for him. For the first time in his life, kinabahan siya, hindi dahil may isinosolve siyang case o dahil hinahabol niya sina Gin at Vodka, kundi dahil makakaharap niya ulit si Ran. He’ll confess everything to her, at sa pagkakataong iyon ay hindi niya hahayaang maunsyami ang pag-amin niya.

____

“S-shinichi?” napatayo si Ran pagkakita sa kanya.

Napangiti siya. Tama nga ang hinala niya. Naroon ito sa may fountain sa Tropical Land. “Ran!” magiliw na tawag niya. He was expecting a very tight hug from her, pero iba ang ibinigay nito sa kanya. Gulat na napailag siya sa mataas at mabilis na sipang pinakawalan nito. “Oi, oi. Ano’ng problema mo? Bakit ka naninipa?”

“Ano’ng oras na, ha? Bakit ngayon ka lang?”

Napakamot siya sa ulo. “I had something to investigate. Hindi ko lang naiwan kasi—”

“You, case-solving psycho!” ingos nito.

“R-ran…”

“Kanina pa ako dito. Ang tagal mo.” nakayukong anito.

HAPPY BIRTHDAY, SHINICHI (DETECTIVE CONAN FAN FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon