First Heartbreak

12 1 0
                                    

FIRST HEARTBREAK :(

THEA's POV

"Sorry Hindi pwede eh."

"Pero bakit naman , Wala ka namang boyfriend ah."

"Eh Ayoko Lang sorry talaga." Pagka sabi ko nun , umalis na ako sa may pinto ay umupo na sa upuan.

"Grabe ka Thea , ang hard mo talaga sa Mga manliligaw mo." Sabi sa akin Dianne.

"Eh Ayoko Kasi magpaligaw."

"Bakit naman , mababait naman ang manliligaw mo ah." Sabi naman ni Cherry.

"Eh Kasi isang tao Lang ang pwede dito eh hehehe."

"Oo na kilala ko na yan ." Bigla namang napatungo si Cherry , kaya iniba ko na yung topic.

"Ah guys McDo tayo mamaya , treat ko" Sabi ko.

"Sure basta libre eh." Sabay nilang sabi , TT-TT mauubusan ako ng pera.

Ay, ako nga pala si Althea Mariz Ramos ^__^ , 16 years old fourth year high school sa SONE Academy. Cheerful at masayahin (Pareho lang yun ah XD) mabait naman ako hehehehe mahilig akong mangulit ng Tao XD . I'm one of the popular girls in school , kaya maraming nanliligaw sa akin , pero rejected silang lahat XD . Meron akong dalawang kaibigan si Dianne at Cherry Pareho silang Maganda , si Dianne may boyfriend na , si Cherry naman wala. Ako? Syempre Wala karereject ko nga Lang sa isa sa manliligaw ko eh XD . Kasi iisa Lang ang taong nakakapagpatibok ng puso ko.

"Thea!" Tawag sa akin ni Mark na nakatayo ngayon sa may pinto , Siya yun yung taong mahal ko. Ever since elementary pa lang , siya na yung taong gusto ko , schoolmate kami eh naging mag kaklase kami Nung grade 4 hanggang grade 6 . Alam kong mahal din Siya ni Cherry pero para Kay Cherry friendship is more precious , ganon din naman sa akin , kaya Wala akong lakas ng loob na mag confess sa Kanya eh XD.

"Oh Mark bakit?" Sabi ko hihi XD

"Pwede bang ano uhmmmm" Sabi ni Mark na medyo nahihiya pa . Magcoconfess ba Siya???

"Ano yun , sabihin mo na?"

"Ano pwede bang pakisabi Kay Cherry na Kung pwede ko siyang yayain na manood ng fireworks sa gabi ng foundation day?" Tanong ni Mark na ikinawasak ng puso ko.

"Ah eh oo ba syempre naman hehe."

"Talaga?!" Nagliwanag yung mukha niya Nung Sinabi kong tutulungan ko Siya.

"Oo naman ^_^" pinipilit ko pa rin ngumiti Kahit nasasaktan na talaga ako.

"Sige balik na ako ha Baka dumating na si sir." Sabi ko sabay yuko papalapit kina Dianne.

"Oh Thea bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Cherry.

"Ah Wala naman ^_^ , uhm Cherry Kung pwede ka daw mayaya na manood ng fireworks sa gabi ng foundation day Sabi ni Mark."

"T--talaga?" Sabi niya namumula pa nga Siya eh. Dahil mahal ko Siya. Sige na nga ipapaubaya ko na si Mark sa Kanya , yan ang Mga naisip ko .

"Oo mamaya kausapin mo Siya malamang matutuwa Siya ^_^ "

"Eh pano ka?" Tanong niya.

"Ha? Ako pano ko , ano ka ba naman wag mo na akong isipin , di na Siya gusto ko . " Kahit Hindi totoo ang Mga salitang yan , sa loob ko nasasaktan talaga ako.

"Talaga? Sigurado ka?"

"Oo ako pa pag Sinabi ko yun na ^_^"

"Oh sige ." Ningitian ko na Lang Siya , at tumalikod na. Si Dianne naman nakatingin Lang sa akin.

Natapos na yung klase namin , nagpaalam sa Amin si Cherry na kakausapin niya na si Mark. Kaya umoo na Lang kami ni Dianne , habang naglalakad kami pauwi.

"Thea ok ka Lang ba?"

"Ha? Ako? Ok Lang ako." Sabi ko sa Kanya Kahit may namumuo ng Luha sa Mga mata ko.

Nilapitan ako ni Dianne at hinawakan sa Braso.

"Thea , wag kang matakot na sabihin sa akin , andito Lang ako para sayo." Pagka sabi niya nun , napahagulhol ako ng iyak sa Kanya at napayakap.

"Dianne! Huhuhu" yan lang ang mga nasasabi ko sa kanya habang naiyak.

"Ok lang yan Thea ilabas mo lang." hinihimas ni Dianne yung buhok ko habang sinasabi niya yan. sa kanilang dalawa ni Cherry mas close ko si Dianne , dahil grade 1 palang ay magkakilala na kami ni Dianne.

Nakauwi na ako at nag text ako sa kanya . nagsorry at nag thank you na rin ako sa kanya kasi nabasa ko yung damit niya .

To Dianne:

Dianna sorry ha nabasa ko yung damit mo, Salamat din pala sa pag comfort mo sa akin :))

Maya maya nag reply na si Dianne

From Dianne:

Ok lang yun ikaw pa pero may kapalit libre mo ko ice cream bukas XD

To Dianne:

Oo na XD

Tapos binaba ko na yung phone ko at humiga.

"Siguro nga kailangan ko na siyang kalimutan , wala rin namang kwenta 'tong pagtingin ko sa kanya eh di niya ko gusto , si Cherry ang gusto niya." sabi ko sa sarili ko. hay nako! makatulog na nga lang. =_______=

-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~-~

A/N

Lalalala ^_____^ new story XD Kahit di pa tapos yung dalawa kong story XD

Nothing's OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon