Prologo

24 1 0
                                    

Ang sabi sa mga kwento, ang bawat panaginip raw ay may kahulugan..

Ang buhay raw ng tao ay parang isang malaki at makapal na libro kung saan mahalaga ang papel ng bawat tauhan upang mabuo ang istorya..

Hindi magiging kumpleto kung lalaktawan mo ang isang kabanata dahil ang bawat pahina ay may halaga.

Maihahalintulad ang buhay sa isang alon ng dagat. Kung minsan, hindi mo ibig na hampasin ka ng malalakas na alon at tangayin sa kawalan. Hangga't maaari, gusto nating lahat na tining lang ang dagat. Hindi nagagalit, hindi maligalig, maayos na makakadaong ang bangka sa paroroonan. 

Kung pwede lang sanang ganoon nalang kadali ang lahat ng iyon, hindi na sana aabot sa ganito ang lahat.

Ang buhay ko ay parang isang maliit na balsa sa mapanghimutok na daluyong na dinatnan ng bagyo sa gitna ng laot.

 Masalimuot 

 Magulo 

 Masakit 

 Puno ng pagsisisi 

 Puro pagdaramdam 

Binibigyan ng pagkakataon ang bawat tao na mamili ng kanilang magiging tadhana. Alam ko sa sarili ko na hindi ito ang pinangarap ko pero ito na ang kinasadlakan ko. Wala akong naging pagsisisi sa pinili ko, dahil ginawa ko iyon para maging masaya ngunit hindi ko alam na hindi pala iyon magtatagal. Mula noon hanggang ngayon, hanggang sa lumipas pa ang maraming panahon, lagi kong pinipili ang sasaglit na kaligayahan. 

Makasarili ba akong maituturing kung pinili ko ang pag-ibig? Iyon ang naging pasya ko upang makasama siya. Subalit ang desisyon kong iyon ang naglagay sa aming dalawa sa hindi magandang kalagayan. 

Hindi ko na nanaisin pang mabuhay muli. Hindi ko na maiibigan pang muli siyang makita dahil ako lang ang maglalagay sa kaniyang sa mapait na gulong ng palad. Ibig kong ibalik ang panahon. Ang araw kung saan nag-uumpisa palang kami. Baka sakaling napigilan ko ang lahat. Baka sakaling hindi nangyari ang lahat. Hindi sapat ang patawad, alam kong hindi sapat ang pagsisisi sa naging wakas ng aming istorya..

Ang mga tauhan, pangyayari at mga pangalan ng lugar ay pawang walang katotohanan at bunga lamang ng imahinasyon ng may akda. Ang mga impormasyon na may pagkakatulad sa katotohanan ay hindi sadya at aksidente lamang. Bawat kaganapan sa kwento ay hindi kasali sa kasaysayan ng bansa at kathang isip lamang ng sumulat.

Ang kwentong ito ay hindi hango sa tunay na pangyayari at walang koneksyon sa buhay ng taong sumulat o sa lugar na kanyang kinabibilangan. Walang pagkakaugnay sa tunay na nangyari sa bansa sa mga nabanggit na taon at ito ay purong gawang piksyon lamang.

Plagiarism is a crime punished by law.

A Thousand Waves Of ChancesWhere stories live. Discover now