THEA's POV
"Thea! Ano ba! Ang Bagal mo!"
"Eto na! Eto na!"
Nasa may school kami ngayon , itong babaeng 'to sasakalin ko 'to kanina pa ako sinisigawan. Kase nagmamadali Siya na ipakita sa akin yung bestfriend ba yon ng boyfriend niya =___=.
"Hi Thea! Hi Dianne!" Tawag ni Cherry Kasama si Mark , magiging senti na naman ako. Nako , Thea! Wake up! MOMOL (Move on Move on Lang) din pag May time. Andito kami sa may tapat ng Science Laboratory.
"Hi! ^_^" ngumiti na Lang ako sa kabilang dalawa.
"Thea! May sasabihin ako sayo ^_^" ngiting ngiti na Sabi sa akin ni Mark.
"Ano yon?"
"Hehehe kami na ni Cherry ^_^" ok , Thea wag kang iiyak! wag na wag!
" CONGRATS!" Sabi ko sabay yakap Kay Cherry at kunwaring di ako naaapektuhan.
"Uhm Mark ,si cupcake?" tanong ni Dianne =___=
"Huh? Cupcake? Sino yun?" tanong ni Mark , hahaha di niya kilala XD
"Ah si Gio my labs!" inis na sabi ni Dianne.
"Ah ganun ba sorry ha XD di ko alam yung cs niyo eh , andun siya pumunta sa loob ng faculty saglit kasama si Darren may iniutos kasi si sir." Darren? Luh? Sino naman yung ugok na yun?
"Ah ganun ba ,ikaw kasi Thea ang bagal mo di ko man lang nakita yung cupcake ko!" pagsita sa akin ni Dianne.
"Aba! bakit naman ako, pero pede bang magtanong?" sabi ko
"Ano ba yun?" biglang singit ni cherry.
"Ah hehehe sino yung Darren?" bigla naman silang nagtawanan pagkatanong ko. =____=
"Bakit may nakakatawa ba sa tinanong ko?"
"Hahahaha! Ha? wala naman." Sabi ni Dianne , nako kung di ko lang kaibigan ito kanina ko pa tinadyakan.
"Eh ano nga?"
"Ano kase Thea di mo talaga kilala si Darren?" tanong ulit ni Chelsea. Hindi ng asabe , itatanong ko ba kung kilala ko yun.
"Hindi talaga eh." Tumigil na sa pagtawa si Dianne.
"OK! Si Darren ay bestfriend ni cupcake at ni Cherry ^__^" paliwanag ni Dianne.
"Huh?"
"Nako ang slow mo girl!"
"Tss. Cherry ikaw na nga lang magpaliwanag."
"Ah si Darren bestfriend namin siya ni Gio simula mga bata pa lamang kami at kilalang kilala siya sa campus kasi matalino at gwapo si Darren at di lang yon magaling pang tumugtog ng gitara at kumanta." aahhh now i know gets ko na -____-
"Ah ganun ba? eh ikaw MArk kilala mo ba siya?" tanong ko kay Mark , pano tinawanan din ako kanina =____=
"Ha?! oo naman siya nga dahilan kung paano ko nakilala si Cherry eh kaya mahal na mahal ko yung si Darren eh." sabay yakap kay Cherry , kaya ngumiti na lang ako.
So siya pala ang dahilan kung paano nagkakilala si Cherry at Mark Dale sa akin yang Darren na yan kapag nakita ko yan. HAHAHAHA! Joke!
"Antagal naman ni cupcake." naiinip na sabi ni Dianne.
"WAla na yon nilamon na ng lupa yon." sabi ko at nakatikim ako ng . . .
*Poink
"Aray bakit mo ako binatukan." sigaw ko sa kanya.
"CHe! ewan ko sayo!" sabi niya , sasabunutan ko an talaga itong bruha na ito kung hindi ko lang bestfriend 'to eh.
"Wag na nga kayo mag away para-- , oh andyan na pala sila. Gio! Darren!" sabi ni Cherry kaya napatingin ako sa likod ko ,si Gio lang ang nakita ko kasi nakahood yung Darren ba yun kaya di ko makita yung mukha niya.
"CUPCAKE!!!!!" irit ni Dianne .
"Cupcake! Good morning!" sabi naman ni Gio.
"Naku Gio yang gf mo kanina pa ako pinapagalitan , buti naman at dumating ka na." sabi ko.
"Gio! inaaway ako ni Thea!" aba't sinumbong pa ako sa boyfriend niya.
"Yaan mo na yang si thea cupcake! broken hearted lang yan." sabay tingin sa akin ng nakakaloko. NAkow!!! seryoso ako pedeng pumatay ng magsyota! ngayon lang. Alam kasi ni Gio yung feelings ko para kay Mark. True Friend talaga silang dalawa ni Dianne. Kaya lang malakas din ang tama eh =____=
"Huh? bakit ka naman broken hearted?" tanong ni Mark. Tumungo na lang si Cherry.
"Ah wala namatay yung pusa ko eh." at ningitian ko siya , kahit wala naman kaming pusa.
"ah ganun ba hehehe! Uy! Darren dito ka!" sabi ni Mark.
"Oh Gio pakilala mo si Darren kay Thea , broken hearted din yang si Darren pareho kayo Thea kaya lang siya sa babae ikaw sa pusa XD." loko rin 'tong si MArk ah iuntog ko kaya ito sa dingding.
"Ok Sige! Darren , Thea And Thea , Darren." nakatungo lang siya , si Gio naman tinanggal yung earphone sa tenga at dahil nagulat si Darren kaya niya tinanggal yung hood niya pero may panyo siya sa may bandang ilong , para siyang gangster. Bigla niyang hinablot yung earphone kay Gio at naglakad palayo papunta sa may vending machine.
"Wag mo nang problemahin yun may sayad yun hehehe." Sabi ni Gio.
"Gusto niyo ng maiinom bibili ko kaya dun sa vending machine." sabi ko.
"Sige , libre mo ha." sabi nilang apat.
"Oo na." naglakad na ako papunta doon at nakita ko yung Darren na yun at sa di sinasadya nabunggo ko siya habang umiinom kaya natapon sa may jacket niya.
"Oh Shit!" sabi niya sabay tanggal ng jacket.
"Ay sorry , di ko sinasadya."
"Are you stupid??!!" sigaw niya sa akin habang nakatungo ako ,dahil nainis ako sa sinabi niya na stupid ako nainis ako at inangat ko ang ulo ko at laking gulat ko nang makita ko ang mukha ni Darren.
"IKAW?!" we said in chorus. Biglang lumapit yung apat , narinig yata yung sigaw namin.
"Bakit ka andito?!" sabi ko.
"Dito ako napasok . Eh ikaw bakit ka andito?"
"Dito rin ako pumapasok!" sabay irap sa kanya.
"Di pa ako tapos sayo! miss Thea!"
"Wala akong pake!" Sabi ko. at aalis na sana ako ng bigla niya ako sinabunutan. Yung apat naman nanonood lang sa aming dalawa.
"ARAY!!!!!!! ANO BA?!" sabi ko.
"Wala ganti ko lang dun sa sipa na ginawa mo , di tuloy ako nakapaglaro ng basketball gawa mo." tapos naglakad na siya palayo.
"DALE KA SA AKIN!!!!!" sigaw ko. Bwisit! patay ka talaga sa akin kapag nag kita ulit tayo!
BINABASA MO ANG
Nothing's Over
Teen FictionAnong mas pipiliin mo ang pagkakaibigan o love? Paano kung ang taong mahal mo ay mahal din nang best friend mo at mahal din niya ang bestfriend mo, ipauubaya mo ba siya? Paano Kung sa pag paubaya mo may makilala kang isang Tao na siyang tunay na mag...